PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sang’gre stars talk about sacrifices they did for this mega-serye

Encantadia Chronicles: Sang'gre stars detail their sacrifices they made.
by Bernie V. Franco
Published Jun 9, 2025
Encantadia, Sanggres
Encantadia Chronicles: Sang'gre reveal they experienced doubts and struggles in the two years they taped the Kapuso prime-time series. Seen above are (from left) Faith Da Silva, Bianca Umali, Angel Guardian, and Kelvin Miranda who are headlining the Encantadia sequel.
PHOTO/S: @gmapinoytv and @bianxa on Instagram

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang mga isinakripisyo ng apat na bida ng Encantadia Chronicles: Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda sa interview nitong June 8, 2025.

“Lahat," halos sabay-sabay na sagot ng apat na bida ng upcoming Kapuso fantaserye.

Nabigyan ng pagkakataon ang PEP at isang vlogger na makapanayam ang tinaguriang new generation Sang’gres bago ganapin ang presscon proper ng fantaserye.

Ang upcoming serye ay sequel ng GMA fantaseryeng Encantadia na ipinalabas noong 2005 at nagkaroon ng remake noong 2016.

sanggre
Light moment with the Sang'gres. (From left) Faith Da Silva, Angel Guardian, Bianca Umali, and Kelvin Miranda let their hair down in a sit-down interview with PEP.ph.
Photo/s: Bernie V. Franco
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SANG'GRE STARS GO INTO DETAILS ABOUT SACRIFICES, HARDSHIPS FOR THE SHOW

Tapos na ang taping ng serye, pero higit dalawang taon ang ginugol para sa taping nito.

At sa dalawang taong iyon, nag-commit ang apat na bida hanggang sa matapos nila ang proyekto.

Unang sumagot si Faith na gumaganap bilang Flamarra, ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy.

“Hindi na nga po ako nag-boyfriend, ilang years na. Sabi ko unahin ko muna itong Sang’gre,” pabirong sagot ni Faith.

“So after po ng show na ito, magbo-boyfriend na ako.”

Ang kuwelang sagot ni Faith ay nagpangiti sa nangyaring interview.

Pero kumabig ang actress-host, “Totoo po iyon. I’m not even kidding.

“Kilala ko rin sa sarili ko na I don’t wanna be distracted.”

faith da silva
Faith Da Silva is Flamarra, Keeper of the Fire Gem.
Photo/s: @gmapinoytv on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot niya, nais niyang maging committed sa big break na ibinigay sa kanya.

“So kung magkakaroon man ako ng distraction sa buhay ko, hindi ko kailangan iyan.”

Nagsakripisyo rin daw sila pagdating sa pagkain sa loob ng dalawang taon.

Nais tumbukin ni Faith na kinailangang bantayan ng mga bida ang kanilang pigura dahil revealing ang kanilang costumes.

Dagdag niya pa, may social gatherings daw silang hindi dinaluhan para maging handa ang mga katawan pagdating ng tapings.

Dagdag ni Faith, “Siyempre po yung ibang obligations and opportunities sa work, dahil nga po it took us years para magawa po yung Sang’gre talaga.”

Sumunod na sumagot si Bianca, gumaganap bilang Terra, ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa.

Siya rin ang pinaka-lead ng fantaserye.

“I can’t emphasize [enough] of how much of a commitment it was to be part of this show,” sabi ng aktres.

“To say [we sacrificed] everything is not enough. We sacrificed ourselves for this project. Talagang wala na po kaming natira sa mga sarili po namin just for the sake na mabuo ito.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero paglilinaw ni Bianca, “Hindi po iyong masama yung mga loob namin. Ginawa namin yun because alam naming iyon ang kailangan para mabuo at maitawid ang pagpapaganda ng Sang’gre sa kabila ng lahat.”

