Ang BreKa duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang huling nakakuha ng puwesto sa Big 4 ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Ito ay matapos nilang manaig kontra sa DusBi duo nina Dustin Yu at Bianca de Vera sa ikatlo at huling Big Jump Challenge na magdedetermina kung sino ang pasok sa Big 4.
Para sa kanilang Big Jump Challenge, kinailangang idaan ng dalawang duos ang plastic cups sa isang maze sa loob ng itinakdang oras ni Kuya.
Ang mga naitwaid nilang plastic cups ay kailangan nilang gawing tower. Ang mas may mataas na tower ang siyang mananalo.
At ang nanalo nga ay ang Breka.
Dahil sa kanilang tagumpay, ang BreKa ang kumumpleto sa Big 4 ng PBB Celebrity Collab Edition; kasama ang CharEs nina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo, RaWi nina Ralph de Leon at Will Ashley, at AZVer nina AZ Martinez at River Joseph.
Sa kabilang banda, dahil sa kanilang pagkatalo ay ang DusBi ang huling duo evictee sa edisyong ito ng reality show kung saan nagsanib-puwersa ang ABS-CBN at GMA-7 sa kauna-unahang pagkakataon.
Read: Magulang ng namayapang beauty queen, dismayado sa kawalan ng update sa kaso ng pagkamatay nito
PBB CELEBRITY COLLAB BIG NIGHT
Ang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition ay gaganapin sa New Frontier Theater sa susunod na Sabado, July 5, 2025.
Kasunod ng pagbubukas ng botohan para sa Big 4, inanunsiyo rin ang pagbabalik ng UnliVote to Save at UnliVote To Evict.
Ibig sabihin, maaaring bumoto ang taong-bayan, sa pamamagitan ng Maya, ng duo na gusto nilang iligtas at ng duo ng gusto nilang mapatalsik.
Ang duo na may pinakamataas na average ang tatanghaling Big Winner.
Ang Big Winner duo ay makakatanggap ng cash prize na PHP1 million each.
Ang Second Big Placer duo ay makakakuha ng PHP500,000 each.
Ang Third Big Placer duo ay may naghihintay na PHP300,000 each.
At ang Fourth Big Placer ay may premyong PHP200,000 each.
Related Stories:
- CharEs first duo to enter Big 4 of PBB Celebrity Collab Edition
- RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab
- AZVer takes third spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab Edition
