Karamihan sa mga sumisikat na female singers sa OPM scene ay mga biritera, pero iba ang rising rapper na si Illest Morena na ang genre ay hip-hop at R&B.
Kung titignan ang playlist niya sa Spotify, ilan sa top hits niya ay ang "Faded (Raw)" na may higit 109M streams, "Lagabog" na may 52.69M streams, "Slow Burn" na may 10.59M streams, "Pick-up" na may 14M streams, at "Girls Need Love" na may 6M streams.
Taong 2024 lang niya ini-release ang kanyang album na Morenita, pero marami na siyang nakamit na milestones.
Ang "Faded (Raw)" ay binigyan ng "Top Kalye Song Award" sa 2024 Spotify Wrapped Party.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Illest Morena sa intimate mediacon para sa kanyang album na Morenita. Ginanap ito sa Studio 88 sa Jaja Building, Panay Avenue sa Quezon City.
Read: Ben&Ben on handling misunderstandings, visiting a cancer patient
RAPPER ILLEST MORENA REAL NAME
Angelica Pola Leyague ang tunay na pangalan ni Illest.
Pero pinili niya ang stage name na Illest Morena bilang paalala sa mga nangungutya sa kanyang kulay noong kabataan niya.
"I was supposed to use my full name po, I mean, my real name sa stage name ko. Pero I decided na Illest Morena sounds better and protects my identity na rin para hiwalay yung personal life ko with my career," saad niya Illest.
Balik-tanaw din niya: "Well actually po, when I was in high school, I created this alter ego for myself, which is called Illest Morena, kasi I was being bullied for my skin color and how I look.
"Yung physical appearance ko laging tinitira sa akin ng classmates ko.
“So, I decided to turn it around and emphasize it as my asset. Kasi, wala namang masama sa pagiging morena. Sa pagiging brown skin.
“Ipinanganak tayong mga Pilipino na ganito ang ating balat. And I used it to my advantage."
Pinanindigan na raw niya ang stage name nang pumasok siya sa music scene.
"Then, nung nag-start na po ako ng career ko as a rapper, an artist, I started to use the alter ego that I created for myself which is Illest Morena. Para you know, kasi feel ko yun na yung nag-resonate na name for me.
"Nag-try ako na isipan ng ibang pangalan yung sarili ko. But it was the best name that I created,” paliwanag niya.
Ang Illest ay slang word na natutunan niya sa international rapper-songwriter na si Nicki Minaj.
"It means I’m the dopest, you’re the greatest and the coolest. And dinugtong ko lang po yung morena as my identity," kinikilig na paliwanag pa ni Illest.
Read: Ronnie Liang, natapos na ang kanyang doctorate degree
ILLEST MORENA FIRST ALBUM MORENITA
Hindi lang sa stage name ginamit ni Illest Morena ang kanyang pagyakap sa kung sino siya.
Pati ang kanyang debut album ay pinangalanan niyang Morenita, na tinuturing niyang "coming-of-age album."
"This album is all about my fantasies," ani Illest Morena.
Walang inhibisyon ang ibinuhos niyang damdamin sa lyrics ng kanyang mga kanta, na pumatok sa kanyang supporters.
Paliwanag ng 23-year-old singer: "Kasi nung sinusulat ko po itong album na ‘to during the pandemic, teenager pa po ako noon, 18 to 19 po.
"So, I feel na parang napigilan yung pag-grow ko during the pandemic kasi na-stuck lang po sa bahay. Hindi ko na-experience fully yung transition ko from this teenage girl into an adult that I am right now.
"And, hati po yung album ko na yun sa tatlong part which is lust—yung mga desire ng isang nagdadalagang morenita; love—ang pag ibig, siyempre, lahat naman po tayo gusto ng pag-ibig; and then dreams—ang aking mga pangarap para sa sarili ko."
Nagsimulang mag-rap si Illest noong 2020.
“But I started releasing my songs in 2021. So, around four years po. Pero siyempre hindi rin po naging madali. Kasi nung start ng career ko po sa TikTok lang ako naglalabas ng mga rap snippets. Hindi pa po ako naglalabas ng mga kanta noon.
"Nagkaroon din po ako ng maraming challenges sa pagsusulat ng kanta nung unang years ng career ko. Kasi, siyempre I was seeing the same thing every day. Lagi pong nasa bahay, gigising, maliligo, mago-online class.
"Then, mago-online class, tapos magsusulat ng kanta. So, it was very repetitive and very draining."
Hanggang sa nakilala raw ni Illest Morena si Nota Baloyi, isang South African artist manager na dating rapper, at ang Six Gang, na isa namang hip-hop group mula sa Mandaluyong City.
"They became one of my greatest artist friends. Na-influence rin po nila yung writing style ko, lalo na nung unang years ng music career ko. Kasi sila po talaga ang nag-push sa akin na magsulat ng song and all that. Kaya thankful po sa kanila."
Matapos ang pandemic, siniguro raw ni Illest Morena na mag-full blast siya sa kanyang music career.
"Yes po," masayang sagot ni Illest.
"I’m very happy kasi sa pandemic din po ako nagsimula ng career ko, e.
"So, when the pandemic stopped, nung naging normal na ulit ang ating mundo, na-open-up po ung sarili ko sa mas marami pang experiences like performing in events, going to mall tours, going to the studio to record my songs and dance lessons. All that na-experience ko siya."
