Nag-follow nang muli si Daniel Miranda kay Sofia Andres sa Instagram matapos i-unfollow ng racer ang aktres noong April 2025.

Pero kapansin-pansing hindi pa rin nagpa-follow si Sofia kay Daniel.

Hindi tiyak kung kailan muling finallow ni Daniel si Sofia sa Instagram, pero ngayon lang ulit siya nag-post ng family picture nila mula noong May 11, 2025.
Ngayong Lunes, June 23, nag-post si Daniel ng larawan nila ni Sofia at anak na si Zoe Miranda na kuha sa Universal Studios Singapore.
Caption lang dito ni Daniel ay red heart emoji.
"In My Life" ng The Beatles ang music background ng post ni Daniel.
View this post on Instagram
Read: Jericho Rosales reminds beachgoers to dispose trash properly
Si Sofia naman ay nag-post din ng larawan nilang tatlo.
Ang inilagay lang niyang caption ay pleading face at black heart emojis.
May music background naman ito mula sa awit ni Ricky Montgomery na "Mr. Loverman."
View this post on Instagram
Ito ba ang patunay na wala nang problema sa relasyon ng dalawa na pinaghihinalaan ng netizens noon pa man?
Read: Dennis reacts to inappropriate comments about Jennylyn's son
DANIEL MIRANDA-SOFIA ANDRES LOVE-HATE SOCIAL MEDIA RELATIONSHIP
Noong April 24, 2025, unang napansin ng netizens na parehong nag-unfollow sa isa't isa sina Daniel at Sofia sa Instagram.
Naghinala ang netizens na baka may nangyaring hindi maganda sa samahan ng dalawa.
Read: Sofia Andres, Daniel Miranda unfollow each other on Instagram
Medyo napawi ang pag-aalala ng fans ng dalawa dahil sabay na nag-post sa kanilang Instagram sina Daniel at Sofia noong April 30, 2025.
Ang kanilang post ay para sa brands ng caps at sunglasses na pareho nilang iniendorso.
Sa post, makikitang sweet na sweet sina Sofia at Daniel habang nasa beach.
Read: Are Sofia Andres and Daniel Miranda still a couple?
Noong Mother's Day, May 11, 2025, mukhang back in each other's arms na ang dalawa dahil sa nakakakilig na post ni Daniel bilang pagbati kay Sofia.
Sa post niyang larawan na medyo blurry sila ni Sofia, sinaliwan niya ito ng background music mula sa kanta ni Stevie Wonder na "Isn't She Lovely."
Kaya naniniwala ang kanilang mga tagahanga na hindi talaga naghiwalay ang dalawa.
Read: Did Daniel Miranda just deny breakup rumor with Sofia Andres?
