Hindi na ikinagulat ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero o “missing sabungeros” ang pagtukoy ni “Alias Totoy” kina Charlie “Atong” Ang at Gretchen Barretto.
Si Alias Totoy kalaunan ay inilantad ang tunay na identity na Julie "Dondon" Aguilar Patidongan. Siya ang hepe ng security agency na may hawak ng umano’y mga pag-aaring farm at sabungan ni Atong.
Tinukoy ni Patidongan si Atong bilang mastermind umano sa pagdukot sa hindi bababa sa 100 missing sabungeros.
Bukod kay Atong, pinangalanan din ni Patidongan ang aktres na si Gretchen at dalawa pa sa eksklusibong panayam ni Emil Sumangil para sa 24 Oras ng GMA-7 noong Hulyo 2, 2025.
Si Patidongan ay isa sa anim na kinasuhan ng kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero sa iba't ibang panig ng bansa.
Sinabi nitong may inuutusan umanong mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) para dumukot sa mga nawawalang sabungero.
Read:
- Atong Ang, Gretchen Barretto tagged by Alias Totoy in missing sabungeros case
- Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor
RELATIVES NOT SURPRISED WITH tagged "suspects"
Bukod sa hindi na nagulat sa mga inilabas na pangalan bilang "suspek," sinabi ng mga kaanak ng missing sabungeros na nabuhayan sila ng loob.
Nakipagpulong ang mga kaanank ng missing sabungeros kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Department of Justice, sa Quezon City, noong July 4, 2025.
Humingi sila ng update kaugnay ng kanilang kaso matapos ang paglalantad ni Patidongan.
Ayon sa pamila ng mga nawawalang sabubgero, hindi na nila ikinagulat ang pagtuturo ni Patidongan kina Atong at Gretchen.
“Hindi na kami nagulat kasi in the first place, sa ibang kasama namin, doon naman sa lugar niya [Atong] nawala," sabi ni Charlene Lasco, kapatid ng biktimang si Jon Lasco, sa panayam ng GMA Integrated News.
“’Tapos yung brother ko na si Jon Lasco ay isang master agent. Wala naman kasing ibang puwedeng taong may interes sa kanya kung yung kapatid ko nga ay nakagawa ng hindi maganda.”
Sabi naman ni Janice Esplana, tiyahin ng missing sabungero na si Myson Ramos, sa interview ng media: “Alam naman po namin din kaya hindi na po namin pinag-usapan. Alam na po namin yun, dati pa, kaya po parang hindi na po kami nabigla.”
Pahayag ni Carmen Malaca, ina ng biktimang si Edgar Malaca: “Alam namin.
"Hindi na kami magugulat noon pa dahil naririnig namin… kahit hindi pa na-kidnap yung anak ko, naririnig namin na may ganyan na pangyayari...
“Sa tagal ng panahon na mag-aapat na taon na… ngayon lang kami nagkaroon ng pag-asa.”
Umaasa rin si Ginang Malaca na magtutuluy-tuloy na ang pag-usad ng kaso.
Hangad din daw niyang ma-retrieve ang mga “bangkay o buto” ng missing sabungeros sa Taal Lake.
Ibinunyag kasi ni Patidongan na ang mga pinaslang na mga sabungero ay itinapon umano sa Taal Lake.
Nabigyan din ng pag-asa si Mylin Fernandine, ina ng nawawalang si Mark Paul Fernandine, sa pagsisiwalat ni Patidongan.
Sabi ng ina sa media: “Sobra po akong nabuhayan ng loob dahil sa akala ko nga po wala na kaming pag-asa sa paghahanap sa kanila, kaya nagpapasalamat po ako kahit paano po ay may nakonsensiya na magsabi ng totoo.”
Nang lumantad at magsalita si Patidongan noong July 2, 2025, kinunan ng reaksiyon ng GMA Integrated News ang ilan sa kaanak ng mga nawawalang sabungero.
Tulad ni Carmelita Lasco, 76, ina ng biktimang si Jon Lasco.
Pahayag nito, matagal na nilang alam sa kanilang pamilya na si Atong diumano ang mastermind, subalit takot sila na unang magpangalan sa gambling tycoon.
Ayon kay Carmelita: “Magdusa din sila. Magdusa sila sa kulungan. Maranasan nila kung gaano kahirap.
“Yan ay kulong pa lang. How much more yung pinatay nila yung anak ko? Kailangan lumaban ako.”
Sinabi naman ni Justice Secretary Remulla na hindi nila titigilan ang kaso.
Saad pa niya ukol kina Atong at Gretchen, “They will be included. Because they were named, then we will have to include them as suspects.”
ATONG, GRETCHEN DENY ALLEGATIONS
Mariin namang itinanggi ni Atong ang mga akusasyon laban sa kanya ni Patidongan.
Hulyo 3, 2025 nang magsadya si Atong sa Prosecutor’s Office ng Mandaluyong City, kasama ang kanyang legal counsel na sina Atty. Lorna Kapunan at Atty. Caroline Cruz.
Sinampahan ni Atong si Patidongan ng mga reklamong robbery, grave threat, grave coercion, slander, at incriminating innocent people.
Itinanggi rin ni Atong ang paratang ni Patidongan na tinangka umano niyang suhulan si Patidongan ng PHP300 million para bawiin ang mga sinabi ng huli.
Parte ng hirit ni Atong: “Please lang, ang pakiusap ko lang, lahat ng tao na sinasabi niya [Patidongan], ini-involve, tingnan ninyo ang pagkatao namin.”
Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case
Isang official statement naman ang inilabas ng kampo ni Gretchen noong July 4, 2025, at itinanggi ang pagdawit sa kanya ni Patidongan.
Ang legal counsel ng aktres na si Atty. Alma Mallonga ang naglabas ng official statement.
Bungad ng pahayag: "Ms. Gretchen Barretto has just been tagged a 'suspect' in the case of the missing sabungeros based on the allegations of a supposed whistleblower, but his allegations stand on plain suspicion.”
Sinabi ni Atty. Mallonga na walang improtanteng impormasyon ang aktres kaugnay ng pagkawala ng missing sabungeros.
Bahagi ng statement: "To be clear: Ms. Barretto has only heard about, hence has no relevant knowledge concerning, the disappearances.
"She did not operate the sabungan, had no participation in e-sabong operations that was suspended more than two (2) years ago, and was merely an investor in the business (one of about 20 investors categorized as alpha members).”
Wala pang pormal na reklamong inihain laban kina Atong at Gretchen sa sinasabing kaugnayan nila umano sa missing sabungeros.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
Read: Gretchen Barretto denies involvement in missing sabungeros case
