Muling mapapanood ang aktres na si Dina Bonnevie bilang host sa online show na House of D sa YouTube.
Pero sa pagkakataong ito, katuwang niya sa pagbuo ng show ang mga anak na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto, pati na mga manugang na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa-Sotto.
Co-hosts at co-producers niya sa programa sina Danica, Marc, Oyo, at Kristine.
Sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters, ipinaliwanag ni Dina kung paano nabuo ang programa.
"Noong una naisip ko, ako lang," saad ni Dina nang tanungin kung bakit hindi siya solong host.
Dati siyang host ng Ms. D!, ang self-titled talk show niya na umere mula November 1996-February 1999.
"But then, naisip ko, DV would always say, 'Why don’t you have a talk show with Danica and with Tin? Tutal, gustung-gusto naman ni Danica na magkaroon ng talk show.'"
Si Deogracias Victor "DV" Savellano ay ang yumaong mister ni Dina. Naglingkod din si DV bilang Department of Agriculture secretary. Pumanaw siya noong January 7, 2025.
Pagpapatuloy ni Dina: "And a lot of people were asking, 'Bakit hindi kayong tatlo ni Tin?'
"Tapos naisip ko, 'Hihindi naman si Tin. Hindi naman siguro papayag yan.' So siguro, kami na lang dalawa ni Danica.
"Then one time, we were together, I brought the topic sa kanila. Tapos nagulat ako, 'Maganda yan, Ma! Gawin natin!' So doon ko naisip na gusto nila."

Read: Kapamilya stars, officials, employees nagpaalam sa ABS-CBN Tower
DINA BONNEVIE ON OYO BOY SOTTO AND VIC SOTTO'S CONVERSATION
Kuwento pa ni Dina, bago pa nabuo ang programa, ang anak niyang si Oyo ay nag-iisip magtayo ng negosyo kasama si Kristine.
"Noong time rin na yun sinabi ni Oyo na he wanted to invest their money. Kasi, meron daw silang extra money ni Tin and he wanted to invest sa production company ng dad niya."
Ang ama nina Oyo at Danica na si Vic Sotto ay co-founder ng TVJ Productions na co-producer ng Eat Bulaga! sa TV5.
May sarili ring production company si Vic na M-ZET Productions, na nagproprodyus ng mga pelikula at TV shows.
Pero iba raw ang payo ni Vic kay Oyo.
"And then sabi ng dad niya, 'Wag na lang ngayon. Ganyan-ganyan.'
"Tapos, sabi pa ng daddy niya, 'Kung gusto mo, i-advance ko sa yo ang inheritance mo.' Sabi niya, 'No, it’s not that, Dad. I want to learn to have my own company.'"
Kaya raw naisip ni Dina na magandang oportunidad kay Oyo ang mag-co-produce ng kanyang online show.
"Naisip ko, tutal naman my son would like to venture at gusto niyang mag-invest sa dad niya...
"Pero siguro naman si Vic, bilang protective of his son, takot din siya na baka malugi ang pera ng anak niya. Kasi nga, bago pa lang ang Eat Bulaga! [kaya sinabi niya] 'Wag na muna anak.'"
Read: Vilma Santos reacts to news about missing sabungeros, Taal Lake
DINA BONNEVIE ON INVITING OYO, DANICA, IN-LAWS TO WORK WITH HER
Bukod sa co-producer ay si Oyo rin ang director ng online show ni Dina.
"Sabi ko, 'Oyo, ba’t kaya hindi ka mag-direk? Di ba, dream mo naman dati pa na mag-direk? At every time na may soap ka naman, nakikialam sa direksyon.'
"Sabi niya, 'Puwede, pero, gusto ko munang mag-train ng konti.'
"Pero sabi ko, 'You have the touch.' Sabi niya, 'Alam ko kaya ko. Pero give me the chance to gather muna.' And nagustuhan niya. And I can see how responsible he is."
Sakto raw na si Danica ay puwede naman niya maging co-host.
"Sabi ko, gusto ni Danica na mag-talk show. Gusto rin naman ni Oyo na mag-direk.
"So, why not give both my children a chance?
"Kapag kasama ko naman ang dalawa kong anak, the in-laws will follow.
"So, we asked Marc kung gusto niyang sumali, go naman si Marc.
