Hindi nagpapatinag si Ashley Ortega, 26, sa bashers.
Sa loob ng labing-apat na taon niya sa showbiz, hindi maiwasang makaranas siya ng bashing.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 15 housemates
Lahad ni Ashley sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Kahit nung five years pa lang ako sa showbiz, meron na po talagang mga, you know, there are people talaga sa mundo na has something negative to say. It's up to you how to handle it.
"Pero ako naman po talaga, super-deadma lang po talaga ako.
"Kasi magpo-focus na lang po talaga ako sa mga blessings ko in life, sa lahat ng mga positive na nangyayari sa life ko, at sobrang daming nagmamahal sa akin ngayon.
“So, parang natatabunan na yung mga bashers. So, parang, 'Bahala na kayo diyan, ako, grateful sa life.'
"So, deadma lang po talaga."
Never daw siyang pumatol sa bashers, pero inamin niyang may mga pagkakataong naaapektuhan siya.
“Ay, parang hindi naman po. Pero may mga bash before na medyo naapektuhan ako as a human being also.
“I think there was a time in-open up ko pala sa PBB, na medyo naapektuhan ako sa mga sinasabi nila towards me," sabi ng PBB Celebrity Collab ex-housemate.
Ano ang pinakamasakit na bashing na natamo niya?
"Yung, parang, ang tagal sa industriya tapos wala pa masyadong napapatunayan. O sabihin ko na po, 'starlet,' ayan.
"Ayun, yung masabihan nang ganun before," pag-amin ni Ashley.
Dadgag niya: "So I would always prove myself na I'm more than that. So, iyon yung parang pinaka-bash na siguro na medyo na-hurt ako.
"Pero aside from that, wala. Parang pagmamahal na lang, so I'm just really grateful."
Mas tumibay raw ang loob niya dahil sa mga batikos sa kanya.
Saad ng Kapuso actress: "And actually, sa bash, sometimes yung mga negative criticism na sinasabi ng mga tao, I would use it as a motivation to become a better actor, to become a better person.
"So, mas win-win situation.
"Ako naman, hindi naman po ako yung nagho-hold ng grudge sa isang tao, kasi parang hindi ko kayang magalit nang matagal.
"So, nili-let go ko na lang yung mga negative energy."
Bumida si Ashley sa mga Kapuso prime-time series na Widows' Web (2022) at Hearts on Ice (2023).
Ipinamalas din niya ang kakayanang gumanap bilang kontrabida sa Legal Wives (2021) at bilang comfort woman sa Pulang Araw (2024).
Read: Ashley Ortega says Mavy Legaspi's parents are "very welcoming"
ASHLEY ORTEGA PBB EXPERIENCE
Nakapanayam ng PEP si Ashley nang ilunsad siyang brand ambassador ng Luxe Slim beauty and wellness drink sa Privon Bistro Lounge sa Quezon City, noong April 24, 2025.
Dito, kinumusta ng PEP ang karanasan ni Ashley mula sa PBB: Celebrity Collab.
Bagamat siya ang isa sa mga naunang na-evict, marami sa followers ng reality show ang natuwa sa ipinamalas niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Nasaksihan doon ang pagbabahagi niya ng falling-out nila ng kanyang ina at kung paano siya nagsisimulang mag-reach out muli rito.
Hinangaan din ang pag-intindi at pakikipag-usap niya sa ibang housemates na hindi maganda ang initial impression sa kanya.
Balik-tanaw ni Ashley: "Actually, before ako nag-PBB, nag-doubt muna ako e, kasi siyempre if I enter PBB, I feel like I have to expose more about myself…
"Maybe not all. Actually, hindi naman lahat in-expose ko rin sa PBB.
"Siyempre yung mga personal problems ko, there are things that we have to keep it to ourselves. So, yun na lang yung I wanna keep things private.
"But at the same time, bilang isang artista at bilang ito yung trabahong pinasok ko at ito yung craft na talagang mahal ko, I think it's also for me to really share how I am as a person to my fans, to my supporters.
"So, siguro yung mga personal stuff, I'll keep it to myself."
Read: Ashley Ortega says PBB Celebrity Collab stint "life-changing"
MORE CONFIDENT TO SHARE HER STORY
Dahil sa PBB, mas nagkaroon daw siya ng kumpiyansang ipakita kung sino siya.
Saad ni Ashley: "Actually, na-realize ko rin na it's really nice to have interactions with people, especially when you show authenticity.
"Ako, kinabahan talaga ako sa loob ng Bahay ni Kuya, kasi hindi ko alam kung mamahalin ba ako ng mga tao for who I am as a person.
"Kasi before PBB house, [sa] mga presscon, alam natin yung very showbiz answers, sanay ako sa mga ganyan.
"But actually, after joining PBB, I feel like it's easier for me to answer, like sa press actually, to answer in a natural way, na walang masyadong tinatago.
"So I just really appreciate… mas naging open po ako.
"And siguro yung mga ano, some sa love life, some sa family ko, I'll just keep it private.
“Pero now, I'm more open and just find the balance in it and you know, the people will see the beauty in me naman."
