PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Alden Richards recovered from six-month-long depression

Alden: "I honor my word no matter how down I am."
by Rose Garcia
Published Jun 14, 2025
In an exclusive interview with PEP.ph, Alden Richards says "divine intervention" through prayer helped him overcome six-month-long depression in 2024.
Alden Richards on his mental health in 2024: "Honestly, dumating ako sa point na dahil bagsak na bagsak ako, kinuwestiyon ko. Yung parang every single day, pinagdarasal ko na, ‘Lord, please, take this away. Lord, please hindi ko na kaya.’ As in, gano’ng level."
PHOTO/S: Rose Garcia

Trigger warning: depression, mental health

Marami ang nagulat nang maging bukas si Alden Richards, 33, sa pagsiwalat ng pinagdaanan niyang depression noong 2024.

Inihayag iyon ni Alden sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng GMA Integrated News noong May 22, 2025.

Noong June 7, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa dressing room sa GMA Studio pagkatapos ng presscon ng Stars On The Floor, ang bagong reality dance competition ng Kapuso Network.

Ipinarating ng awtor na ito kay Alden na bagaman may mga nakikisimpatiya sa pinagdaanan niya, mayroon ding mga napakuwestiyon kung paano raw siya made-depress sa gitna ng magandang takbo ng kanyang career.

Tagumpay ang pelikulang Hello, Love, Again, na pinagbidahan nila ni Kathryn Bernardo at pinalabas noong November 2024, dahil hindi lang ito big hit, nagkamit ito ng record na highest-grossing Filipino film of all time.

Bumida rin si Alden sa GMA-7 prime-time series na Pulang Araw, na umere mula July-December 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobra naman talaga," pagsang-ayon ni Alden sa tagumpay na natamasa niya noong nagdaang taon.

Patuloy niya: "Pero ako naman, I’m not here to explain or defend myself. Yung mga taong nagko-komento ay hindi pa naranasan na mapunta kung saan po napunta ang mga taong kagaya ko na nakaranas ng depression.

"Hindi po nila alam kaya madali po silang makapanghusga."

Hindi raw iyong paligid ang naging problema niya kundi mismong internal battle na mayroon siya noon.

Paliwanag ni Alden: "It’s a conflict within. Ang kalaban mo ay sarili mo.

"Hindi ibang tao, hindi situwasyon. Hindi mga circumstances along the way. It’s yourself. Napakahirap pong kalaban ang sarili.

"And, darating at darating ka rin sa point ng buhay mo, no matter where you are, kung nasaan ka man antas ng iyong pamumuhay, meron at meron sa buhay mo na makakaramdam ka ng gano’n.

"Hindi ko sinasabi na lahat ay dadaan sa gano’n, pero ako po, personally, dinaanan ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinarili raw niya ang nararamdaman noon.

"And I’m grateful for that experience because, come to think of it, right now kaya ko na siyang pag-usapan.

"Before, ang tagal. Parang from six months, three to four months ang recovery.

"So during the recovery, hindi ko siya kayang pag-usapan. Ayoko siyang pag-usapan and parang gano’n talaga. Kapag nando’n ka sa dilim na parte ng buhay mo, masa-shutdown ka talaga."

Sabay diin din niya: "But, the gratefulness is still there despite of all."

Dahil visible siya sa showbiz, walang nakapansin na may dinadaanan siyang depression noong 2024.

"Siguro yun na ang tinatawag nating auto-pilot. Mairaos lang," paliwanag ni Alden kung paano siya nakapagtrabaho kahit may dala-dalang bagahe.

"Siyempre ako, kahit na nando’n ako sa gano’ng part ng buhay ko, alam ko yung mga bagay na binigyan ko ng commitment.

"I honor my word no matter how low or how down [I am], I’ll honor my word with every commitment that I get," diin niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano ang naging daan para maka-recover siya?

Sagot ni Alden: "Number one, prayer talaga. Number one yon. Ako, honestly, dumating ako sa point na dahil bagsak na bagsak ako, kinuwestiyon ko.

"Yung parang every single day, pinagdarasal ko na, ‘Lord, please, take this away. Lord, please hindi ko na kaya.’ As in, gano’ng level.

