Sentro ng atensiyon muli ang kontrobersiyal na Kamuning Footbridge along EDSA.
Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na gigibain na ito, at may inilaang PHP89,129,402.57 budget para sa rehabilitation nito, kasama ang pagpapatayo ng busway station.
Inilabas ng DOTr ang Invitation to Bid notice kamakailan.
Ang mananalong contractor sa bid ay mayroong 180 days para makumpleto ang project.
Nakalagay sa notice na ang pre-bid conference sa mga interested bidders ay gaganapin sa July 18, 2025, habang ang bidding ay magsisimula naman sa July 30.

Read: EDSA's infamous PHP10-M footbridge gains international attention
NETIZENS REACT
Samu’t sari ang reaksiyon ng netizens sa balitang ito.
Halatang nalula sila sa milyun-milyong budget allocation.
Mataas tuloy ang expectation ng ilang nagkomento—may elevator daw ba ito para sa persons with disability? May escalator? Fully air-conditioned ang walkway?
Pabirong hirit ng isa: “Abot siguro hanggang langit ang tulay na yan.”



Banat naman ng isang female netizen: “Ano yan stainless?”
Sabi ng isa pa: “89 million anong klaseng footbridge purong ginto?”


May pagkasarkastikong komento ng ilang netizens, sana isinagad na raw sa PHP90 million ang budget para wala nang butal.
Tulad nito: “DI PA GINAWANG 90. Nahiya pa.”



May mga nagbanggit ng corruption at may mga nagtanong din tungkol sa transparency.
Pero may ilang netizens na nagtanggol sa presyo ng project.
Paliwanag ng isa, hindi lamang ito para sa pagpapatayo ng footbridge at ng busway.
"Usually government projects aren’t just one thing. It includes everything, including demolition etc kasi buong project.”
Sinang-ayunan ito ng netizen na may karanasan sa bidding projects.
Parte ng kanyang komento: “Kaya basa muna ng bid docs before kami mag-comment sa big bosses.”

May isa pang netizen na ipinagtanggol ang milyun-milyong pisong halaga ng proyekto.
Aniya: “Includes demolition of existing bridge, fabrication and assembly bridge itself, cost of 4 elevators (2 curbside, 2 carousel side), station assembly.”
Hindi raw nakakatulong ang mga headlines na hindi nagbibigay ng konteksto kung para saan gagamitin ang pera.

THE CONTROVERSIAL FOOTBRIDGE
Noong nakaraang buwan, napansin ni Pangulong Bongbong Marcos ang 10-meter-high footbridge at ipinag-utos na tanggalin at palitan ito.
Read: President Marcos notices Kamuning Footbridge; orders its removal
Ang controversial footbridge, na binansagang Mt. Kamuning, ay naging mainit na usapin sa social media dahil sa pagiging matarik nito.
Nakuha pa nito ang atenisyon ng isang foreign dignitary, si Consul General Dirk Janssen, na consulate general ng the Netherlands sa San Francisco. Pinuna niya ang disenyo ng footbridge.
Taong 2018 nang itayo ng Metropolitan Manila Development Authority ang footbridge sa halagang PHP10 million.
