Sina Ralph de Leon at Will Ashley ang unang Final Duo sa Pinoy Big Brother (PBB) Collab Edition.
Sa natitirang 12 housemates, ang Kapamilyang si Ralph ang nabigyan ng karapatang unang pumili ng kanyang ka-Final Duo matapos manguna sa Final Duo Formation Task.
Read: PBB Celebrity Collab: 10 housemates nominated for eviction
RALPH CHOOSES WILL AS HIS FINAL DUO
Sa episode ng PBB Collab Edition ngayong Huwebes ng gabi, June 5, 2025, pumili si Ralph sa anim na natitirang Kapuso housemates ng gusto niyang makasama hanggang Big Night kung saka-sakali.
Bukod kay Will, ang iba pang pinagpilian ni Ralph ay sina AZ Martinez, Dustin Yu, Mika Salamanca, Charlie Fleming, at Shuvee Etrata.
Bago pumili si Ralph ay tinanong muna ng co-host na si Gabbi Garcia kung sino sa anim na Kapuso housemates ang gustong maka-Final Duo si Ralph.
Unang nag-step forward si Wll, at sinundan siya ni AZ.
Hindi gumalaw sa kanilang puwesto ang apat na iba pa.
Ito ang rason ni Ralph kung bakit niya pinili si Will bilang ka-Final Duo: "Aaminin ko po, napakalaking parte niya po sa journey ko dito sa Bahay Ni Kuya.
"I've seen and I've been so proud of the growth and improvement that I've seen from this person since Day One.
"Hangang-hanga po ako sa taong ito talaga.
"Alam ko, sa isip at sa puso ko po talaga na hindi po ako pababayaan nitong taong ito at sasabayan po ako sa laban—dito man sa loob ng Bahay o sa labas.
"And dahil po nakabalik na po ako sa Bahay ay hindi ko na po papalagpasin itong opportunity na ito.
"Kaya ang pipiliin ko po as my Final Duo ay si Will."
Ito ang unang pagkakataong makaka-duo nina Ralph at Will ang isa't isa.
Read: PBB announces wildcard spots for evicted housemates
RALPH'S PBB CELEBRiTY COLLAB JOURNEY
Hindi naging madali para kay Ralph ang makarating sa puwesto niya ngayon dahil apat na beses siyang na-nominate for eviction kasama ng kanyang past duos.
Hanggang sa ika-apat na nomination niya, kasama ang ka-duo na si Josh Ford, ay na-evict siya noong May 10, 2025.
Ngunit nakabalik siya sa Bahay Ni Kuya, kasama ang past evictee ring si Charlie Fleming, matapos manguna sa botohan para sa Wildcard Edition.
Read: Ralph de Leon, Charlie Fleming officially back as PBB housemates
Mula nang makabalik siya sa PBB ay ipinakita ni Ralph ang kanyang determinasyong makaabot hanggang Big Night sa pamamagitan ng pangunguna sa Big Intensity Challenge at sa Final Duo Formation Task.
Si Ralph din ang pinili ng Kapuso housemates na gusto nilang maging ka-duo.
Ang mga ito ang nagdala sa kanya sa unang puwesto at ng karapatang makapamili ng ka-Final Duo.
Samantala, ang mga housemate na nasa rank 2 to 12 ay pipili na rin ng kanilang ka-Final Duo (isang Kapamilya at isang Kapuso) ayon sa kanilang pagkakasunud-sunod.
Ngunit sa pagkakataong ito, may karapatan ang sinumang housemate na tumanggi kung sakaling ayaw nilang maging ka-duo ang pumili sa kanila.
Ito ang ranking ng natitirang housemates: Shuvee Etrata (No. 2), Klarisse de Guzman (No. 3), Dustin Yu (No. 4), Mika Salamanca (No. 6), AZ Martinez (No. 7), Bianca de Vera (No. 8), Charlie Fleming (No. 9), River Joseph (No. 10), Brent Manalo (No. 11), at Esnyr Ranollo (No. 12).
Si Will ay No. 5 ngunit dahil pinili na siya ni Ralphy ay hindi na siya kasama sa pipili at pagpipilian.
Read: Xyriel Manabat, Vince Maristela evicted from PBB Celebrity Collab
