PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes, Karylle cross paths on It's Showtime

Netizens notice that Vice Ganda refrained from teasing Karylle and Dingdong.
by Rachelle Siazon
Published Jun 11, 2025
Dingdong Dantes Karylle It's Showtime
Dingdong Dantes (in brown jacket) and Karylle (in polka-dot dress) cross paths on It's Showtime, and netizens notice that the ex-couple hardly had any direct interaction. With them in photo are Charo Santos (with mike) and Vice Ganda (with blond hair).
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime

Agaw-pansin ang pagkikita ni Karylle, 44, at ng ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes, 44, sa It's Showtime, ngayong Miyerkules, June 11, 2025.

Guests sa Kapamilya noontime show si Dingdong at co-star nitong si Charo Santos-Concio na nagpu-promote ng pelikulang Only We Know.

Isa naman sa co-hosts ng programa si Karylle.

Unang ipinakilala sina Dingdong at Charo sa opening segment na karaniwang pinagsasama-sama ang hosts sa pagbati sa guests at sa madlang people.

Pinansin ng netizens na wala si Karylle sa opening segment.

Pero present ang actress-singer sa "KIDS SONA" segment. Ka-partner niya si Vice sa laro, habang isa sa mga katunggali nila ang pares nina Dingdong at Charo.

Read: Karylle hesitates to greet ex-boyfriend Dingdong Dantes on It's Showtime: "Baka ma-bash ako mamaya."

DINGDONG DANTES, KARYLLE NO EXCHANGE ON IT'S SHOWTIME

Base sa telecast, walang direktang interaksiyon ang ex-couple.

Kapag kinukulit ni Vice si Charo, panay lang ang ngiti at tawa nina Karylle at Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kapansin-pansin daw na hindi direktang nag-usap o nagkumustahan ang dating magkasintahan.

Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle meeting on It's Showtime

Hindi rin sila inasar ng ibang It's Showtime hosts, na kilalang malakas sa asaran.

Hindi naman kaila sa mga masugid na tagasubaybay ng noontime show na may mga pagkakataong inaasar ni Vice si Karylle sa tuwing nauungkat ang nakaraan nito at ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin iyon ng ibang netizens, na nagsabing ngayon ay behave ang hosts.

Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle meeting on It's Showtime

Natuwa rin ang iba dahil saktong present si Karylle sa It's Showtime.

Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle meeting on It's Showtime

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noon kasing December 2023, bumisita ang mag-asawang Dingdong at Marian Rivera sa It's Showtime para mag-promote ng pelikulang Rewind. Pero wala noon si Karylle.

Nag-trend pa sa X ang pangalan ni Karylle dahil sa paghahanap sa kanya ng ibang It's Showtime fans.

Nagkataon namang may sakit noon si Karylle, base na rin sa tweet nito noon.

Read: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit It's Showtime

MORE REACTIONS FROM NETIZENS

May nakaalala rin ng tambalan nina Dingdong at Karylle sa original Encantadia ng GMA-7 noong 2005. Love triangle sila noon nina Iza Calzado.

Netizens react to Dingdong Dantes meeting Karylle on It's Showtime.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba namang netizens ay chill lang at nagsabing natutuwa silang makita ang dating magkasintahan na ngayon ay masaya na sa kanilang respective partners.

Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle meeting on It's Showtime

Netizens react to Dingdong Dantes meeting Karylle on It's Showtime.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang iba pang reaksiyon ng netizens:

Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle meeting on It's Showtime

Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle meeting on It's Showtime
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle meeting on It's Showtime

DINGDONG DANTES AND KARYLLE PAST RELATIONSHIP

Tatlong taong naging magkasintahan sina Dingdong at Karylle, hanggang sa nag-break sila noong 2008.

Nagkaroon ng kontrobersiya sa kanilang breakup dahil lumilitaw-litaw na ang pangalan ni Marian Rivera, na nanganak ng usap-usapang nagka-third party ang couple. Humupa naman ito.

Sa ngayon, pareho na silang masaya sa kani-kanilang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Karylle at Sponge Cola frontman Yael Yuzon ay nagpakasal noong March 21, 2014, at nananatiling happily married.

Si Dingdong ay nagpakasal sa reel-and-real-life sweetheart na si Marian Rivera noong December 30, 2014. Masaya rin ang kanilang samahan sa piling ng dalawang anak, sina Zia, 9, at Sixto, 6.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes (in brown jacket) and Karylle (in polka-dot dress) cross paths on It's Showtime, and netizens notice that the ex-couple hardly had any direct interaction. With them in photo are Charo Santos (with mike) and Vice Ganda (with blond hair).
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results