PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Noel Comia Jr. on Best Supporting Actor Award at the 2025 MIFF

Noel talks about getting close to Krystal Brimner for Song of the Fireflies.
by Mark Angelo Ching
Published Jun 29, 2025
Noel Comia Jr.
"Song of the Fireflies" actor Noel Comia Jr. says he was not expecting to get an award. “Honestly, hindi ko po in-expect talaga na mare-recognize yung performance ko for Herbert because in my head, nung ginagawa po yung film na ito, I let go of anything na magiging technical."
PHOTO/S: Culturtain Musicat Productions

Hindi na bago kay Noel Comia Jr. ang makakuha ng acting award, dahil kahit bago pa lang siya sa industriya ay may mga nakapansin na sa kanyang talento.

Noong 2017, 13 years old lang si Noel nang manalo siya ng Best Actor award sa Cinemalaya para sa pelikulang Kiko Boksingero. Siya pa rin ang pinakabatang nanalo ng Best Actor award sa naturang independent film festival.

Ngayong taon naman, napanalunan niya ang Best Supporting Actor award sa Manila International Film Festival (MIFF), na ginanap noong nakaraang March sa Los Angeles, California, US.

Ang acting award ay para sa pagganap niya bilang Herbert sa musical film na Song of the Fireflies.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Noel sa advanced screening ng Song of the Fireflies noong June 23, 2025, sa Quezon City.

Dito ay ikinuwento niya kung bakit hindi niya personal na natanggap ang Best Supporting Actor award niya sa Hollywood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naiwan po ako sa Philippines. Nagsu-shooting po ako nun for another TV series sa Baguio,” simula ng Star Magic artist.

Aniya, nakikibalita na lang siya sa cast and crew ng Song of the Fireflies na dumalo sa MIFF.

Nandun ang direktor na si King Palisoc, ang producer na si Girlie Rodis, at ang mga bida ng pelikula na sina Rachel Alejandro at si Morissette.

Noel Comia Jr. (5th from left) together with (from left) Harry Hartman of Hartman Communications, Dennis Marasigan, Girlie Rodis (producer), King Palisoc (director), Celeste Legaspi (producer), Floyd Tena, Via Antonio, and Sarge Lacuesta (writer).
Noel Comia Jr. (5th from left) together with (from left) Harry Hartman of Hartman Communications, Dennis Marasigan, Girlie Rodis (producer), King Palisoc (director), Celeste Legaspi (producer), Floyd Tena, Via Antonio, and Sarge Lacuesta (writer).
Photo/s: Culturtain Musicat Productions
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagpapatuloy ni Noel, “Mahina po yung signal noon, pa-on-off, on-off po yung signal. Biglang may pumasok sa akin, nag-message si Kuya Dave, yung husband po ni Ate Morissette.

"Sabi niya sa akin, 'Congrats, dude.' Sabi ko, 'Saan?' 'Tapos nakita ko may trophy.”

Hindi raw inasahan ng young actor na makakuha ng award para sa Song of the Fireflies.

“Honestly, hindi ko po in-expect talaga na mare-recognize yung performance ko for Herbert because in my head, nung ginagawa po yung film na ito, I let go of anything na magiging technical. Kasi nagkaroon po ako ng habit na parang nagiging technical na ako,” saad niya.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa MIFF.

Noel Comia Jr. with his MIFF best actor trophy. “Honestly, hindi ko po in-expect talaga na mare-recognize yung performance ko for Herbert...
Noel Comia Jr. with his MIFF best supporting actor trophy. “Hindi ko po ito pinagyayabang, hindi ko po nilalagay ito sa unahan ng utak ko na, 'Uy award-winning ako.'..."
Photo/s: Culturtain Musicat Productions
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


“Sobrang grateful ako and honored kasi they considered me to be in the running for this award. And to give me this award, sobrang nakakataba po ng puso.

"I’ve always believed in, na hindi ko po ito pinagyayabang, hindi ko po nilalagay ito sa unahan ng utak ko na, 'Uy award-winning ako.' Turo rin po ng parents ko na ito ay bonus lang sa trabaho ko, sa ginawa ko.

"Ang importante po sa akin ay naipahawatig ko yung character ko authentically sa mga manonood,” pahayag pa ni Noel.

ACTING IN BISAYA

Ang Song of the Fireflies ay tungkol sa pagsikat ng Loboc Children’s Choir (LCC) noong early 1980s.

Matatandaang ang LCC ay isa sa mga pinakaprominenteng musical acts sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng ilang mga batang mang-aawit na taga-Bohol.

Kuwento ni Noel sa PEP, hindi naging madali ang shooting dahil kinailangan niyang maging matatas sa Bisaya.

“Medyo nahirapan po ako sa film na ito kasi nga po it’s predominantly Bisaya. Mixed Bisaya, Filipino, English. Kailangan ko pong mag-aral ng Bisaya,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buti na lang daw ay may language coach na tumulong sa kanya at kay Krystal Brimner, na love interest niya sa pelikula.

“At yung coach po namin, andun din po sa scene with us. Kunwari mali po yung pagkabigkas namin, cut kami, ulit kami. We’ll say it again, we’ll practice it again.”

Nakatulong din na mababait ang mga miyembro ng LCC, na kasama nila sa shooting.

“Yung mga bonding po talaga namin, kasama sa mga totoong Loboc Children’s Choir,” saad ni Noel.

“Tinatanong po namin sila ni Krystal ng mga Bisaya phrases. Nagpapaturo kami sa kanila. Iyon na rin po yung ilan sa mga foundations kung bakit kami naging authentically close sa film na yun.”

WORKING WITH KRYSTAL

Sa Song of the Fireflies ay tila may puppy love sina Noel at Krystal, na gumanap naman bilang Jackie.

Pero claim ni Noel, hindi niya ka-loveteam ang kasamahan niya sa Star Magic. Sadyang close talaga sila dahil matagal na silang magkakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging magkatrabaho pa nga sila sa Your Face Sounds Familiar Kids ng ABS-CBN noong 2018.

“For this one, we were more genuine with our thoughts, with each other. Siyempre, pag cut ng scene, hindi na po kami si Herbert, hindi na po siya si Jackie.

"Sa totoong buhay po may boyfriend po si Krystal, hindi po kami loveteam together,” paglilinaw ni Noel.

Pero masaya siya na kinilig ang audience sa mga eksena nila sa pelikula.

“Nakakatuwa po because yun po yung lumabas sa film, yun po yung lumabas, yung genuine connection together namin. And sana makita yun ng ibang tao,” sabi ni Noel.

Palabas na ang Song of the Fireflies sa mga sinehan simula ngayong araw, June 25, 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Song of the Fireflies" actor Noel Comia Jr. says he was not expecting to get an award. “Honestly, hindi ko po in-expect talaga na mare-recognize yung performance ko for Herbert because in my head, nung ginagawa po yung film na ito, I let go of anything na magiging technical."
PHOTO/S: Culturtain Musicat Productions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results