Bilang isang beach lover, hindi pinalampas ni Jericho Rosales ang pagkakataong mamasyal sa pinakamalapit na beach sa Tandag, Surigao del Sur, nang may gig siya rito.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jericho ang isang short video ng kanilang rehearsal.
View this post on Instagram
Sa kanya namang Instagram Stories, ibinahagi ni Jericho ang pamamasyal niya sa isang beach doon.
Kapansin-pansin ang maraming basura na nagkalat sa may dalampasigan.
Kinunan niya ng larawan ang mga nakita niyang basura at ginawan ng artcard upang ipaalala ang epekto ng mga ito sa kalikasan.
Dalawa rito ay mga bote ng deodorant.
Sabi rito ni Jericho: "Mabango nga kilikili mo, ang baho naman ng trato mo sa kalikasan."
Caption naman niya sa isa pang deodorant bottle na kanyang nakita, "Ang puti nga ng kilikili mo, ang itim naman ng budhi mo sa kalikasan."

Biro naman niya sa nakitang plastic condom, "Proteksyon sa mga nagkakalat kailangan din natin."
"Magbago na po tayo" ang inilagay niyang caption kadugtong ng plastic cup mula sa isang fastfood chain.

Nakakita rin si Jericho ng plastic wrapper ng toyo, na dapat daw ay sa basurahan ang destinasyon matapos pagpiyestahan ang sawsawan.
Pati na rin ang tsinelas na goma, na ayon sa aktor, ay "kahit tiyan ng buwaya di kayang tunawin ito."

Read: Ruffa Gutierrez returns to GMA after almost 22 years
JERICHO ROSALES: "tulung-tulong na lang tayo maglinis ng karagatan natin."
Sa isang video sa Instagram Story, hinikayat ni Jericho ang lahat na magtulung-tulong sa pag-aalaga sa ating kalikasan.
Kahit daw hindi naman ganun karangya ang buhay ng lahat, kapag malinis ang kapaligiran ay makakalanghap tayo ng malinis na hangin.
Saad niya: "Mga kababayan. Ganda ng mga beaches natin, 'no? Alagaan din natin.
"E, kahit mahirap ang buhay, pag malapit ka sa kalikasan, malinis yung paligid, nakakagaan ng isip, di ba?"
Nakiusap siyang tayo mismo ang magkusang maglinis ng mga basurang nagkalat dahil nakakatulong din ito sa turismo at nakapagbibigay pa ng trabaho.
Aniya, "E, tulung-tulong na lang tayo maglinis ng karagatan natin.
"Malinis na dagat, maganda turismo, di ba? Equals, trabaho.
"Pero kung ganyan, wala. Sayang.
"Puwede pa nating ma-enjoy 'to, e. Pagkakitaan mong maayos, di ba?
"Ang linaw ng dagat natin, o. Kaya natin yan. Rock and roll lang."
Read: Ynez Veneracion, tinawanan lang ang mga puna sa kanyang mukha
