Ang CharEes duo nina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo ang nakakuha ng unang spot sa Big 4 ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Ito ay matapos ang kanilang landslide victory sa ginanap na botohan ng House Challengers at natitirang Final 5 duos.
Read: Dennis Trillo calls out bashers for inappropriate comments about Jennylyn Mercado's son
Ang house challengers ay binubuo ng mga na-evict na housemates na sina Ashley Ortega, AC Bonifacio, Kira Balinger, Michael Sager, Emilio Daez, Josh Ford, Vince Maristela, Xyriel Manabat, Shuvee Etrata, at Klarisse de Guzman.
Ang Final 5 Duos, bukod sa CharEs, ay ang RaWi nina Ralph de Leon at Will Ashley, AzVer nina AZ Martinez at River Joseph, BreKa nina Brent Manalo at Mika Salamanca, at DusBi nina Dustin Yu at Bianca de Vera.
Ten votes ang mula sa House Challengers at five votes mula sa limang natitirang housemates, para sa kabuuang 15 votes.
Bago naganap ang botohan ay isa-isang ginisa ng House Challengers ang Final 5 Duos upang sagutin ang mga isyu nila at kung bakit sila nararapat mapabilang sa Big 4.
Sa huli, nakakuha ng 11 votes ang CharEs na awtomatikong nagluklok sa kanila sa Big 4.
Siyam na boto ang nakuha nila mula sa House Challengers at dalawa mula sa kapwa nila housemates.
Nakakuha naman ng tigdalawang boto ang RaWi at AzVer.
Walang bumoto sa BreKa at DusBi.
Read: Construction worker Cardong Trumpo is Pilipinas Got Talent Season 7 grand winner
BIG JUMP CHALLENGES
Kasunod ng pag-anunsiyo ng host na si Bianca Gonzalez na ang CharEs ang nakakuha ng unang spot sa Big 4, inanunsiyo naman ni Kuya o Big Brother ang magiging kapalaran ng apat na natitirang duos.
Sasabak sa tatlong "Big Jump Challenges" ang RaWi, AzVer, BreKa, at DusBi duos upang madetermina kung sino sa kanila ang makakakuha ng tatlong natitirang slots sa Big 4.
Ibig sabihin, tanging ang kakayahan at diskarte ng mga natitirang duos ang magdadala sa kanila sa minimithing Big 4 slots.
Ibig ding sabihin, wala nang nomination at botohan mula sa taong-bayan.
Gaganapin ang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition sa July 5, 2025.
Read: PBB Celebrity Collab Edition voting system, makatarungan ba?
