PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang recalls Pinoy Pop Superstar disqualification

"Nabuhay ang aking career."
by Rommel Gonzales
Published Jul 14, 2025
ronnie liang now a Sparkle artist
Ronnie Liang is grateful for a second wind in his career as a Kapuso: "Naalala ako ng mga nakalimot na, nagkaroon ng recall, at medyo nabuhay ang aking career.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales

“Ngayon po ay under Sparkle management ako,” umpisang kuwento ng singer na si Ronnie Liang.

Late 2024 daw siya naging Kapuso, and since then, abala siya sa pagiging aktor.

Aniya: “I’m so thrilled, thankful, grateful sa GMA dahil bago lang ako, kaka-sign ko lang po, last December 8, kaka-pitong buwan ko lang, nakarami na ako.

"Abot-Kamay Na Pangarap, Pulang Araw, and then mga guestings sa mga TV programs, TiktoClock, All-Out Sundays, and Binibining Marikit.

"Tapos Wish Ko Lang—na hindi naman bida, pero kahit mga character actor roles, noticeable and pivotal role na mapapansin, makikilala, makikita, maaalala nila si Ronnie.

“Na iyon nga, aside from being a singer, naging actor na rin and, iyon lang, gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat sa GMA na pinagkatiwalaan nila ako."

ronnie liang became a sparkle talent in December 2024
Ronnie Liang became a Sparkle talent in December 2024.
Photo/s: Sparkle on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapaglaro na rin si Ronnie sa Family Feud show ni Dingdong Dantes.

“Isa na rin iyon sa benefits ng pagiging Sparkle, nagkaroon ako ng mabilis at magandang access sa mga TV programs ng Kapuso."

Parang nagkaroon daw ng second wind ang kanyang two-decade showbiz career.

Sa pagpapatuloy ni Ronnie, "Na naalala ako ng mga nakalimot na, nagkaroon ng recall, at medyo nabuhay ang aking career.”

RONNIE LIANG'S SECOND CHANCE AS KAPUSO

Noong October 2024 daw siya muling nakatuntong sa bakuran ng GMA Network.

"I’m so happy that nakauwi ako ulit sa dati kong tahanan, like a prodigal son,” at tumawa si Ronnie bago sinabing, “though mabait naman na son."

Saka niya inungkat ang nangyari almost 20 years ago.

Maituturing na comeback niya ito dahil una siyang nakilala noong naging contestant sa Pinoy Pop Superstar taong 2006.

Ronnie Liang as Pinoy Pop Superstar contestant
Ronnie Liang as Pinoy Pop Superstar contestant
Photo/s: Screen Grab from Pinoy Pop Superstar
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang host, at ilan sa mga kalaban ni Ronnie noon ay sina Aicelle Santos, Daryl Ong, at Gerald Santos, na siyang naging champion ng season 2.

"Bumalik ako, tama... Ang masasabi ko, kahit pala saan ako mapunta, Kapuso pa rin pala talaga ako. And dadalhin ko ang pagiging isang Kapuso.

"Thank you sa GMA, sa kabila ng mga nangyari noon, tinanggap pa rin nila ako.

“Sa kabila ng mga nangyari noon na hindi ko naman kasalanan, hindi ko sinasadya, pero salamat sa pag-unawa, pagtitiwala, pagmamahal, pagpapatawad.

"Salamat sa pagpapairal ng puso sa akin."

Na-disqualify noon si Ronnie sa contest dahil mayroon siyang manager.

"Ginalang ko ang desisyon ng pamunuan,” aniya.

“Actually na-teary-eyed ako na nahiya ako dahil nga sa nangyari, pero sa kabila noon tinanggap nila ako.

"At parang iyon nga, thankful ako na tinanggap nila akong muli ng dalawang kamay."

Pagkatapos noon, nagpunta si Ronnie sa ABS-CBN at naging Kapamilya, nagkaroon din siya ng shows sa TV5.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RONNIE LIANG ON GMA-7 AND ABS-CBN COLLABORATIONS

Ikinagulat ba niya na muli siyang tinanggap ng GMA-7 at ng Sparkle GMA Artist Center?

Aniya: "Oo. Approved kaagad, nabalitaan ko. Laking tuwa ko. Hindi ako makapaniwala, finally nakabalik ako sa GMA studio.

"Nakita ko yung mga dating tao din, mga taga-production na nakasama ko before, andun pa rin sila.

"Yung mga director noon, yung director ng TiktoClock na dating direktor ng Pinoy Pop Superstar that time din,” pagtukoy ni Ronnie sa Kapuso director na si Louie Ignacio.

Aware rin si Ronnie sa mga collaborations ng GMA-7 at ABS-CBN, tulad na lamang ng katatapos na Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.

“Iyon ang kagandahan. Finally yung pinagdadasal namin, na kaming mga artista ay magiging malaya kami na nakatawid, na wala ng network war, ay natupad.

“It’s not perfect, but I believe it’s doing well. Thank you sa dalawang istasyon na nagkaroon ng tulay, nagkaroon ng healthy relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Though I believe meron pa ring competition when it comes to ratings, but still, hindi na namin ganung nararamdaman yung mga restriction.”

Dahil isang tagumpay, malamang magkaroon ng part 2 ang PBB Celebrity Collab Edition. Kung sakali ba ay nais ni Ronnie na maging housemate sa Bahay Ni Kuya?

“Gusto ko,” mabilis na sagot ni Ronnie.

“Actually nagbo-volunteer ako noon, e. Payag ako.

“Kaya ko iyan, nakayanan ko nga dun dati sa Pinoy Dream Academy, ikinulong din naman ako ng 120 days.

"Ang pagkakaiba lang noon may kantahan. Ang PBB, mga tasks.

"Ikatutuwa ko kapag napili akong maging housemate.”

Sa ngayon ay nasa GMA Afternoon Prime series na Akusada si Ronnie.

“Ako po si Damian, isa sa mga gumaganap. Siya ay tahong farmer, manliligaw kay Ms. Carol, si Andrea Torres, na nagsumbong kay Andrea kaya siya naging akusada.

"Dahil hindi niya ako sinagot, sumama ang loob ko.

"And ito ay mga bagong pagganap sa akin. Alam niyo naman ang image ko, and this is a challenging role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Importante ang kanyang papel dahil siya kumbaga ang naging whistleblower.

Napapanood tuwing alas kuwatro ng hapon, kasama nila sa Akusada sina Lianne Valentin at Benjamin Alves, sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang is grateful for a second wind in his career as a Kapuso: "Naalala ako ng mga nakalimot na, nagkaroon ng recall, at medyo nabuhay ang aking career.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results