"Although Marc said that I will not always be there kasi marami siyang laro abroad or laro out-of-town. So, [given] na yun na there will be episodes na wala si Marc.”
Ang talagang hindi raw inaasahan ni Dina ay ang pagiging game rin ni Kristine.
Ayon kay Dina, "Ang surprise sa amin ay si Tin that she wanted to do it.
"Sabi niya, 'This is one thing that I can do na hindi ako malalayo sa mga anak ko. Hindi naman ‘to taping na magdamag, maghapon. So, why not? Sige, gusto ko.'
"And then she said na yun nga, I’ve been looking for a venue to be able to bring people to God. To be able to bring people to the Lord through my experiences.
"Magugulat ka na may mga experiences pala siya na hindi namin alam. So, nasi-share niya naman."
Read: Irene Celebre, 67, engaged to Sylvia La Torre's son Artie, 69
DINA BONNEVIE ON WHAT THE SHOW IS ALL ABOUT
Simula ngayong Biyernes, July 11, 2025, sa ganap na 5 P.M. ang unang episode ng House of D.
May mga episodes daw sila na halos wala silang tigil sa kakatawa at may episodes na medyo mabigat, pero may takeaway ang mga manonood mula sa kanila.
"We don’t want to be a nonsense show naman," saad ni Dina.
"We want people to pick up something. Even in our funny episodes, sasabihin namin na para bang, why people are happy, why we are doing this.
"Because the pictures of our past shows us what we were before. From there, nasaan na tayo ngayon. Ano na ang inilakbay ng buhay natin? Paano na tayo nag-improve?
"Ang message ng show namin, sa katatawanan, sa lungkot, sa hirap, sa pag-ibig, nandiyan ang pamilya mo.
"Sa lahat ng gagawin mo, the core is always family."
Ayon pa kay Dina, handa siyang ibahagi rin ang mga karanasan niya sa buhay.
"And in my personal experience na there were times na naging malungkot din ang mga anak ko because of my wrong decisions.
"There were times na nadamay ang mga anak ko dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay."
Sa puntong ito, hindi maiwasang maging emosyunal ng beteranang aktres.
"But through thick or thin, through high or low water they were always there to stand by me, never judge me, never disrespected me,” naluha pang pahayag ni Dina.
"Through thick or thin, family was there, hindi nila ko iniwan. Inintindi nila ko sa lahat ng bagay.
"Kaya ako, magkamali man sila, I tell them also na mali man ang desisyon mo diyan, I never judged, iniintindi ko rin. Kasi yun ang family, e.
"Family shouldn’t judge you. Family should support you. Family should be your core.
"Dumaan man ang napakaraming sakuna, dumaan man ang napakaraming bagyo, pero kung malalim ang ugat ng pamilyang yan, hindi yan mabubuwag. Hindi yan maa-uproot.”
Hindi itinanggi ni Dina na kinakabahan siya kung paano tatanggapin ng netizens ang kanyang online show.
"Sina Rams [David] nga, 'Ano ba? Kaya mo?' Ako naman, 'Hay naku Rams! Paano kung hindi tanggapin ng tao? Paano kung i-bash ako?'
"Tapos yung mga bata, nao-overwhelm sila sa response ng mga tao. Gaya nga niyan, lumabas na 1.9 million views."
Aminado si Dina na hindi pa raw talaga siya marunong sa social media.
Kadalasan kapag nakakapag-post siya, may tumutulong sa kanya o nasa tabi niya ang mga anak. Marunong lang daw siya mag-reply sa comments section.
Tatlumpung minuto ang itatagal kada-episode. Hindi ba masyadong maiksi lalo na at lima silang magbabahagi ng kanya-kanyang opinyon?
"Hihintayin namin ang mga tao na magsabi na, 'I-one hour niyo na,'" saad ni Dina.
Dagdag niya: "Pero honestly, kung halimbawa maganda ang response ng mga tao, more appreciation for the show than bashers, tuloy kami.
"Pero siyempre, wala namang reason na ituloy kung hindi naman tinanggap ng mga tao. Parang it all depends on the people. Siyempre kami, we’re here to share whatever we have.
"In the beginning, kami-kami na muna. Parang pinapakilala muna namin sa mga tao yung pamilya namin."
