PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Celebrity Collab: 10 housemates nominated for eviction

Shuvee, Ralph, AZ, and Esnyr win Big Intensity Challenge.
by Erwin Santiago
Published May 25, 2025
pbb celebrity collab nominees
NOMINEES FOR EVICTION: (Top, from left) Charlie Fleming, Dustin Yu, Mika Salamanca, Will Ashley, and Vince Maristela; (bottom, from left) Bianca de Vera, Brent Manalo, Klarisse de Guzman, River Joseph, and Xyriel Manabat.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

Sampung housemates ang nominado for eviction ngayong linggo sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab — limang Kapuso at limang Kapamilya.

Sa episode ng reality show ngayong Linggo, May 25, 2025, nalaman na kung sino ang dalawa pang housemates na nanalo sa Big Intensity Challenge.

Ito ay si AZ Martinez sa hanay ng Kapuso stars, at si Esnyr Ranollo para naman sa Kapamilya stars.

Read: Ralph de Leon, Charlie Fleming officially back as PBB housemates

az esnyr pbb
AZ Martinez (left) and Esnyr Ranollo (right) won the second Big Intensity Challenge.
Photo/s: Screen grab from GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dalawang naunang winners sa Big Intensity Challenge ay sina Shuvee Etrata (Kapuso) at Ralph de Leon (de Leon).

shuvee ralph pbb
Shuvee Etrata (left) and Ralph de Leon (right) won the first Big Intensity Challenge.
Photo/s: Screen grab from GMA Network

Bilang Big Intensity Challenge winners, silang apat ang nakakuha ng immunity para sa nominasyon ngayong linggo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod dito, may karapatan silang mamili ng kanilang magiging Final Duo sa takdang panahon.

Ibig ding sabihin nito, ang lahat ng hindi nanalo sa Big Intensity Challenge ay awtomatikong nominado for eviction ngayong linggo.

Read: Eviction ni Ralph, ang sakripisyo ni Shuvee, punchline ni Klang

THE NOMINEES FOR EVICTION

Sa hanay ng Kapuso stars, ang mga nanganganib mapatalsik sa Bahay ni Kuya ay sina Charlie Fleming, Dustin Yu, Mika Salamanca, Vince Maristela, at Will Ashley.

Ang Kapamilya stars namang nominado this week ay sina Bianca de Vera, Brent Manalo, Klarisse de Guzman, River Joseph, at Xyriel Manabat.

Sina Mika at Klarisse ay kapwa first time na-nominate for eviction.

Ngayong Linggo ng gabi ay simula na ang botohan, sa pamamagitan ng Maya app, kung sino sa mga nominadong housemates ang gusto iligtas ng taumbayan.

Ang Kapuso housemate at Kapamilya housemate na may pinakamababang boto sa pagtatapos ng botohan sa Sabado, May 31, ang mae-evict sa PBB house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PBB Update: Michael at Emilio, dumami ang fans matapos ma-evict

FUN AND EMOTIONAL BIG INTENSITY CHALLENGE

Ngayong linggong ito ay sumabak sa dalawang Big Intensity Challenge ang PBB housemates upang madetermina kung sino ang apat na housemates — dalawang Kapuso at dalawang Kapamilya — na ligtas sa nomination at makakapili ng kanilang ka-Final Duo.

Sa parehong challenges ay magkakalaban ang kapwa Kapuso stars, at magkakalaban din ang Kapamilya stars.

Sa unang challenge ay sinubukan ang talas ng pag-iisip ng housemates.

Kailangan nilang sagutin ang anim na katanungan na nasa wikang Filipino.

Pagkatapos nito, kailangang tumapat sa unang letra ng tamang sagot ang wooden blocks na ipi-flip nila sa pamamagitan ng maliit na paddle.

Ang housemate na may pinakamabilis na oras sa pagtatapos ng challenge ang makakakuha ng unang Immunity Medal.

Sa Kapuso housemates, ang pinakamabilis na nakatapos ng task at nabigyan ng Immunity Medal ay si Shuvee.

Si Ralph naman ang nagwagi sa hanay ng Kapamilya stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi natapos nina AZ, Charlie, Bianca, at River ang challenge dahil hindi nila nasagot ang huling katanungan.

Kung nakakatuwa ang unang Big Intensity Challenge, dahil sa ilang kasagutan ng housemates, naging madamdamin naman ang ikalawang Big Intensity Challenge.

Sa unang round ay kailangang igulong ng bawat housemate ang kani-kanilang bola sa landing points na may corresponding numbers (1 to 3).

Kung saan bumagsak ang kanilang bola ay iyon ang bilang ng mga lobo na madadagdag sa kani-kanilang board.

pbb celebrity collab
The setup for the second Big Intensity Challenge
Photo/s: Kapamilya Channel YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi roon natatapos ang challenge dahil sa second round ay kailangang paputukin ng housemates ang lobo ng kanilang co-housemates, at kung sino ang may natitirang lobo sa huli ang siyang panalo.

Naging emosyunal ang karamihan ng housemates dahil pakiramdam nila ay sila ang dahilan kung bakit manu-nominate for eviction ang kanilang kapwa-Kapuso o kapwa-Kapamilya.

Sa huli, ang may natirang lobo ay si AZ sa Kapuso at si Esnyr sa Kapamilya.

Read: PBB announces wildcard spots for evicted housemates

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NOMINEES FOR EVICTION: (Top, from left) Charlie Fleming, Dustin Yu, Mika Salamanca, Will Ashley, and Vince Maristela; (bottom, from left) Bianca de Vera, Brent Manalo, Klarisse de Guzman, River Joseph, and Xyriel Manabat.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results