Sa unang pagkakataon, sa isang harapang panayam, nagbigay ng pahayag si Dina Bonnevie tungkol sa saloobin makalipas ang anim na buwan mula nang pumanaw ang mister niyang si Deogracias Victor “DV” Savellano.
Napag-usapan ito dahil sa pagkakaroon ni Dina ng bagong talk show sa YouTube, ang House of D.
Lahad ng premyadong aktres: “When my husband was alive, si DV, ang dream niya na magkaroon kami ng talk show, na magbalik-talk show host ako.
"Kasi hindi niya masyadong gusto yung nagpupuyat ako sa taping, nasa bahay na siya tapos wala pa ako.
“So, sabi niya, ‘Sana nga matuloy na magka-talk show kayo.’”
Read: Dina Bonnevie on how Oyo-Vic convo led to son joining her show
Nabanggit ni Dina na ang paghu-host niya ngayon ay paraan din “to pick up the pieces and to start all over again” mula sa pagkawala ng kanyang mister.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-host kung kumusta na siya ngayon.
Saad ni Dina: “Well, I can say na more or less medyo… siguro na-exhale ko na lahat ng grief ko, parang for a time I was really, iyak ako nang iyak.
“As in I kept asking God, parang, ‘Bakit?’
“Marami pa naman sanang magagawa yung asawa ko.
“Because I never considered him as a politician, he was a public servant! And a good public servant at that.
“So, parang for a while, nagtampo ako kay God na, ‘Bakit Mo siya kinuha? Ang dami niya pang magagawa. Bakit siya? Marami namang walang silbi, sana iyon ang kinuha Mo. Bakit itong asawa ko?’”
Naglingkod si DV bilang Agriculture Undersecretary. Sumakabilang buhay siya noong January 7, 2025.
Read: Politician DV Savellano, husband of Dina Bonnevie, dies
Pagpapatuloy ni Dina: “But, well, you can never question naman God’s wisdom.
“God’s wisdom is supreme and above all. Di ba, sabi nga natin, God can see our lives from beginning to end, it’s like a parade.
“Di ba? He sees the beginning of the parade, the middle of the parade, and the end of the parade.
“So only He knows what His plans are for you. So wala, tinanggap ko. Nag-grieve ako, I gave myself time to grieve.
"And then I said it’s about time I pick up the pieces and do something.
“And iyon na nga yung sinabi ni Shyr, ‘Why don’t you do something that you like?’
“So, nandun kami andun si Atty., ‘Why not?’ Ganyan-ganyan, ‘Do a talk show,’ ganyan-ganyan.”
Matalik na kaibigan ni Dina ang character actress na si Shyr Valdez at iisa naman ang abogado nila, si Atty. Mark Julius Estur.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co spotted at airport; holding hands at event
ON GOING BACK TO HOSTING
Sa pamamagitan ng House of D ay natupad ang pangarap ni Dina na magbalik sa paghu-host.
“Sabi ko, iyon ang dream ko, makabalik sa pagto-talk show kasi that’s close to my heart.
"Why? Doing a talk show is close to my heart because when I was doing a talk show, I would answer all the questions of the viewers myself.
“I would answer their emails myself. I would read yung mga poems na pinapadala nila, yung mga suggestions nila.”
Ang show na tinutukoy ni Dina ay ang Ms. D! na umere sa GMA-7 mula November 1996 hanggang February 1999.
Dagdag pa niya: “And hindi naman sa pagmamayabang, pero feeling ko marami akong natulungang tao.
“Kasi, at that time, there was a woman who was going to abort her baby, but our topic for the day was abortion.
"And then she wrote me na, ‘I was going to abort my baby but because I saw your episode, I didn’t abort my baby. And now I’m happy with my child.’
“Sabi ko, ‘Wow!’ Di ba? Parang maraming tao na nakapag-reach out kami.
“We even featured a child na she was a victim of sexual abuse na bata pa. And then, we learned eventually pala na ang bata na na-abuse sexually becomes the predator in the end.
“And we saw the transition! Hanggang sa eventually in-adopt ng show namin yung CRIBS, ginawa naming beneficiary ng show yung CRIBS.”
Ang CRIBS Foundation, Inc. ay "non-profit organization licensed by the Department of Social Welfare and Development (DSWD) providing a loving and safe environment for the abandoned, neglected, surrendered babies and female minor survivors of sexual abuse.”
Dagdag pa ni Dina: “So sabi ko, this is a show, kasi nga na-inspire ako, sabi ko, yung buhay ng asawa ko marami siyang natulungang tao, marami siyang nagawa in his lifetime as a public servant.
“He did not sit there to make himself rich or what, talagang nagsilbi siya. So when my husband died, it opened my eyes a lot.
“Parang, ilang taon na ba ako? Sixty-three ako, 65 ang asawa ko nung namatay.
"Kung ako kaya ang namatay, ano bang masasabi ko kay God?
“Okay, ‘What have you accomplished in your life, Dina? What have you done for the greater glory of My name? What have you done?’
“Parang sapat na ba na meron akong maisasagot?
"Well, I raise kids and I raised them wonderfully, ganyan-ganyan. Naging artista ako, nagpasaya ako ng mga tao. But what have I really done to benefit other people?
“So, parang inisip ko, why not, tutal dream ko ito.”
Mapapanood ang House of D sa official YouTube channel nito simula ngayong Biyernes, July 11, alas singko ng hapon.
Co-host at co-producer ni Dina sa House Of D kasama ang mga anak niyang sina Danica at Oyo Sotto, at ang mga asawa nilang Marc Pingris at Kristine Hermosa, respectively.