Bianca Umali
Bianca Umali as Terra, Keeper of the Earth Gem, and the lead of the new-gen Sang'gres.
Photo/s: @gmapinoytv on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bianca Umali, nag-iwan ng marka sa PBB bilang houseguest

Paliwanag ni Bianca sinubok ang kanilang pagkatao sa mga taon na ginawa nila ang proyekto.

“Yung hindi mo alam kung hanggang kelan ka magsasakripisyo; yung hindi mo alam kung hanggang kelan ka lalaban; hindi mo alam kung ano yung mga kalaban na paparating.”

Sa sumunod na pahayag ni Bianca, mahihinuhang ang kalabang tinutukoy niya ay ang pagkakaroon ng doubts kung maitatawid ba nila ang proyektong hanggang sa dulo.

“Ang dami pong problema, ang dami pong pagsubok. There were so many questions that gave us doubts, at napanghinaan na po kami ng loob.

“We even thought na parang, 'How do we continue?'”

Naging support system daw nila ang isa’t isa.

Sinegundahan ito ni Kelvin, na gumaganap bilang Adamus, ang tagapangalaga ng brilyante ng tubig.

Sabi niya, “Minsan, yes, bumibigay, siyempre tao ka lang din. Pinapasok ka rin ng tampo, minsan ng pagod, ng mga kuwestiyon na hindi mo na dapat tinatanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, inaamin ko, may ilan sa mga naging experience ko na talagang bumibitaw ako.”

Kinailangan daw ng commitment mula sa kanila para sa proyekto. Ang commitment daw kasi ay may kaagapay na disiplina at pasensiya sa ginagawa.

“Sa paulit-ulit, sa araw-araw na nangyayari iyon, meron talagang araw na hindi ka okay," sabi pa ni Kelvin.

“At yung araw na hindi ka okay, andoon yung iritable ka; nandoon yung araw na hindi ka magiging masiyahin.

“Meron kang araw na rattled ka. Meron kang araw na nabubulol ka kasi nga hindi ka okay. Kasi bumibigay ka sa commitment, and I think yun yung pinakamalaking sakripisyo.”

Kelvin Miranda
Kelvin Miranda is Adamus, Keeper of the Water Gem.
Photo/s: @gmapinoytv on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, hindi lang ang cast ang may mga pinagdaanan, kundi pati ang mga miyembro ng production team.

“Lahat kami nagbigay ng sakripisyo para sa show na ito.

“Hindi mo masasabing kami lang yung nahihirapan,” diin ni Kelvin.

“Roller coaster ride talaga siya. Adventure talaga ang journey namin,” sabi naman ni Angel, na gumaganap bilang Deia, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin.

Paliwanag pa ni Angel: “Mahirap siyang i-explain sa words, sa sentences... Mahirap siya kasi buong oras mo, energy mo… having discipline pa lang mahirap na.

“You have to give up some things to do some things, you have to do or prioritize, which is yung Encantadia.

“Pero you also just have to focus on the fact na gusto naming makapag-produce ng magandang palabas para sa mga manonood.

“We want to continue the legacy.”

Angel Guardian
Angel Guardian is Deia, the Keeper of the Air Gem.
Photo/s: @gmapinoytv on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumundot pa si Kelvin na napagtanto nila ngayon ang mga pinagdaanang hirap ng mga nauna sa kanilang mga artistang gumanap bilang mga Sang’gre, para magkaroon ng magandang show na naging factor para magtagumpay ito.

Pero nagkaisa ang tinaguriang new generation Sang'gres na sulit ang lahat ng sakripisyo at hirap para mabuo ang Kapuso fantaserye.

Ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay magsisimula na sa June 16, 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Encantadia Chronicles: Sang'gre reveal they experienced doubts and struggles in the two years they taped the Kapuso prime-time series. Seen above are (from left) Faith Da Silva, Bianca Umali, Angel Guardian, and Kelvin Miranda who are headlining the Encantadia sequel.
PHOTO/S: @gmapinoytv and @bianxa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results