Muling pinatunayan ng RaWi duo nina Ralph de Leon at Will Ashley ang kanilang teamwork at diskarte nang makuha nila ang ikalawang spot sa Big 4 ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Sa episode ng reality show ngayong Martes ng gabi, June 24, 2025, sumabak ang apat na natitirang duos ng PBB para sa unang Big Jump Challenge upang madetermina kung sino sa kanila ang makakakuha ng second spot sa Big 4.
Nakatapat ng Rawi ang duos na BreKa nina Brent Manalo at Mika Salamanca, AZVer nina AZ Martinez at River Joseph, at DusBi nina Dustin Yu at Bianca de Vera.
Read: CharEs first duo to enter Big 4 of PBB Celebrity Collab Edition
Sa challenge na ito ay kailangang maitawid ng duos ang 20 wooden puzzle pieces sa mahaba at makitid na wooden bridge sa pamamagitan ng paghila sa mga ito.
Habang hirap na hirap ang ibang duos, mabilis na naitawid ng RaWi ang 20 puzzle pieces nang makuha na nila ang tamang diskarte.
Nakadalawang subok muna ang RaWi bago nila nakuha ang tamang pattern ng puzzle.
Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her as "homewrecker"

RAWI PROVES THEY'RE WORTHY TO BE IN THE BIG 4
At sa huli, inanunsiyo ni Kuya o Big Brother na sila ang nanalo sa unang Big Jump Challenge at nakakuha ng ikalawang spot sa Big 4.
Hindi napigilan nina Ralph at Will ang kanilang emosyon matapos nilang manalo.
Si Will ay napaluhod habang umiiyak, habang panay ang sigaw ni Ralph.

Nauna nang pumasok sa Big 4 ang CharEs duo nina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo, na nanalo sa botohan ng duo challengers at ng Final 5 duos.
Samantala, sasabak sa dalawa pang Big Jump Challenges ang BreKa, AZVer, at DusBi upang malaman kung sino sa kanila ang kukumpleto sa Big 4.
Gaganapin ang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition sa July 5.
Read: Alden Richards, Kathryn Bernardo named Phenomenal Box Office King & Queen
