PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Mercado: Bong Revilla moving on from failed senatorial bid

Lani Mercado: "Siyempre, masakit para sa kanya yun."
by Melba R. Llanera
Published Jun 13, 2025
Cavite Second District Representative Lani Mercado says outgoing Senator Bong Revilla is moving on after failed senatorial bid.
Lani Mercado on Bong Revilla's plan to sue online detractors: "Ang stand kasi natin diyan, we're fighting disinformation and fake news. Marami kasing naransan si Senator Bong the last two weeks during campaign. Mapapansin niyo na parang siya yung binabakbakan nang husto."
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook

Aminado si Lani Mercado na masakit sa kalooban ng asawang si Bong Revilla ang pagkatalo nito bilang senador sa 2025 elections.

Si Lani ay waging re-electionist at nasa second term niya bilang representative ng second district ng Cavite.

Si Bong ay outgoing senator at nagbigay na ng kanyang farewell speech sa Senado kahapon, June 12, 2025.

Panglabing-apat siya sa ranking ng senatorial candidates at hindi nakapasok sa Top 12.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa 50th birthday celebration ni Patricia Javier sa Crowne Plaza Hotel noong June 1, 2025.

Nasa moving-on phase na raw si Bong ngayon.

"Siyempre malungkot. Nakita niyo naman na nagpo-post pa rin naman siya [sa Facebook] and the last post that he had nag-e-exercise siya," bungad ni Lani.

Pero sabi rin niya, "Let's move on. Let's work. Kumbaga, tuloy ang trabaho namin."

Noong unang linggo ng Hunyo ay tinapos daw ng Kongreso at Senado ang mga "unfinished business in the administration" bago magsimula ang bagong termino sa July 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dingdong Dantes, Karylle cross paths on It's Showtime

LANI MERCADO ON BONG REVILLA'S PLANS

Inamin din ni Lani na malaki ang mababago sa buhay ng asawa ngayong hindi na ito senador.

Lahad niya: "Magbabago siyempre ang direksiyon ng buhay niya, but he will serve as our guide pa rin, kaming mga nanalo.

"Siyempre, siya naman talaga ang aming mentor, siya ang guide namin.

"It's such a pity na nawalan kami ng isang tumutulong sa akin sa Senado in terms of projects. Kumbaga, partnership yan, e.

"We file laws, may counterpart kami sa Congress, kaya bumibilis ang pag-approve ng mga batas namin.

"We are sad that we lost a partner. We still have partners naman in the Senate, marami pa rin namang magaganda ang mga hangarin."

Tinanong ng PEP si Lani kung mas magiging aktibo ngayon si Bong at magpo-focus muna sa kanyang showbiz career.

"Maraming mga plano," sang-ayon ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro hintayin natin siya na maglahad ng mga plano niya. I'm sure babalik yan at gagawa ng pelikula.

"Nakapag-start yan ng Alyas Pogi, so we don't know kung tatapusin ba niya yung project na yun.

"Maraming nag-o-offer din, so let's see kung ano ang mga plano niya."

Read: Katrina Velarde "balik-pango" matapos ipatanggal ang nose implant

BONG REVILLA ON plan to SUe DETRACTORS ONLINE

Hiningi rin ng awtor na ito ang saloobin ni Lani sa balak ni Bong na magsampa ng cyberlibel complaint laban sa mga nagpakalat ng "fake news" laban dito noong panahon ng kampanya para sa 2025 elections.

"Ang stand kasi natin diyan, we're fighting disinformation and fake news," sabi ni Lani.

"Marami kasing naransan si Senator Bong the last two weeks during campaign. Mapapansin niyo na parang siya yung binabakbakan nang husto.

"Siyempre, masakit para sa kanya yun. Of course, marami sa ating mga bagong botante ang maaaring naniwala sa maraming fake news na yun and disinformation na yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"He wants to prove his point. And after na mag-announce siya ng ganito ang kanyang gagawin, may ilan ding mga pulitiko that followed suit."

Dagdag niya: "It is a continuous fight against disinformation and fake news.

"Kasi masakit, e. You mean well, maganda ang track record mo, but because of disinformation and fake news, it can make or break a person.

"Yun lang ang sa kanya, kailangan patuloy ang pakikipaglaban namin sa disinformation and fake news."

Hindi idinetalye ni Lani ang mga "disinformation and fake news" na lumabas laban sa mister, pero may kinalaman ito sa kinasangkutang pork-barrel scam ni Bong noong 2013.

Read: Bong Revilla to file cyberlibel case vs people behind "fake news"

LANI MERCADO's PLANS AS REPRESENTATIVE OF CAVITE

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Lani kung ano ang mga prayoridad niyang proyekto ngayong uupo siya uli bilang congresswoman sa second district ng Cavite.

"Well, siyempre, ngayon na 20th Congress, sa pagpasok maraming direction settings ang gagawin ang huling tatlong taon ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We will get his directive kung ano pa ang kailangan at kung ano pa ang gusto niyang gawin," saad ng actress-politician.

Imprastruktura daw ang isa sa mga prayoridad niya sa kanyang nasasakupan.

"Siyempre sa distrito natin, maraming local [projects] tayong tinutulak. We're still establishing new schools in the city, we're still finishing our infrastructure projects na makakatulong sa flood control, sa edukasyon.

"And, of course, yung aming Bacoor Diversion Road na magli-link sa Bacoor papalabas ng Coastal Road. And the LRT starts the construction going inside Bacoor.

"Maraming mga bago. Hopefully, matupad lahat ng mga pangarap namin para sa aming distrito at para sa ating bansa."

Read: MC and Lassy also missing in action at Vice Ganda’s comedy club

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Mercado on Bong Revilla's plan to sue online detractors: "Ang stand kasi natin diyan, we're fighting disinformation and fake news. Marami kasing naransan si Senator Bong the last two weeks during campaign. Mapapansin niyo na parang siya yung binabakbakan nang husto."
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results