PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ayanna Misola, itinadhanang makatrabaho sina Dennis at Jennylyn

VMX star Ayanna Misola, first time lalabas sa primetime series.
by Jojo Gabinete
Published Jun 21, 2025
dennis jennylyn ayanna sanggang dikit
Ayanna Misola (center) on working with real-life couple Dennis Trillo and Jennylyn Mercado: “Nakaka-starstruck kasi sila yung mga artista na pinapanood ko lang dati, pero sobrang bait at humble nila. They make you feel welcome on set and ang dami kong natututunan just by observing them."
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram

Ang Sanggang Dikit ang kauna-unahang primetime series ng VMX star na si Ayanna Misola.

Tuwang-tuwa si Ayanna dahil natupad na ang matagal na siyang pangarap magkaroon ng acting assignment sa telebisyon.

Ang Sanggang Dikit ay ang action-comedy series ng GMA-7 na pinagbibidahan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Read: Abdul Raman, ibinalilk ang kapatid na may autism sa kanilang estranged father

Sanggang Dikit is my first-ever primetime TV project. It’s a big shift from the kind of work I used to do, and I really see it as a new chapter.

“Nakaka-excite kasi ibang klaseng storytelling ito, long-form, mas malalim ang character development, at mas regular ang taping.

“To be honest, I didn’t audition for the role. I was actually waiting for another project with GMA, tapos ito yung nauna,” kuwento ni Ayanna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ginagampanan ni Ayanna sa Sanggang Dikit ang karakter ni Apple, ang makulit, maharot, at palabang kapitbahay ni Tonyo na binibigyang-buhay ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I play Apple, isa sa mga kapitbahay ni Tonyo. Lagi kaming magkasama ni Peach [Alona Navarro], best friend ko sa show.

"Kami yung comic duo na makulit, maharot, palaban, pero may charm. Parang soft-kontrabida, pero very relatable. Pampa-good vibes,” sabi ni Ayanna.

Read: Kylie Padilla still “heartbroken” over Amihan’s death in Encantadia

DESTINED TO WORK WITH DENNIS TRILLO AND JENNYLYN MERCADO

Ibinahagi rin ni Ayanna na tila itinadhanang maging co-stars niya sa kanyang kauna-unahang primetime series sina Dennis at Jennylyn.

Lahad niya: “Ang nakakatuwa lang, habang naghihintay ako ng project sa GMA-7, nanonood ako ng Green Bones at Descendants of the Sun, binge watch lang para mapag-aralan ko po yung acting for TV.

“Hindi ko napansin na yung mga pinanonood ko pala, sila na rin yung makakatrabaho ko.

“Ang galing lang ng timing, parang sinet up na talaga ako ni Lord na maka-work ang DenJen. Destiny talaga siya.”

Ang Green Bones ay ang 2024 movie na pinagbidahan ni Dennis Trillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Descendants of the Sun (2020) naman ay ang Pinoy adaptation ng K-drama series na may ganun ding pamagat. Bida rito sina Jennylyn at Dingdong Dantes.

Nangibabaw ang pagiging fan ni Ayanna sa unang pagsasama nila nina Dennis at Jennylyn sa set ng Sanggang Dikit.

“Hindi ako makapaniwala noong una," sambit niya.

"Sobrang unexpected kasi walang show na nag-audition ako. But when I got the call, sobrang grateful ako.

“It felt like a divine answer lalo na’t recently lang, pinapanood ko sina Dennis at Jennylyn habang naghihintay ako ng opportunity—parang nagre-research ako ng acting for TV.

“Hindi ko alam, sila pala ang makakatrabaho ko. Destiny talaga.

“Nakaka-starstruck kasi sila yung mga artista na pinapanood ko lang dati, pero sobrang bait at humble nila.

"They make you feel welcome on set and ang dami kong natututunan just by observing them.

“Ang gaan nilang katrabaho kaya kahit kabado ako sa simula, naging comfortable rin ako agad.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakit siya kinabahan?

“First time ko sa ganitong klaseng set-up tapos agad-agad kasama ko na yung lead cast, pero ginamit ko na lang yung kaba bilang fuel.

“The team was very supportive and patient, lalo na po si Direk LA Madridejos, kaya naka-adjust din ako nang maayos,” sagot ni Ayanna.

Read: Jiro Manio mulls Coco Martin’s offer to join Batang Quiapo

AYANNA MISOLA BIDS GOODBYE TO SEXY ROLES

Noong Oktubre 2023, nagdesisyon si Ayanna na titigil na siya sa pagpapaseksi sa pelikula at ipagpatuloy na lamang ang kanyang pag-aaral.

Ito ang dahilan kaya matagal na siyang walang proyekto sa VMX (dating Vivamax).

Pero noong Enero 2025, pumasok sa isip niyang balikan ang paggawa ng sexy movies dahil nawala na ang kanyang pag-asang mabigyan ng mga karakter na hindi kailangang maghubad sa harap ng kamera.

Ipinagdasal ni Ayanna sa Panginoong Diyos ang kanyang desisyon.

Agad namang nagkaroon ng kasagutan ang kanyang panalangin dahil sa pagdating ng alok na maging cast member siya ng Sanggang Dikit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Nag-stop talaga ako since 2023. Medyo matagal din akong nagpahinga.

"During that time, I focused on myself—mentally, emotionally, and spiritually. Hindi madali yung phase na yon pero ang dami kong natutunan.

“And now that I’m back, I feel stronger, clearer, and more grounded. Ready na akong harapin yung bagong chapter ng career ko."

Dagdag ni Ayanna: “To be honest, since January pa ako nag-iisip kung babalik ako sa paggawa ng sexy films.

"Nawalan na rin ako ng pag-asa noong makakakuha ako ng mas serious role, kaya sabi ko baka bumalik muna ako sa Vivamax habang naghihintay para hindi masayang yung panahon.

“I even messaged my manager and Boss Vic del Rosario. I told them I was open to doing another project.

"And they were very supportive, willing naman sila bigyan ako ng project anytime that I’m really ready.

“Pero humingi talaga ako ng sign kay God. I said, 'Lord, kung may ibang plano Ka para sa akin, please lead the way.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then out of nowhere, dumating itong Sanggang Dikit. Ang bilis ng mga pangyayari.

"Parang sinagot agad yung dasal ko kaya ngayon, feeling ko ito talaga yung path na gusto Niya for me.

“I’ll always be proud of where I came from. Vivamax gave me a platform to start and grow. I’m thankful for that.

"Pero ngayon, I feel ready to take on a new direction, but I’m not closing my doors.”

Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo

ON MOVIES AND TELEVISION

Nakita ni Ayanna ang pagkakaiba ng shooting ng pelikula at taping para sa drama series, base sa kanyang personal na karanasan.

“Malaki po ang difference," pakli niya.

"Sa TV, mas mabilis ang pacing, tapos mas consistent dapat ang energy mo kasi tuloy-tuloy ang taping.

“Sa pelikula, mas focus ka sa ilang scenes per day and usually buo na yung story arc mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa TV, you grow with the character over time. Pareho silang fulfilling, pero magkaibang klase ang discipline.”

Mapapanood ang Sanggang Dikit sa GMA-7 simula sa Lunes, Hunyo 23, 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola (center) on working with real-life couple Dennis Trillo and Jennylyn Mercado: “Nakaka-starstruck kasi sila yung mga artista na pinapanood ko lang dati, pero sobrang bait at humble nila. They make you feel welcome on set and ang dami kong natututunan just by observing them."
PHOTO/S: @ayannamisola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results