Simula nang pasukin ni Jess Martinez ang showbiz, ilang beses na rin siyang na-cast sa mga serye sa GMA-7.
Ilan sa mga proyekto kung saan siya nagkaroon ng supporting role ay sa Regal Studio Presents, Aboy-Kamay Na Pangarap, at Pepito Manaloto.
Si Jess ay TikToker na may 658,100 followers.
Siya ay 23 years old at pinagsasabay ang pag-aartista at pag-aaral ng kursong Business Management sa Southville International School.
Sa pagsasaliksik ng awtor na ito, napag-alamang ang negosyo ng kanyang ama ay security management solutions at manpower services.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Jess ang ilang detalye sa kanya bago siya sumabak sa showbiz.
"Before I entered showbiz, I am a social media influencer. More on fashion and lifestyle po.
"My main platform is TikTok and I got to express who I really am, how I dressed up, and a little bit of how my family is."
Read: Dominic, tumigil na sa pag-aartista; Beauty, pahinga muna
JESS MARTINEZ AS A TIKTOKER AND showbiz newbie
Nakilala siya sa TikTok videos niya na ginagaya niya ang mga Disney Princess.
May followers siya na tinatawag siyang "Disney Princess" dahil tugma raw sa karamihan sa kanyang content na nagpapakita ng maalwang buhay niya.
Anong pakiramdam niya kapag tinatawag siyang "Disney Princess?"
"Tanggap ko naman po," natawang sagot ni Jess. "Thank you po. Pinaghirapan din naman po ng parents ko ang pagiging Disney Princess ko. So, I am grateful for it naman po."
Determinado si Jess na ituluy-tuloy ang pag-aartista bukod sa pagiging influencer.
"Kasi po, I’m not for fame," diin niya.
"Ang gusto ko po sa showbiz, I get to express my emotion. Yung acting po ang gusto ko. Naipapakita ko ang iba’t ibang personality ko, and at the same time, mas napu-push ako.
“Kapag influencer po, it’s a routine-based [work] po. Parang ito yung ginagawa ko and what I know sa showbiz, iba’t ibang character siya. Mas nahahasa po ako."
Nakapanayam si Jess ng PEP at ibang entertainment reporters sa solo presscon niya kamakailan.
Read: Daniel Miranda reveals he was blocked by Sofia Andres on IG
JESS MARTINEZ ON WORKING WITH CARMINA VILLARROEL
Wala raw background sa pag-aartista ang mga kapamilya ni Jess, at siya lang daw ang nangahas na sumubok umarte sa harap ng kamera.
Isa sa mga di malilimutang proyekto niya ay ang Abot-Kamay Na Pangarap, kung saan naka-eksena niya si Carmina Villarroel.
"Ang first ko na taping was with Ms. Carmina Villarroel. Talagang nanginginig po ako.
"Natatandaan ko pa po, ang linya ko lang, ‘Hi, I’m Diwata… Diwa po short.’ Pero yun lang po talagang linya na yun, talagang kabadung-kabado po ako."
Ano ang natutunan niya bilang baguhang artista?
Sagot ni Jess, "Natutunan ko po na presence of mind talaga. Yung binigay na script sa ‘yo, puwedeng baguhin, puwedeng wala.
"At natutunan ko rin po na yung camera angle, dapat alam mo lahat kung saan yung camera, hindi na ituturo sa ‘yo. You really have to be observant."
Nang tanungin kung sino ang mga artistang iniidolo niya, mabilis ang naging sagot niya, “I really, really look up to Ms. Marian Rivera. She’s really a great actress. But I also like Ms. Heart Evangelista on how she is."
Pagdating sa showbiz crush, ang natatawang sagot ni Jess, “Girl crush ko si Atasha Muhlach. Nagagandahan po ako [sa kanya]. At boy crush ko po si Andres Muhlach."
Read: Dad forbids daughter from live streaming: 'She’s too pretty.'
JESS MARTINEZ ON SANGGANG DIKIT FR
Masaya si Jess dahil nakasama siya ngayon sa cast ng Sanggang Dikit For Real, ang bagong GMA prime-time series na nagsimulang umere noong June 23, 2025.
Ngayon, kumportable na raw siya sa harap ng kamera.
Ayon kay Jess, "Prior to taping, we had two days training. And do’n pa lang po sa training na iyon, nakabuo po kami ng friendship.
"And along with that, yung ibang cast po kasi [were] also in Abot-Kamay na Pangarap."
Ama ni Jess ang may-ari ng shooting range kunsaan nag-train ng gun-handling sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para sa Sanggang Dikit For Real.
Pagpapatuloy ni Jess: "And at the same time, while we’re doing the training, kasi ang training po ay sa company namin.
"Kaya kumportable while we’re doing the training kasi, ate ko mismo ang nagtuturo.
"And super-duper bait talaga ni Ms. Jennylyn Mercado at Mr. Dennis Trillo kaya mas mabilis akong naka-adjust.”
Si Jess ay nasa ilalim ng pangangalaga ni Rams David ng Artist Circle talent management company mula noong 2023.
Masaya raw si Jess sa kinabibilangang management.
"Napa-feel po kasi ng Artist Circle sa akin is family. They accepted me for who I am—a social media influencer, as Jess Martinez, and as a person.
"I’m so happy and grateful that I chose Artist Circle because mas nagiging better ako as a person."
