Kinakiligan ng netizens ang palitan ng mensahe ni Ruffa Gutierrez at ng kanyang ex-husband at Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.
Sa Instagram noong July 14, 2025, nag-post si Yilmaz ng kanyang larawan habang nagbabakasyon.
Sabi niya sa caption: "2025 summer vacation"
View this post on Instagram
Unang nagkomento rito si Ruffa.
Ang inilagay niya ay tatlong fire emojis.
Sumagot naman sa kanya ang ex-husband.
Biro ni Yilmaz, bakit daw nakabantay si Ruffa sa kanyang in-upload. Pero nagpasalamat ito sa pag-like ni Ruffa sa kanyang larawan.
Sabi ni Yilmaz, "Why are you still following my pictures? Thank you for liking it."

Paliwanag ni Ruffa, iyon din daw kasi ang larawang ipinadala ni Yilmaz sa kanya.
Aniya, "because it's the exact same photo you sent me. [laughing emoji] check your msgs please."
Paliwanag naman ni Yilmaz, gusto niyang hingin ang opinyon ni Ruffa bago niya i-post ang nasabing larawan.
Saad nito, "Because I wanted to get your opinion before publishing it."

Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
NETIZENS GET THE KILIG VIBES ON RUFFA AND YILMAZ interaction
Kinilig naman ang maraming netizens sa palitan ng mensahe nina Ruffa at Yilmaz.
Saad ng isa, "Please win her back !!! @iloveruffag , kayo na lang ulit please (heart emojis)"

Sabi naman ng isa, "akoyyy kinikilig kilig sa Inyo dalawa!"

Masyadong cute co-parents naman daw ang dalawa, ayon sa obserbasyon ng isang netizen.
Ayon dito, "You guys are too cute as co-parents, bet both of your girls are feeling giddy and giggling with your casual relationship (because we feel the same!!) just like high school sweethearts!"

Narito pa ang komento ng ilang netizens:

Noong March 2025, sinabi ni Yilmaz na matutuloy ang kanyang pagbisita sa Pilipinas "soon."
Read: Yilmaz Bektas confirms news about visiting the Philippines
Pero sa huling panayam kay Ruffa, mukhang hindi na daw matutuloy ang pagpunta ni Yilmaz sa bansa.
Read: Ruffa Gutierrez, di na bibisitahin ni Yilmaz Bektas sa Pilipinas?
