One of the much-awaited entries in the forthcoming Cinema
One Originals digital film fest is Dose, which promises to stir a lot of
controversies. This movie marks Senedy Que's directorial film debut after being
a screenplay writer of several films, the latest of which is I.T.A.L.Y. (I
Trust and Love You).
Unang-una, kalat na kalat na ang Dose ay may pagka-biographical in nature, batay sa mga tunay na naranasan ng nabanggit na scriptwriter-turned-director.
"Ang pinaka-theme naman ng movie, tipong love knows no gender," sabi pa ni
Senedy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa
proyektong itatanghal sa big screen this November.
Patuloy niya, "Sa point of view ito ng isang bata, isang dose-anyos na lalaki, na pinagpakitaan ng maganda at ina-appreciate niya 'yun, without differentiating kung bawal ito o hindi.
"Doon naman nagkaka-conflict, kasi, sa society natin, bawal ang ganoong relasyon," kuwento pa ni Direk tungkol sa pelikula.
Itinatampok sa pelikulang isinulat din ni Senedy ang Cinemalaya Best Supporting Actor winner na si Yul Servo bilang hardinerong nagkaroon ng kaugnayan sa isang batang lalaki na ginagampanan ni Fritz Chavez. Kapag tumanda na ang bata na ito, ang Urian Best Supporting Actor winner naman na si Emilio Garcia ang nagbigay-buhay sa role.
Sa pagkakaroon ng influx ng local queer films sa market, ano ang magiging malaking kaibahan ng Dose?
"Very disturbing ang effect ng pelikula 'pag napanood," sabi pa ni Sen. "And yet, we don't show anything. Everything just goes inside your mind. Maraming nangyayari na wala naman akong actually ipinapakita.
"It tests how dirty your mind is and how wild your imagination is. Minor ang bida rito kasi, kaya mahirap magpakita ng actual na nangyayari, lalo na sexually, between a minor and Yul Servo.
"I have to use a lot of creative ways. Ang gusto kong effect, yung makita ng mga manonood at masakyan nila kung ano ang nangyayari sa pagitan ng bata at ng hardinero. Hindi naman victim ang bata rito dahil nahulog ang loob niya roon sa gardener in an untraditional way," patuloy ni Sen sa iba pang detalye.
Maiintindihan daw yung relasyon, pero alam ng audiences na ito ay bawal. Basically, yun ang magiging major conflict ng kuwento.
"Hindi naman lalabas na kontrabida si Yul dito," sabi pa ng direktor. "It's not the usual stuff about relationships, nagkakilala, nag-sex or whatever. Nangyari ang lahat behind the doors, eh. Boses, whisper lang, and yet, wala ka namang nakikita."
Tumatalakay rin ang pelikula sa maselang isyu ng child molestation, at naniniwala si Sen, marami sa mga bading ang makaka-relate dito dahil sa isang punto ng kanilang buhay, maaaring naranasan nila ito o dumaan sila sa ganito.
"Gusto ko ngang mag-umpisa ng blog or website tungkol dito, para makapag-share ng kuwento ang sinuman, lalo na 'yung ayaw namang magpakilala, tungkol sa naranasan nila.
"Para maipamulat lang sa kanila, o sa maraming bading na hindi sila nag-iisa. Kung anuman kasi 'yan, sa palagay ko, ngayon pa lang 'yan matatalakay significantly sa isang pelikula," aniya pa.
Batay ba ang pelikulang Dose sa tunay na mga pangyayari sa buhay ni Senedy Que? Ito ang naisagot ng filmmaker habang natatawa, "It's a personal film. It's not biographical," paglilinaw niya.