Ang AZVer duo nina AZ Martinez at River Joseph ang nakakuha ng ikatlong spot sa Big 4 ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Ito ay matapos nilang manaig sa ikalawang Big Jump Challenge katapat ang mga duo na BreKa nina Brent Manalo at Mika Salamanca, at DusBi nina Dustin Yu at Bianca de Vera.
Read: Female celebrity allegedly involved in case of missing sabungeros
Sa episode ng PBB Celebrity Collab ngayong Biyernes, June 27, 2025, ay sinubok ang endurance ng tatlong duos upang madetermina kung sino sa kanila ang papasok sa Big 4.
Kinailangan nilang pagdikitin ang pitong malalaking bloke na bumubuo sa mga salitang "BIG FOUR" gamit ang kanilang katawan.
Isa-isa nilang bubuhatin ang mga bloke.
Kada oras ay dadagdagan ang mga letra hanggang makumpleto ang pitong bloke.
Ang duo na pinakamatagal na napagdikit ang mga bloke nang hindi nahuhulog ang siyang panalo.
Read: CharEs first duo to enter Big 4 of PBB Celebrity Collab Edition
THE LONGEST CHALLENGE
Umabot ng mahigit pitong oras ang labanan ng tatlo.
Dala ng ngawit at pagod ay unang bumagsak ang mga bloke ng DusBi, at hindi nagtagal ay sumunod na rin ang BreKa.
Sa huli, ang natira ay ang AZVer na hudyat para makuha nila ang ikatlong spot sa pinakamimithing Big 4.
Nauna nang nakapuwesto sa Big 4 ang CharEs duo nina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo, at ang RaWi duo nina Ralph de Leon at Will Ashley.
Bukas, June 28, ay malalaman na kung sino sa BreKa at DusBi ang makakakuha ng huling spot sa Big 4 para sa Big Night.
Bukas na rin sasalubungin sa outside world ang huling duo evictee ngayong season ng Pinoy Big Brother.
Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab
