Siyam sa 12 senatorial bets na nanalo sa nakaraang mid-term elections noong May 12, 2025, ang gumastos ng mahigit PHP100 million each para sa kanilang pangangampanya.
Iniulat ito ng Philippine News Agency ngayong July 4.

Batay sa Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) na isinumite ng mga nanalong senatorial bets at inilabas ng Commission on Elections (COMELEC), si neophyte Senator Camille Villar ang nangunguna sa listahan.
Gumastos ang senadora ng PHP179,642,664 sa kabuuan ng panahon ng kampanya mula from February 11 hanggang May 10.
Read: Ping Lacson files bill to regulate minors’ social-media use
OTHER SENATORIAL BETS WHO ARE TOP SPENDERS IN MAY 2025 MID-TERM ELECTIONS
Sumunod kay Senator Villar sa pinakamalaking nagastos ay ang PHP163,580,568 ni Senator Lito Lapid.
Ikatlo si Senator Pia Cayetano, with PHP162,014,961.
Nasa ikaapat si Senator Imee Marcos na may PHP139,298,208.
Ikalima si Senator Ronald "Bato" dela Rosa, with PHP128,728,961.
Ang number one sa mga nanalo na si Senator Bong Go ang ikaanim sa may pinakamalaking nagastos—PHP127,313,761.
Read: Bookshop owned by National Artist F. Sionil Jose up for sale
HOW MUCH DID THE OTHER WINNING SENATORIAL BETS SPEND IN MAY 2025 MID-TERM ELECTIONS?
Ang iba pang nanalong senador na nakagastos ng mahigit PHP100 million sa 90-day campaign period ay sina Senators Francis "Kiko" Pangilinan (PHP119,400,972), Rodante Marcoleta (PHP112,857,951), at Erwin Tulfo (PHP110,358,697).
Mas mababa naman sa PHP100 million ang nagastos nina Senators Tito Sotto (PHP96,638,901) at Bam Aquino (PHP86,150,395).
Pinakamababa ang gastos ni Senator Panfilo "Ping" Lacson na PHP18,955,871.
Read: Report: Philippines now has 12,800 "dollar millionaires"
CAMPAIGN CONTRIBUTIONS RECEIVED BY WINNING SENATORIAL BETS
Batay pa rin sa SOCEs na inilabas ng COMELEC, si Sen. Pia ang tumanggap ng pinakamalaking kontribusyon na umabot sa PHP169,623,644.
Ang iba pang nagwaging senatorial bets na nakatanggap ng kontribusyon ay sina Dela Rosa (PHP160,601,884); Lapid (PHP160,300,000); Villar (PHP159,640,000); Marcos (PHP138,500,000); Go (PHP125,942,386); Tulfo (PHP120,130,000); Pangilinan (PHP119,400,972); Lacson (PHP118,510,777); Aquino (PHP86,962,657); Sotto (PHP35,500,000).
Idineklara naman ni Marcoleta na hindi siya nakatanggap ng anumang kontribusyon.
Alinsunod sa batas, bawat kandidato ay pinapayagang gumastos ng PHP3 per registered voter.
Sa nakaraang mid-term elections ay may mahigit 68 million registered voters.
Kung sinunod ng mga kumandidato sa pagka-senador ang patakarang puwedeng gumastos ng PHP3 kada botante, ang magiging gastos ay aabot ng hanggang PHP204 million.
Read: Government to launch new PWD ID system in July to stop fake IDs
