PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Salas literally redefines “pa-fall” at Palawan event

Paul Salas: “Pasensya Minamahal kong binibini”
by Arniel C. Serato
Published Jun 30, 2025
Paul Salas goes viral in Palawan event
Paul Salas apologizes for Palawan event incident: "Hindi naman kasi sa akin ang upuan kuha ako ng kuha pasensya minamahal kong binibini at hindi ko napansin eh upuan mo pala yun bawi ako sayo I love you!!!"
PHOTO/S: Facebook

Viral at pinag-uusapan sa social media ang nakatatawang pangyayari habang inaawitan ng Kapuso actor na si Paul Salas ang mga tao sa 76th founding anniversary ng Brookes Point, Palawan, nitong nakaraang weekend.

Habang aliw na aliw ang mga tao sa performance ni Paul, bumaba ang aktor sa audience area upang makihalubilo sa kanila.

Sa isang punto ay isang babae ang sinalubong siya at nagpa-selfie.

Paul Salas selfie with a woman
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito, iniwan ni Paul ang babae at nagpatuloy sa pagkanta papunta sa iba pang audience sa likuran.

May nadaanan siyang bakanteng monoblock chair at kanya itong hinila para tuntungan.

Sa kilig siguro ng babae, hindi nito namalayang wala na ang kanyang upuan kaya natumba siya.

Paul Salas brings vacant chair with him
Photo/s: Facebook

Read: Kathryn Bernardo at Alden Richards may hidwaan ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PAUL SALAS APOLOGIZES FOR THE INCIDENT

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, humingi ng dispensa si Paul sa pangyayari.

Hindi raw niya napansin na ang upuang kanyang hinila ay sa babae palang nagpa-selfie sa kanya.

Buong sabi ni Paul: "Hindi naman kasi sa akin ang upuan kuha ako ng kuha pasensya Minamahal kong binibini at hindi ko napansin eh upuan mo pala yun bawi ako sayo i love you!!!

"Mabuti at okay ka At sana nag enjoy ang lahat ng taga Brookes Point Palawan love you guys!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cesca Litton done with her chemotherapy: “This is me, bald.”

Ni-repost naman ni Paul sa kanyang Instagram Story ang isang mensaheng ipinadala ng isa sa mga nakasaksi sa kanyang performance.

Ayon dito, "Hello po! As a part of the audience kagabi, masasabi ko lang na very worth it ang pagpunta namin sa Event Center.

"Napasaya niyo kami, hindi lang sa tawa kundi pati na rin sa puso. Hoping na bumalik ulit kayo ng Palawan. See you soonest po!"

Reaksiyon ni Paul sa caption, "Mga ganitong bagay na nakakapuno ng saya sa puso ko din nakakawala ng stress. Salamat Lord sa purpose."

Paul Salas reposts message of fan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carla Abellana posts grievance with PrimeWater

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas apologizes for Palawan event incident: "Hindi naman kasi sa akin ang upuan kuha ako ng kuha pasensya minamahal kong binibini at hindi ko napansin eh upuan mo pala yun bawi ako sayo I love you!!!"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results