PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female vlogger suspended for driving while "nakabukaka"

Vlogger: "Nabansagan tayong bukaka girl."
by Bernie V. Franco
Published Jul 12, 2025
Cherry White
A vlogger has been slapped with a 90-day suspension of her driver’s license after a viral video showed her in a "bukaka" posture while driving.
PHOTO/S: Cherry White on Facebook

Pinatawan ng 90-day suspension ang driver’s license ng isang female content creator kasunod ng pag-viral ng video niyang nakataas ang isang paa habang nagmamaneho.

Inatasan din siya ng Department of Transportation (DOTr) na magpunta sa Land Transportation Office (LTO) sa July 16, 2025, para i-surrender ang kanyang driver’s license at magsumite ng written explanation kaugnay ng “viral vehicular incident.”

Parte ito ng nilalaman ng Show Cause Order na ipinost ng DOTr sa Facebook ngayong Sabado ng umaga, July 12, 2025.

Pinangalanan din ang vlogger bilang si Cherrylyn Larga Gonzaga, a.k.a. Cherry White.

Pinuna ang content creator dahil sa “iresponsableng pagmamaneho sa kalsada na posibleng ikapahamak ng mga inosenteng road user kabilang ang mga komyuter at pedestrians.”

Saad sa post:

“Based on the information gathered, Ms. Cherry White was seen seated in a casual or lounging posture with one leg raised onto the driver’s seat.

“She appeared disengaged from proper vehicle operation, thereby endangering the safety of other road users.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip nito ang nag-viral na video ng vlogger, na bukod sa itinaas ang kaliwang paa, sumasayaw-sayaw pa habang nagda-drive.

Nanganganib siyang mapatawan din ng reklamong Reckless Driving.

Isinailalim sa “under alarm” ang ginamit niyang kotse habang patuloy ang imbestigasyon.

CHERRY WHITE REACTS

Malinaw namang nakarating na kay Cherry White ang pag-viral ng kanyang video dahil nag-post siya ng reaction ngayong Sabado ng hapon.

Pero nag-react siya sa pagiging laman ng balita ng ilang major news channels.

Wala siyang sinabi tungkol sa violation at sa Show Cause Order ng DOTr.

Kinuha niya rin ang oportunidad na ito para i-promote ang kanyang bleaching cream.

Parte ng video: “Ang daming nagtatanong sa akin, kung totoo daw ba iyan. Tingnan niyo ang itsura ko nakabukaka. Nabansagan tayong bukaka girl.

“Nakabukaka po ako. Ang daming nagtatanong sa akin, napakarami, ha… kung ano daw ang ginamit ko sa singit ko kung bakit ang puti.”

Nagpatuloy ang vlogger sa pagpo-promote ng kanyang produkto at tila walang pagsisisi sa kabila ng reklamong kinakaharap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamakailan lamang, pinatawan din ng 90-day suspension ang driver’s license ng vlogger at businessman na si Josh Mojica.

Nag-viral din ang video ni Josh na kinukunan ang sarili ng video habang nagda-drive sa kahabaan ng EDSA.

Inako naman nito ang pagkakamali at humingi ng sorry.

Read: Josh Mojica sorry after Porsche vlog leads to license suspension

NETIZENS REACT

Hindi natutuwa ang mga netizens sa mga vloggers na nasasangkot sa traffic violations.

Maraming nakukulangan sa 90-day suspension ng driver’s license bilang parusa.

May mga nagkomento ring tila hindi sineseryoso ang traffic o road violations, bagkus, ginagamit ang pagkakataong ito para mag-viral at mapansin.

Sabi ng isang netizen: “Bat suspension lang? Dapat tanggalan ng lisensiya tingnan natin kung may post pa ng ganyan habang nagmamaneho."

Marami ang sumang-ayon dito:

"Revoke na agad license niyan… hambugera eh."

"Papansin lang amp*ta… dep*tang mga content creator ito.”

netizens on vloggers 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hirit ng isang male netizen: “GINAGAWA NA LANG NILANG CONTENT AT PINAGKAKAKITAAN ANG MGA VIOLATIONS NILA.”

Dagdag nito: “DAPAT MAS MABIGAT ANG PENALTY KAPAG ‘DELIBERATE’, YUNG DOBLE NG KIKITAIN NILA SA GINAGAWA NILANG CONTENT.”

Sundot ng isa pa, “90-day suspension for free publicity.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A vlogger has been slapped with a 90-day suspension of her driver’s license after a viral video showed her in a "bukaka" posture while driving.
PHOTO/S: Cherry White on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results