Tuluyan nang tatalikuran ni SexBomb Cheche Tolentino ang showbiz at aalis na sa Pilipinas.
Read: SexBomb Girls admit past clashes: "Iba-iba kami ng character."
Ang dahilan ay para sundan ang kanyang pag-ibig sa U.S.
Ito ang ibinahagi ni Cheche sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Lahad niya, “Kasi po ngayon, ako, nag-apply na ako sa fiancé visa… Tayo’y magpapakasal na. Wow! Ha! Ha! Ha!"
Isang Pinoy na nakabase sa U.S. ang kasintahan ni Cheche, at doon na sila maninirahan kapag kasal na sila.
Naging magkasintahan si Cheche at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jek mula taong 2022.
Nag-propose kay Cheche si Jek habang sila ay nagbabakasyon sa Japan noong May 2024.
Mahirap ba para sa kanyang iwanan ang Pilipinas?
Sagot ni Cheche, “Iyon nga po. Pero babalik-balik po tayo.”
Si Cheche ay isa sa mga orihinal na miyembro ng SexBomb Girls, na sumikat sa noontime show na Eat Bulaga! noong 2000s.
Kung saka-sakali, babalik siya sa Pilipinas para sa posibleng reunion concert ng SexBomb ngayong taon.
Read: CEO's wife deletes social media after viral kiss cam moment
CHECHE TOLENTINO WITH FELLOW SEXBOMB GIRLS
Nakausap ng PEP si Cheche sa official launch ng “MamaMo” sa Quirino Elementary School sa Quezon City, noong June 25, 2025.
Huling raket na raw ni Cheche sa Pilipinas ang pagiging miyembro ng “MamaMo,” ang All-Mama P-pop girl group na nag-eendorso ng Surf2Sawa, na prepaid fiber Internet ng Converge.
Kasama niya rito ang kapwa SexBomb girls na sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia, pati na ang Kapamilya comedienne-host na si Melai Cantiveros.
Dapat ay nasa Amerika na raw si Cheche, pero hindi muna siya umalis dahil sa naturang work commitment.
"Yes! Dahil mahal na mahal ko po ang Surf2Sawa mag-i-stay po ako hanggang merong event ang Surf2Sawa," bulalas ni Cheche.