Sabay rebelasyon din niya, "Saka pumarty po talaga ako ng malala pagkatapos ng pandemic para ma-experience ko naman pong college girl. Bawing-bawi po talaga."
Read: Lani Misalucha, aminadong nasisintonado sa pagkanta
LOOKING BACK TO HER ROOTS
Simple ang buhay ni Illest Morena. Ang kanyang ina ay nasa admin department sa isang airline insurance company sa Singapore.
Kuwento pa ni Illest Morena, malaking impluwensiya sa kanyang musical career ang kinalakihan niyang lugar sa Addition Hills sa Mandaluyong City.
"I live in Addition Hills po. It’s a very populated na part ng Mandaluyong. Kaya ang tawag sa kanya Addition Hills kasi padagdag lang ng padagdag yung mga baby,” ani Illest.
"And sa neighborhood po namin, ang daming nakatira doon tapos magkakadikit ang mga bahay namin. So, yung soundtrip ng isa, soundtrip na ng lahat.
"So, doon po ako na-introduce sa hip-hop. Kasi marami po akong kapit-bahay na nanonood ng YouTube, nanonood ng flip top, nanonood ng mga rap music from the '90s, from the 2000s, and sa mga local rap music na rin.
Dagdag pa ni Illest, “And being in Mandaluyong has influenced me a lot to look back at my roots despite na I’m achieving a lot right now.
"Kasi, doon po talaga ako nanggaling, and nire-revisit ko siya lately lalo na sa mga projects ko pa na gagawin ko pa sa susunod.
“Kasi, this year of my life, this year of my Morenita album, in-explore ko po yung fantasy ko bilang isang babae na nangangarap na maging successful, maging achieved.
“And sa mga susunod na projects ko, I’ll be looking back more to where I came from and to be thankful because that’s the reason where I am here right now."
Gusto raw kilalanin ni Illest ang lugar kung saan siya lumaki.
"Yes po," ngiti ni Illest. "And since ako rin naman po ang nagsusulat ng mga kanta kaya malalagay ko sa songs ung gratitude ko na dahil sa buhay ko sa Addition Hills naging inspirasyon ko ung kinalakihan kong lugar.
"And also, yung favorite part ko talaga sa pagiging artist is yung part ng pagsusulat, yung pagko-compose ko ng melodies, yung pagi-stock ng harmonies.
"And I’m very particular when I rap something. When I rap or sing something, I want it to be coming from my heart.
"I take inspiration from my personal life, from my experiences in and yung aspirations ko sa buhay,” diin ni Illest.
Read: Marcus Adoro swears innocence in sexual-abuse allegation
UPCOMING COLLABS WITH APL.DE.AP AND JAY-R
Marami nang naka-collab si Illest Morena para sa Morenita album. Kasama niya si Skusta Clee sa "Lagabog" at si Hevi Abi para sa "Quickie."
Naka-collab din niya ang kanyang "best artist friends" na sina Yortsu at Ramleb sa "Eastside Luv."
May naka-line up na rin siyang proyekto kasama ang iba pang artists.
"And in these coming months I will also be featuring some tracks. I don’t know if I’m able to say it yet...
"I will be featuring some tracks from Jay-R and Apl. de Ap and Janine Berdin. And I’m very, very excited to those projects kasi magkakasunod yung release nila."
Paano niya na-convince sina Jay R at Apl.de Ap to collaborate with her?
"Actually, they all hit me up po. They messaged me po for a feature. I mean, mahiyain po kasi ako, e. Kasi those artists are legends and they have done a lot for the music industry in the Philippines. So, nahihiya po ako mag-reach out sa kanila.
"But when they reached out to me, sobrang tuwang-tuwa po ako. And then, sabi po nila, 'Recording tayo this date.' Pumunta po talaga ako agad para hindi ko po ma-pass out yung opportunity to work with them."
Read: Sarah Geronimo: Life Beyond the Spotlight
ON BEING AN INDEPENDENT ARTIST
Sa kasikatan niya ngayon, posibleng makatanggap siya ng offer mula sa big recording companies para i-produce ang mga susunod niyang kanta o album.
Pero mas gusto pa rin daw ni Illest Morena maging independent artist sa ngayon.
"As an independent artist, opo, siyempre po mahirap. You have to fund your visuals, your recording, and your appearances, your promotion, and all that. You have to form your people na rin like your glam team, ganoon.
“But I prefer working, like, this way because I feel more free and [not] limited with what I wanted to do. And I feel like it’s the reason why my career worked so well, so far. Dahil hindi po ako nalilimitahan sa mga kilos ko.
Pagpapatuloy ni Illest Morena: “Of course, mahirap po siya. But when you’re really passionate about something and when you’re really want something to work lagi, lagi po naming nahahanapan ng paraan.
"Thankful din po ako sa team ko kasi I have this team of loyal people who will their job greatly because they take pride on what they do for me and what they do when we work together.
“Yung team ko po talaga they very fun to work with and nice to work with. Hindi naman po kami nagkakaroon ng problema and I love working with them.
"I intend to stay that way for a long time because I have more control on what I want to put-out and on what I wanna present to people."
STILL FINISHING SCHOOL
Kasabay ng kanyang music career, nasa kolehiyo pa si Illest Morena at tinatapos ang kursong Bachelor of Science in Information Technology.
Sabi niya: "But, I may shift into a course where I resonate more with, like, maybe a music course, sound engineer or something.
"Kasi nagkaroon na po ako ng approval from my mom na mag-shift ng course to something that I like."