"Then, later on, after everything, na-realize ko kung bakit hinayaan muna ako ni Lord sa gano’ng situwasyon—for me to be able to fight for myself and be strong by myself.

"I think, that’s the greatest lesson He taught me."

Sabi pa ni Alden, "Kung talagang i-redo ulit, hindi ko ipagpapalit yon. Thankful ako na nangyari sa akin yon. So, no regret."

Read: Celebrities spotted at Zeinab Harake and Ray Parks Jr.'s wedding

ALDEN RICHARDS ON SUPPORT SYSTEM

Malaking bagay raw para kay Alden ang support team niya. Na kahit alam ng mga ito na may pinagdadaanan siya, hindi siya pinilit na magkuwento. Hindi raw siya pinilit na maging okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It didn’t matter how long, walang timeline.

"And actually, ang mahirap sa depression, hindi mo alam kung, 'Paano ka nga ba magiging okay?'

"Actually, tama rin naman po, the people, the therapist, the medicine or kung anuman aspeto ang makakatulong para sa pagpapagaling nito, nandiyan siya, readily available siya.

"Pero at the end of the day, ikaw pa rin, sarili mo pa rin.”

Nilinaw naman ni Alden na hindi raw siya kumonsulta sa professional.

"I wanted to," pag-amin niya. "Gano’n na ka-desperate. Pero hindi ako nag-consult. Hindi ako nag-med."

Hindi niya naisip na kailangan niya?

"Siguro divine intervention," sagot ni Alden.

"May mga bagay akong gustong gawin during that time, pero hindi siya natutuloy.

"Parang sinasabi ni Lord sa akin noong mga pagkakataon na yon, 'Hindi mo kailangan yon.'"

Read: Miracle lone survivor in India plane crash recalls ordeal

ON SETTING HEALTHY BOUNDARIES

Bilang self-made man, masasabi ba niyang bahagi ng kasikatan ang makaranas ng depresyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko kasing isipin na parang kabayaran siya sa lahat ng mga ibinigay sa aking blessing," paglilinaw ni Alden.

"Ayoko siyang ilagay sa gano’ng konteksto. Marahil, meron lang mga aspeto ng buhay ko na feeling ni Lord, kinakalimutan ko in terms of myself.

"Parang siguro sabi Niya, 'Masyado kang available lagi. Masyado mong tinatabi ang sarili mo.'"

Natuto lang daw siya mag-set ng boundaries.

"Kagaya nga po ng interview ko sa 24 Oras, wala naman pong problemang tumulong. Walang problema.

"Pero, lahat ng sobra masama. Sumobra po yata ako sa pagtulong. Sa pag-prioritize ng ibang tao. Sa pag-isantabi ng sarili.”

Posible kayang may mga tao siyang pinagkatiwalaan, pero sa huli ay tila niloko lang siya?

"Siguro, partly yes," ani Alden.

Sabay bahagi niya ng kanyang reflection: "Pero it’s really more of yung value ko naubos dahil masyado kong binigay.

"Kasi, kapag meron kang binibigay, merong pinanggagalingan yan. And yung pinanggagalingan, maaari at maaaring maubos yan, dahil si Lord lang naman ang infinite, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil daw napaalala sa kanya kung anong paghuhugutan niya ng lakas, tingin ni Alden ay hindi na siya mauubos.

"Alam ko na. Hindi ko na ulit ise-set-up ang sarili ko sa isang situwasyon na alam kong doon ang punta. Yun ang naturo sa akin noong panahon na yon na sobrang depressed ako."

Read: Dingdong Dantes, Karylle cross paths on It's Showtime

MESSAGE FOR YOUTH STRUGGLING WITH MENTAL HEALTH

Sa panahon ngayon, napakaraming mga kabataan ang dumadaan sa depresyon o iba pang mental health issue.

Bilang nadaanan na niya ang aniya'y "rock bottom," ano ang pwede niyang ibahagi sa iba?

"It’s okay to not be okay," saad ni Alden.

"Pero, kung anuman ang nangyayari sa situwasyon niyo ngayon, hindi yan maiintindihan ng pamilya.

"Coming from experience po, hindi ka maiintindihan ng mga tao sa paligid mo. Marahil yung iba, maaari nilang sabihin na naiintindihan nila.

