May alitan ba sa pagitan ng Eat Bulaga! Dabarkads na sina Maine Mendoza at Miles Ocampo?
Ito ang tanong ng netizens na nakapansing hindi na naka-follow si Maine kay Miles sa Instagram.

Kung titingnan ang IG account ni Maine, hindi na nga siya naka-follow kay Miles; habang si Miles ay naka-follow pa rin kay Maine.
Sa comments section ng isang post ni Maine, nagtatanong ang ibang fans kung may alitan ba sila ni Miles.


Ganun din sa comments section ng isang post ni Miles.


Hindi sinagot nina Maine at Miles ang mga tanong ng kanilang followers.
Read: Carla Abellana says one of her dogs abused by "narcissistic ex"
MAINE MENDOZA AND MILES OCAMPO CLOSENESS
Nasorpresa ang mga masugid na tagasubaybay nina Maine at Miles dahil kilalang malapit ang dalawa na ilang taon nang co-hosts sa TV5 noontime show na Eat Bulaga!.

Nasaksihan ang kulitan nila on-cam kapag nagkakasama sila sa segments sa Eat Bulaga!.

Imbitado si Miles sa kasal nina Maine at Arjo noong July 28, 2023; at "Ate Sez" pa ang tawag ni Miles kay Maine.

Noon lamang last week ng May 2025 ay magkasama pa sa Bangkok, Thailand, sina Maine at Miles.
Mukhang masaya pa sila sa group pictures na pinost ni Miles sa IG.
Kasama nila ang Eat Bulaga! co-hosts na sina Allan K (leftmost) at Ian Red (second from left), at ang kaibigan ni Maine na si Chamyto Aguedan (center).

Read: Vice Ganda, pinatutsadahan sina Ricky Reyes at Renee Salud?
MINIMAL INTERACTION ON SET?
Pero bandang June 10 nang unang maiulat na nag-unfollow si Maine kay Miles.
Bihira na ring makitang magkasama ang dalawa sa stage sa Eat Bulaga!.
Nitong mga nagdaang linggo, mapapansin na kung nasa studio si Maine ay nasa "Sugod Bahay" sa mga barangay naman si Miles.

Hindi rin sila gaanong nagkakaroon ng interaksiyon kahit sa split screen ng noontime show.

Si Maine ay madalas na nakatoka sa studio.

Nasa studio naman si Miles kapag wala roon si Maine.

Hindi malinaw kung nagkataong magkataliwas lang talaga sila ng schedule sa Eat Bulaga! kaya hindi sila nagkakasama, o may iwasang nagaganap sa pagitan nila.
Dahil dito, napatanong na ang kanilang mga tagasuporta kung ano ang nangyari at tila tumamlay ang pagkakaibigan ng dalawa.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag sina Maine at Miles sa isyu.
