Pumanaw na ang beteranang talent manager at showbiz talk show host and columnist na si Lolit Solis — mas kilala sa showbiz sa bansag na Manay Lolit — noong Huwebes, July 3, 2025.
Siya ay 78.
Acute coronary syndrome ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Bago siya pumanaw, sumailalim sa dialysis si Manay Lolit mula noong 2022.
OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Kinumpirma ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang official statement.
Read: Lolit Solis, idinadalangin ang "painless death"
Nakasaad dito: "Our beloved Manay Lolit Solis has peacefully joined her Creator last July 3, 2025.
"Manay Lolit leaves behind a loving family and many friends who will always cherish her memory.
"We remember Manay Lolit as a feisty and staunch loyal supporter, manager and friend.
"We love you our dearest Manay, you will forever be in our hearts.
"Rest well now in the loving embrace of our Lord."
Read: Lolit Solis undergoes dialysis after being hospitalized
TALENT MANAGER AND STARTALK HOST
Si Manay Lolit ay isa sa itinuturing na maimpluwensiyang talent manager sa showbiz.
Kabilang sa mga alaga niya sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Bong Revilla, Amy Austria, Sandy Andolong, Lani Mercado, Paolo Contis, Tonton Gutierrez, Gladys Reyes, Alfred Vargas, Glydel Mercado, Pauleen Luna, Benjie Paras, at Direk Chito Roño.
Naging host din siya ng defunct showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk, mula 1995 hanggang 2015.
EDITOR'S NOTE ON LOLIT SOLIS'S REAL AGE
Nagkaroon ng kalituhan sa tunay na edad ni Lolit Solis. Sa pagkakaalam ng publiko at maging ng kanyang mga alaga ay isinilang siya noong Mayo 20, 1947. Ito rin ang nakasaad sa mga mahahalagang dokumento o identification card ni Manay Lolit, gaya ng passport.
Ngunit sa unang araw ng lamay para sa namayapang talent manager ay napag-alamang ang pangatlo sa mga kapatid ni Manay Lolit ay isinilang noong 1947. Si Manay Lolit ang panganay sa limang magkakapatid kaya imposibleng magkapareho sila ng taon ng kapanganakan.
Kaya ang tunay na edad ni Manay Lolit ay 78.
Ito ang dahilan kung kaya binago ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang ulat. Mula 1947 ay ginawang 1950 ang taon ng kanyang kapanganakan, at mula 78 ay ginawang 80 ang kanyang edad, base sa impormasyong ibinahagi ng pamilya ng namayapa.
Ito ang unang lumabas na detalye ng necrological service para kay Manay Lolit. Makalipas ang ilang araw ay ginawa nang opisyal ang Mayo 20, 1947 bilang araw ng kanyang kapanganakan.
Ito rin ang nakalagay ngayon sa obituary at lapida ni Manay Lolit.

