Ipinaalala ni Awra Briguela na mali ang pag-misgender sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Ito ang ipinarating ni Awra sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story kagabi, July 16, 2025.
Ibinahagi niya ang post ng loveyourself.ph tungkol sa misgendering,
Kalakip nito ang larawan ni Awra na kuha noong senior high school graduation niya na napapatungan ng mga komento ng ilang netizens kaugnay ng sensitibong paksa tungkol sa misgendering.
Tanong sa nasabing post: "NARINIG MO NA BA 'TONG MGA 'TO: HERcules, Gooding, Mamser?"
Ang mga salitang "HERcules, Gooding, Mamser" ay mga salitang ibinabato ng ilang netizens sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community, partikular na sa gays at trans women.
Sabi sa isang komento: "Habang iniisip ng iba na 'wala lang yan' ang totoo, ito'y anyo ng homophobia at transphobia."
Dagdag ng isa pang netizen, "Mga salitang resulta ng maling pagtingin ng society sa mga identities ng mga tao."
Mababasa naman sa isang komento: "We all deserve to be seen, heard, and called by our name and pronouns."
Komento pa ng isa, "Misgendering is a form of disrespect."
Konklusyon ng post ng loveyourself.ph: "At kung kaya mong sabihin ang mga salitang ito, sana mas kaya mong gamitin ang pronouns na naayon sa pagkakakilanlan ng isang tao sa kaniyang sarili."

Hindi binanggit kung ano ang pinagmulan ng post na ito tungkol sa misgendering, ngunit kamakailan ay nag-viral ang pagtawag ng isang content creator kay Awra ng "bro."
Ito ay matapos i-address ng isang news site si Awra bilang "her" sa nailathalang artikulo.
Read: Awra Briguela camp claps back at content creator over "bro" tag
Awra briguela thanks VICE GANDA
Sa isa pang post ni Awra sa Instagram Story, ipinakita naman niya ang mensahe ni Vice Ganda sa kanyang pagtatapos.
Mababasa rito: "Congratulations!!!! Never mind the noise. Focus on your win. Love u!"
Malaki ang pasasalamat ni Awra kay Vice dahil ito ang naging daan upang bumalik siya sa kanyang pag-aaral.
At katulad ng payo ni Vice, hindi na raw niya papansinin ang anumang batikos at panglalait sa kanya dahil "noise" lamang daw ito.
Buong mensahe ni Awra: "Thank you so much My Lovely Muder, I wouldn't even be here if it weren't for you.
"I promise I'll keep focusing on the love and the people who truly matter just like you taught me.
"The rest? They're just background noise.
"I love you so much My Lovely Muder."
Read: Awra Briguela graduates from senior high school

Read: Awra Briguela clarifies viral post on Facebook not hers
