Maging sa mga huling sandali ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ay pinag-usapan pa rin ito online.
Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition
Sa katunayan, umabot sa mahigit na 1.5 million concurrent viewers ang livestream ng Big Night nito kagabi, July 5, 2025.
Sa nasabing Big Night ay idineklarang First Big Winner Duo sina Mika Salamanca at Brent Manalo, matapos nilang makuha ang pinakamaraming boto laban sa tatlo pang magkaka-duo.

Narito ang ilan sa most-talked about moments sa PBB Collab Big Night:
BREKA WINS
Pinag-usapan agad ang pagkapanalo ng BreKa tandem nina Brent at Mika.
Sa official Facebook page ng PBB, mayroon nang higit sa 81 thousand likes ang post na nag-a-announce ng pagkapanalo ng dalawa.
Sa social media plaform na X, o mas makilala bilang Twitter, ay trending ang katagang BreKa, with more than 341 thousand tweets.
Trending rin ang Mika, with more than 237 thousand tweets.

Read: Bianca de Vera receives P5.9M-luxury car from parents
MIKA’S INFLUENCER FRIENDS
Marami ang natuwa sa pagpapakita ng suporta ng mga kaibigan ni Mika, na mga influencer rin tulad niya, sa pamamagitan ng pagpunta nila sa Big Night event na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Kasama diyan si Benedict Cua, na nag-post ng video ng kanyang reaksyon sa announcement na si Mika nga ang isa sa mga naging Big Winner.
May higit 80,000 likes na ang post na ito ni Benedict sa kanyang Instagram account.
Um-attend din sa Big Night si Zeinab Harake Parks. Nag-post siya ng Instagram Story kung saan makikitang niyakap niya si Mika.
SHOCKING CHARES PLACEMENT
Samantala, pinag-usapan din ang pagkagulat ng mga housemate nang ianunsiyo na Third Big Placers sina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo.
Makikita sa mukha nina Brent, Mika, Ralph de Leon, at Will Ashley na hindi nila inaasahang mas mataas ang makukuhang nilang placement kaysa sa CharEs tandem.
May nag-post ng video ng moment na ito sa Twitter, at mayroon na itong higit sa 27 thousand likes.
Sa Facebook naman ay may gumawa ng compilation video ng mga reaksyon ng mga manonood ng ianunsiyo ang placement ng CharEs. Meron nang higit sa 21 thousand views ang naturang video.

Read: Walong kapatid ni Shuvee Etrata, pinaalis sa tirahan sa Cebu
WILLCA REUNION
Viral din ang nakitang reunion ng WILLCA tandem nina Will Ashley at Bianca de Vera.
Hindi man opisyal na naging loveteam sa loob ng bahay ang dalawang housemate ay marami pa rin silang fans.
Sa katunayan, maraming viral posts sa Twitter tungkol sa nakitang pagyayakapan ng dalawa sa stage bago matapos ang Big Night episode.
Sa isang video sa Twitter na mayroon nang higit sa 31 thousand likes, makikitang nagtanong muna si Will ng “can I hug you” bago yakapin si Bianca.
Sa likod naman nilang dalawa ay makikitang tuwang-tuwa ang kapwa nila housemates na sina Michael Sager at Emilio Daez.

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor
WILL, MANAGEMENT FAVORITE?
Pinag-usapan din online ang nakitang pagkagiliw ng management ng dalawang network kay Will.
Dahil collaboration ang PBB season na ito between GMA-7 and ABS-CBN ay nasa stage pareho ang ilan sa mga leaders ng dalawang network.
Nag-present kasi ng mga award sina Annette Gozon Valdes, na senior vice president sa Kapuso network; Cory Vidanes, na chief operating officer sa Kapamilya network; at Laurenti Dyogi, na pinuno ng Star Magic.
Sa isang video sa Twitter na mayroon nang higit sa 26 thousand likes, makikita na sabay na kinakausap ni Will sina Ms. Annette at si Ms. Cory.
Biro naman sa isang pang tweet, tila raw binabakuran ni Ms. Annette si Will mula kay Direk Lauren.
“Will Ashley, aampunin na ata sa Ignacia,” biro naman ng isa pang tweet na mayroon nang 3,600 likes.
SHUVEE AND HER TDH
Samantala, marami naman ang natuwa sa picture ni Shuvee Etrata kasama ang dalawang TDH.
Tall, dark, and handsome ang ibig sabihin ng TDH, ang terminong inimbento ni Shuvee sa loob ng Bahay Ni Kuya noong na-meet niya ang houseguest na si Donny Pangilinan.
Ngunit mayroon na palang TDH sa buhay ni Shuvee. Ito ay ang manliligaw niyang si Anthony Constantino.
Nasa Big Night kahapon sina Shuvee, Anthony, at Donny kaya’t marami ang kinilig sa pagsasama nilang tatlo.
Sa picture na naka-post sa official Facebook account ng Sparkle GMA Artist Center featuring the three ay may mga nagko-comment na tila si Shuvee pa ang naging Big Winner.
Hiling naman ng iba na sana ay gawan ang tatlo ng pelikula or drama series.
Dahil sa success ng PBB Celebrity Collab Edition ay niluluto na agad ng GMA-7 at ABS-CBN ang susunod na edisyon, na ipapalabas umano ngayong taon din. Sino kaya sa mga Sparkle at Star Magic artists ang makakasama rito? Iyan ay inaabangan na ng maraming PBB fans.
