Sa unang pagkakataon, mapapanood ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera hindi bilang aktres o host, kundi bilang isa sa tatlong hurado sa Stars on the Floor.
Magsisimulang umere ang Kapuso reality dance competition sa June 28, 2025.
"Sa totoo lang, ang hirap," bungad ni Marian.
"First time ko kasing mag-judge. Parang may mga ino-offer sa akin [noon] na mag-judge, pero parang feeling ko hindi ako karapat-dapat na mag-judge.
"Pero bilang dance ito at hilig kong magsayaw, at hindi naman lingid sa kaalaman nila na love na love ko ang dancing talaga, nag-yes ako rito."
Hindi raw inaasahan ni Marian na hindi raw pala simple ang proseso na manood ng mga contestant na sasayaw at mamili kung sino sa kanila ang magaling.
Paliwanag niya: "Akala ko hanggang do’n lang, 'Okay, sasayaw. Titingnan ko kung sino ang okay.'
"Pero hindi pala. Ako pala ang mas natuto habang nanonood ako sa kanila. So, gano’n ka-deep yung Stars on the Floor. Ang dami kong natutunan. Ang dami kong nakilala.
"Sabi ko nga, ang ganda ng ginawa ng GMA. Ang gusto nilang i-showcase rito, hindi lang kami as a judge, hindi lang si Alden as a host, kung hindi yung galing nila sa pagsasayaw."
Read: Alden Richards, host ng bagong dance show ng GMA-7
Natuwa raw si Marian na makita ang galing ng aspiring dancers.
"At palagi kong wini-wish talaga to each and every one na gusto kong mag-shine sila.
"Gusto ko after Stars on the Floor, kilalang-kilala sila at love sila ng tao kasi, gano’n sila kahusay," masayang pagbabahagi pa niya.
Ano ang hinahanap niyang winning factor sa show?
Sagot niya: "Ang hinahanap ko, isa lang ang sinasabi ko, gusto ko na enjoy sila habang ginagawa nila ito.
"Gusto ko na habang sumasayaw sila, ine-enjoy nila ang bawat indak nila. Kasi, laban nila ito sa tagumpay. So gusto ko, ine-enjoy lang nila."
Dagdag ni Marian, "Sa amin ngang mga judge, kapag nanonood kami, walang itulak-kabigin sa mga ito. Kaya sana ay mapanood niyo."
Read: Marian Rivera's "cryptic" TikTok repost sparks buzz online
MARIAN RIVERA ON STARS ON THE FLOOR CHALLENGES
Proud si Marian sa contestants dahil nalampasan daw ng mga ito ang iba-ibang hamon sa show.
"Actually, hindi lang sila magdya-jazz, hindi lang sila magta-tango, hindi lang sila maghi-hip-hop.
"Makikita niyo ang pagiging flexible, at kung paano nila gagawin ang bawat sitwasyon, at hindi sila puwedeng mamili.
"Kasi, mismong yung mga bosses natin ang magsasabi na, 'Ito ang gagawin niyong genre ngayon.' So, lahat sila all-out."
Lahad pa ni Marian: "And of course, sa mga coaches natin na nagkakandahirap gumawa ng choreo every time na magte-taping kami, as a judge, nasa-shock kami na, 'Uy, there’s something new.’
"Kaya each and every one sa kanila magugulat ka. First episode, iba, pangalawa, iba naman.
"Kaya nakaka-proud na maging part ng Stars on the Floor talaga.”
Bukod kay Marian, mauupo rin bilang judge sina Pokwang at ang coach ng SB19 na si Coach Jay Joseph Roncesvalles.
Read: Daniel Padilla: "Mas kilala ko na ang sarili ko ngayon."
MARIAN RIVERA ON her love for DANCING
Halos isang dekada nang hindi napapanood sumayaw si Marian sa telebisyon.
Dati siyang may dance numbers sa self-titled variety show niya na Marian, na umere mula June-December 2014.
Muli niyang ipinakita ang husay sa pagsasayaw nang mag-viral ang unang dance video niya sa TikTok.
Sumayaw siya ng "Price Tag" ni Jessie J noong August 2023, at umabot iyon ng higit 200 million views. Mula noon ay regular na siyang nakikitang may dance video challenge sa TikTok.
Sa sarili niya, ano ang nagiging impact ng pagsasayaw?
"Love ko ang dancing, e," sagot ni Marian.
"Every time I dance, nae-express ko talaga ang sarili ko sa iba’t ibang anggulo.
"So ang tagal ko na hindi masyadong sumasayaw. Arte-arte lang sa TikTok, pero okay lang iyon.
"Pero dito sa Stars on the Floor, nabigyan kami ng chance na sumayaw ulit.
"Actually, may gagawin kami na sana huwag ma-preempt, pero hindi namin forte, pero tineyk namin as a challenge dahil na-inspire kami sa kanila.”
