PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Catriona Gray reacts to being shipped with Vico Sotto

Vico has yet to address his recent social media interaction with Catriona.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 13, 2025
Catriona Gray on being shipped with Mayor Vico Sotto
Miss Universe 2018 Catriona Gray speaks up about being shipped with Pasig City Mayor Vico Sotto: "Nagulat din ako. Hindi ko nga in-expect na may meaning na ganyan."
PHOTO/S: KHRYZZTINE JOY BAYLON/RACHELLE SIAZON OF PEP.PH

Hindi napigilang matawa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang matanong siya tungkol sa pagpa-follow-an nila sa Instagram ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Noong June 4, 2025 nang unang mapansin ng netizens ang pag-follow back ng dalawa sa isa't isa.

Read: Vico Sotto and Catriona Gray follow each other on Instagram

Maraming fans ang kinilig sa anila’y posibleng "loveteam" ng dalawa na tinawag nilang “ViCat” — mula sa pinagsamang unang syllable ng mga pangalan nina Vico at Catriona.

Mayroon ding nagsabing “bagay” sila at hindi kataka-taka kung sakaling magkatuluyan dahil pareho naman daw silang single.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Catriona ay hiwalay na sa dati niyang fiancè na si Sam Milby.

Sam Milby finally confirms breakup with Catriona Gray
On February 18, 2025, Sam Milby finally puts an end to the long-standing speculation that he has broken up with Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Photo/s: Sam Milby on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sam Milby finally confirms breakup with Catriona Gray

Habang si Vico naman ay may iilang nali-link sa kanya ngunit walang kumpirmasyon kung nakatuluyan niya ang isa sa mga ito.

Read: Coney Reyes on prodding Mayor Vico about love life: “Ayoko na.”

CATRIONA CLARIFIES SOCIAL MEDIA INTERACTION WITH VICO

Sa panayam ni MJ Marfori ng News5 kay Catriona nitong Huwebes, June 12, naitanong sa beauty queen ang tungkol sa pagpapa-follow-han nila ni Vico sa Instagram na naghatid ng kilig sa fans.

Natatawang reaksiyon ni Catriona, "Nagulat din ako. Hindi ko nga in-expect na may meaning na ganyan."

Pero paglilinaw ng beauty queen, nag-follow lang sila ng alkalde ng Pasig sa isa't isa pero hindi raw sila magka-DM (direct message).

"Follow-an lang, mutuals lang," saad ni Catriona.

CATRIONA REACTS TO SHIP NAME WITH VICO

Pagbabahagi pa ni Catriona, maging siya ay nagulat nang makabuo ang fans ng portmanteau sa pangalan nila ni Vico — ang ViCat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawa niyang sabi, "Hindi ko talaga in-expect, basta happy people... pero there's nothing really much more than the mutual follow."

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag o reaksiyon si Vico sa pagpa-follow nila ni Catriona sa isa't isa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray speaks up about being shipped with Pasig City Mayor Vico Sotto: "Nagulat din ako. Hindi ko nga in-expect na may meaning na ganyan."
PHOTO/S: KHRYZZTINE JOY BAYLON/RACHELLE SIAZON OF PEP.PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results