PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon grateful to Coco Martin for “My Last Project”

McCoy de Leon: "Now I’m ready for another 'It Was My Last Project.'"
by Arniel C. Serato
Published Jun 28, 2025
McCoy de Leon thankful to Coco Martin for getting him to act in Batang Quiapo
McCoy de Leon is grateful to Coco Martin (right) for his role in "FPJ's Batang Quiapo": "Siya ang nagbigay sa akin ng tiwala, at sa kanya galing ang oportunidad na mapunta ako sa ganitong klaseng papel. Isa siyang tunay na kuya para sa akin. Hindi ko malilimutan ang chance na ibinigay niya para gampanan si David Dimaguiba."
PHOTO/S: Instagram

Tumanggap ng samu't saring papuri ang pagganap ni McCoy de Leon sa FPJ's Batang Quiapo bilang si David Dimaguiba.

Tumatak sa publiko ang pagiging kontrabida ni McCoy sa serye kung saan lagpas dalawang taon din siyang namalagi.

Napatay ang kanyang karakter ng kalaban nitong si Miguelito Guerrero played by Jake Cuenca sa June 24, 2025 episode ng action series.

Read: McCoy de Leon: from ruthless kontrabida to martyred priest

MCCOY DE LEON THOUGHT THE SHOW WILL BE HIS LAST PROJECT

Sa Instagram nitong nakaraang June 25, 2025, ibinunyag ni McCoy na inakala niya noon na ang Batang Quiapo ang magsisilbi niyang huling proyekto.

Kaya raw ibinuhos na niya nang todo ang kanyang makakaya.

Saad niya, "I thought this was going to be my last project kaya sinabi ko sa sarili ko na I’ll give everything I’ve got, lahat ng natitira sa akin.

"Not just as an actor, but as someone who truly loves this craft. Sabi ko sa sarili ko, 'Bigay ko na lahat, last na ’to eh.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Video: Video: Rommel Llanes / Interview: Rachelle Siazon & Bernie Franco.

Sunod niyang pinasalamatan ang mga taong nakatrabaho niya sa likod ng kamera.

Dagdag ni McCoy, "Sa lahat ng katrabaho ko sa buong set during taping, ang daming memories na mami-miss ko.

"Kasama na ang mga discussion ng lines, minsan napapagalitan din kami, he-he, puyat, pagod, mga sugat at pasa, mga tawanan, mga kwentuhan at simpleng bonding moments on set. Salamat!

"Sa dalawang taon at kalahati ba naman, tinuring ko na rin itong isa pang tahanan.

"Hindi lang mga artista ang naging inspirasyon ko. Malaki rin ang respeto ko sa buong production team at sa lahat ng directors ko from each unit na nag-handle at gumabay sa akin.

"Kita ko kung paano nila ginagawa ang trabaho nila nang may puso, tiyaga, at dedikasyon mula sa likod ng kamera hanggang sa mismong pagbuo ng bawat eksena."

Read: McCoy de Leon "pambawi" ang pagganap na pari sa kasamaan ni David

MCCOY THANKFUL TO COCO MARTIN FOR HIS TRUST

Hindi rin pinalampas ni McCoy ang magbigay-respeto at pasasalamat kay Coco Martin, ang bida sa palabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
McCoy de Leon and Coco Martin on the set of Batang Quiapo.
McCoy de Leon and Coco Martin on the set of Batang Quiapo.
Photo/s: Instagram

Aniya, "At siyempre, maraming salamat kay Kuya Coco, ang utak at puso ng proyektong ito.

"Siya ang nagbigay sa akin ng tiwala, at sa kanya galing ang oportunidad na mapunta ako sa ganitong klaseng papel.

"Isa siyang tunay na kuya para sa akin. Hindi ko malilimutan ang chance na ibinigay niya para gampanan si David Dimaguiba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nalimutan ni McCoy na humingi ng dispensa sa viewers na nadala sa kanilang emosyon dahil sa kanyang karakter.

Saad niya, "Sa lahat ng mga taong naapektuhan, nakukuha ng inis, he-he, hanggang sa napukaw ang puso, thank you so much po!"

Sa huli, nangako si McCoy na tatratuhin niyang parang huling proyekto ang bawat dumating na trabaho sa kanya.

Pagtatapos niya, "This wasn’t just another project, it changed me. I’ll forever carry the lessons it gave me and I hope it gave you something real too.

"Kaya rin dapat pala lagi natin tratuhin ang bawat proyekto na parang ito na ang huli.

"Dahil doon lumalabas ang tunay na puso, dedikasyon, at pagmamahal sa ginagawa.

"Now I’m ready for another 'It Was My Last Project.'

"SALAMAT POONG NAZARENO.

"Maraming salamat, Batang Quiapo family. Mahal na mahal ko kayo. Mami-miss ko kayo, sobra."

View this post on Instagram

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Read: Allen Dizon, ginabayan ng totoong transman para sa Unconditional

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon is grateful to Coco Martin (right) for his role in "FPJ's Batang Quiapo": "Siya ang nagbigay sa akin ng tiwala, at sa kanya galing ang oportunidad na mapunta ako sa ganitong klaseng papel. Isa siyang tunay na kuya para sa akin. Hindi ko malilimutan ang chance na ibinigay niya para gampanan si David Dimaguiba."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results