Walang pinipiling edad ang pag-ibig. Patunay nito ang engagement ng 67-year-old actress na si Irene Celebre sa kanyang former teen sweetheart na si Artie Perez de Tagle, 69.
Si Irene ang ina ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann.
Si Artie naman ay anak ng yumaong Reyna ng Kundiman na si Sylvia La Torre, at ama ng Hannah Montana star na si Anna Maria Perez de Tagle.
Read: Lolit Solis: Far from perfect, fascinating till the last

Nagdiwang si Irene ng kanyang ika-67 kaarawan sa Astoria Plaza, Pasig City, noong Hunyo 28, 2025.
Dito rin naganap ang hindi inaasahang marriage proposal ni Artie, na unang nakarelasyon ni Irene noong 16 years old pa lamang ang aktres.
Saksi si Gabby at ang kanyang mga kapatid sa pangyayari na labis naghatid ng matinding pagkagulat at kaligayahan sa kanilang ina.
“Nasa Cloud Nine siya,” kuwento ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nararamdaman ng kanyang ina mula nang alukin ito ng kasal ni Artie.
Ayon pa sa aktor: “Happy ako. Sobrang happy ako para sa kanya.
"Yun lang naman ang palaging pinapangarap ko para sa kanya, not necessarily to meet someone.
“Kasi my mom came to a point na hindi niya talaga kaya na mag-isa. She always would love to be taken care of."
Si Artie ang first boyfriend ni Irene bago naging sila ng ama ni Gabby, ang yumaong aktor na si Mark Gil.
Bakit nag-break noon sina Irene at Artie?
Lahad ni Gabby: “Hindi naman sila nagkaroon ng falling out, pero kasi nasa showbiz din si Artie. Di ba, mommy niya si Sylvia La Torre?
"He was concentrated on his singing career so nawala siya sa picture."
Read: Vilma Santos reacts to Taal Lake "dump site" for missing sabungeros
IRENE AND ARTIE REUNITED AFTER FIFTY YEARS
Nagkabalikan sina Irene at Artie makalipas ang limampung taong pagkakahiwalay at pagkakaroon ng kanya-kanyang buhay at pamilya.
Ayon kay Gabby: “After fifty years, nag-rekindle sila sa Facebook. I think Artie was the one who contacted my mom.
"So, ganoon lang, surreal but ang cute naman ng istorya.
“Yung proposal, pinag-uusapan na yun if in case ikasal, baka ito na.
“Sabi ko, 'Alam mo, whatever it is, it’s not all about us.'
"It’s all about love, deserve niyang maging happy."
Malaking sorpresa raw para sa kanilang lahat ang proposal ni Artie kay Irene.
Kuwento ni Gabby sa PEP: “The birthday itself, when she was celebrating, when she’s having that party, kahit alam namin na may chance na magpapakasal sila, the proposal was really a surprise.
“Kumakanta kasi noon si Artie. May bakat sa pocket niya.
"So, yung kapatid ko, si Kylie, nag-text sa akin. Sabi niya, 'Kuya, nakita mo? Parang may ring box…’
“Akala ko, ako lang ang nakapansin.”
Sinabi ni Gabby na gusto niyang siya ang maghatid sa kanyang ina sa altar sa araw ng kasal nito kay Artie na posibleng idaos sa Amerika.
“Hindi ko alam kung ano yung huling napag-usapan, but I think they’re working on getting married sa States,” ani Gabby, na panganay sa apat na anak ni Irene.
Read: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa NAIA papuntang Australia