"Pero, ang tanging tao lang na nakakaintindi niyan at ang tanging kasangga mo diyan ay ang Diyos at ang sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ikaw lang ang may alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa ‘yo at ikaw lang ang makakagamot sa sarili mo at the end of the day."

Wala raw ibang daan kundi harapin ang kondisyon.

"Hindi ko sinasabi na okay lang siyang pagdaaanan, at kahit papaano, ako nga, six months.

"Pero, may saying kasi si Angelina Jolie. [Tinanong siya] na parang, 'What’s your message to someone who’s going through too much pain and suffering?'

"Ang sabi niya, ‘Go through it. Feel it. Be with it.’ Parang iparamdam mo siya sa every fibre ng muscle na meron ka.

"Ako noong time na yon, iniiwasan ko. Pilit ko siyang iniiwasan. Kinukumbinse ko ang sarili ko na, 'okay ako,' pero durog na durog ako sa loob. Hindi ako maka-function ng maayos. Hindi ako maka-deliver sa mga kailangan kong gawin."

Read: Mikel Campos opens up about mental health struggles

ON IMPORTANCE OF VERBALIZING HIS ORDEAL

Hindi raw pala kailangan sarilinin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero na-realize ko talaga, at isang rason din kung bakit ako naka-recover, nalaman ko kung ano talaga ang problema, at hindi ko siya mabe-verbalize, e.

"Usually kasi sa depression—again, coming from my experience—minsan, marami kang moment alone with yourself, na kausap mo ang sarili mong madalas and nandito lahat yon, hindi yon verbal.

"At yun siguro ang rason kung bakit hindi ako nakakatulog before. Na for three months, isang oras lang ang tulog ko at diretso yon.

"Sa isang oras oras lang, kahit gaano ko pagurin ang sarili ko, pagsalpak ko sa kama, wala lang."

Kailan at paano niya nasabi na “I’m okay na?”

"There’s no such thing. Sa mental state natin, hindi talaga natin puwedeng masabi na 'okay na ko.' Walang sagot do’n.

"Siyempre ako, ang dali kong sabihin na 'okay na ko,' but tayong lahat, hindi yan perfectly okay.

"Meron at meron yan na lungkot, galit, mga negative emotion na nandiyan sa tabi ng pagkatao nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa Doctor Strange nga, sinabi na, 'We never really lose our demons, we just learn to live above them.'

"So yun ako, I’m above all of them, pero nando’n pa rin, but I know how to manage kaya ako nagiging okay.”

Read: JM de Guzman opens up about personal struggles inside rehab center

BETTER DAYS AHEAD

Sa ngayon, nakangiting sinabi ni Alden na "I am at my happiest now."

Noong holiday break noong December to January ay nakapagbakasyon naman daw si Alden.

Kapag may out-of-the-country work siya, sume-segue rin siya ng kaunting extension para makapahinga.

"Opo, okay na yun, masaya na tayo do’n," natawang sabi niya.

"Kasi ako naman, parang nasa sistema ko na siya. Feeling ko, kapag ang bakasyon ko ay sumobra ng dalawang linggo, parang may kati.

"O minsan, kahit nasa bakasyon ako, meron at meron akong maia-allot na time na humarap sa computer at mag-trabaho ng very light."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT'S NEXT FOR ALDEN RICHARDS?

Bukod sa pagbabalik-hosting sa Stars On The Floor, may mga proyekto si Alden na ginagawa sa ilalim ng kumpanya niya na Myriad.

Kasama sa film competition sa Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam ang Out of Order, ang kauna-unahang pelikulang dinirek, at prinodyus ni Alden..

“Yes, sobrang proud ako sa company ko talaga,” sabi pa ni Alden.

"The things that we’re able to do in just a short span of time and the things that we’re about to do, surprise pa yon, pero nakaka-proud lang.

"Ilan lang kami do’n, lima lang kami. But we we’re really able to produce and to be part of something big for the entertainment industry."

To those who are seeking either someone to talk to or professional help because of mental health issues, you may call National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 and mobile number 0966-351-4518.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on his mental health in 2024: "Honestly, dumating ako sa point na dahil bagsak na bagsak ako, kinuwestiyon ko. Yung parang every single day, pinagdarasal ko na, ‘Lord, please, take this away. Lord, please hindi ko na kaya.’ As in, gano’ng level."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results