Nagpasalamat si Mika Salamanca sa mga sumuporta sa kanya sa kabuuan ng kanyang journey sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Ito ay matapos makuha ng duo nila ni Brent Manalo o BreKa ang Big Winner Duo title ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition

Sa Facebook post ng Kapuso actress Linggo ng gabi, July 6, 2025, personal niyang pinasalamatan si Brent, ang kanyang housemates, ang staff ng PBB, at ang fans.
Ikinuwento rin niya ang kanyang naging PBB journey.
Pagsisimula ni Mika, kaunting damit lamang ang dala niya nang pumasok siya sa PBB house noong March. Hindi raw niya kasi in-expect na tatagal ang kanyang pamamalagi sa loob ng bahay.
Naikuwento na dati ni Mika sa kanyang co-housemates na inisip niyang una siyang ma-e-evict. Ito ay dahil sa mga kinasangkutan niyang kontrobersiya bago ang PBB.
Pagpapatuloy ng social media influencer, nag-audition siya para sa reality show 10 years ago pero hindi siya nakapasa.
“I’m a firm believer that when plans don’t go your way, it’s because God has a bigger one, at ito yun!” saad niya.
Sinabi rin ni Mika na hindi niya alam kung paano siya naging Big Winner.
“Hanggang ngayon po hindi ko pa rin po maintindihan kung ano ang ginawa kong tama sa loob ng Bahay ni Kuya para maging ‘Big Winner’ dahil ang ginawa ko lang naman po ay ang bilin ng mga mahal ko sa buhay—ang maging ako,” pahayag niya.
MIKA SALAMANCA THANKS SUPPORTERS, PBB HOUSEMATES
Matapos nito ay nagpasalamat si Mika sa kanyang supporters.
Mensahe niya: “Thank you for letting me reintroduce myself.
"Words are not enough to explain how overwhelmed I am sa lahat ng sumalubong na pagmamahal sa amin. Maraming salamat po!
"Araw-araw po akong maghahanap ng paraan para maibalik sa inyo ang pagmamahal na natatanggap namin."
Binanggit din ni Mika ang ShuKla duo nina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman, at DusBi duo nina Dustin Yu at Bianca de Vera, na kasama raw nila ni Brent sa kanilang laban.
May special mention si Bianca dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.
“To Caca, thank you for fighting next to me the whole time. Isa ka sa unang nagtiwala at nagpaalala sa akin ng totoong laban ko. Ready na ako sa outside world tasks natin, my Immunity Queen,” saad ng Encantadia Chronicles: Sang'gre actress.
At siyempre, special mention din ang ka-duo niyang si Brent.
“If not for you, this wouldn’t have been possible. From your manifestation sa first duo formation to being the final duo to being the first duo big winner! You really made this journey easier by carrying my emotions with me.
"You never made me feel na mabigat yung baggage ko kasi lagi kang ready na sumalo. And kahit nasa labas na tayo, walang magbabago. I got you. You got me,” sabi ng 24-year-old celebrity.
Sa huli ay pinasalamatan ni Mika ang management ng PBB, kasama na ang kanyang mga boss sa GMA Network.
Read: Mika Salamanca defends Brent Manalo’s clapback at Kira Balinger
MIKA SALAMAnCA'S FULL STATEMENT
Narito ang buong statement ni Mika:
“Pumasok ako ng PBB na may dalang konting damit at pangarap lang, kaya hindi ko inexpect na aabot ako sa dulo, ‘cause wdym umabot talaga TAYO sa dulo?! NO WAYYYYY, legit?
“10 years ago di ako pinalad na makapasok sa PBB, siguro dahil hindi pa ko ready. I’m a firm believer that when plans don’t go your way, it’s because God has a bigger one, at ito yun!
“Hanggang ngayon po hindi ko pa rin po maintindihan kung ano ang ginawa kong tama sa loob ng Bahay ni Kuya para maging 'Big Winner' dahil ang ginawa ko lang naman po ay ang bilin ng mga mahal ko sa buhay—ang maging ako. Thank you for letting me reintroduce myself. Words are not enough to explain how overwhelmed I am sa lahat ng sumalubong na pagmamahal sa amin. Maraming salamat po! Araw-araw po akong maghahanap ng paraan para maibalik sa inyo ang pagmamahal na natatanggap namin. KAYO PO ANG TUNAY NA BIG WINNER!
“To ShuKla and DusBi, dala-dala namin kayo sa laban namin.
“To Caca, thank you for fighting next to me the whole time. Isa ka sa unang nagtiwala at nagpaalala sa akin ng totoong laban ko. Ready na ako sa outside world tasks natin, my Immunity Queen.
“To Brent, welcome to the outside world, partner. If not for you, this wouldn’t have been possible. From your manifestation sa first duo formation to being the final duo to being the first duo big winner! You really made this journey easier by carrying my emotions with me. You never made me feel na mabigat yung baggage ko kasi lagi kang ready na sumalo. And kahit nasa labas na tayo, walang magbabago. I got you. You got me.
“I also want to take this chance to thank lahat ng bumuo ng PBB Collab Edition, the management, the networks, the hosts, the teams who worked relentlessly to make the show what it is. And to my co-housemates, you guys made this experience very special and worth remembering and I wouldn’t have it any other way.
“Thank you po sa tiwala Ms. @annettegozonvaldes , Ms. @joymarcelo1115 , sir @bossenteng and kuya @ohhjessko, ABS CBN, SPARKLE AND SYEMPRE KUYAAAAAAA!!!!!
“And to my friends and family walang hanggang pasasalamat sa inyong lahat ???? Mahal ko kayo.
“For the last time, Ako po si Mika, ANG CONTROVERSIAL CA-BABE-LEN NG PAMPANGA”