PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gary Valenciano's "full-circle moment" in Joseph The Dreamer

Gary: "Even if ikaw ang may kasalanan, there’s still this hope na magbago."
by Rose Garcia
Published Jul 19, 2025
Gary Valenciano reprises role as Jacob in Joseph The Dreamer
Gary Valenciano on how Joseph The Dreamer keeps him on his toes: "Sa totoo lang, yung dress rehearsal namin kanina, nagkamali pa ko. Pero medyo naagapan ko naman yung pagkakamali ko. And I’m just thankful na it’s never the same. There’s never the exact same performance.”
PHOTO/S: Rose Garcia / @jdthemusical IG

Unang gumanap bilang Joseph sa Joseph The Dreamer, The Musical si Gary Valenciano noong taong 1999-2000.

Ngayong 2025, gaganap naman si Gary bilang ama ni Joseph na si Jacob—na una niyang ginampanan noong 2022.

Mapapanood ang huling staging nito ngayong Linggo, July 19, 2025, sa Carlos P. Romulo Theater sa RCBC Plaza sa Makati City.

"You know, full circle talaga when I played the son before, Joseph. Now, I play the father," bungad na lahad ni Gary.

"In real life, hindi lang ako father, I’m also a grandfather. Kaya ang lalim-lalim talaga ng tama sa akin to do this again.

"And I’m thankful. Habang kaya pa ng katawan ko, sige, gawin ko nga,” lahad niya.

Sabi pa ni Gary, "At saka yung timing ng musical na ito, [it] happened sa panahon na ito with so much happening in the world. So much going on sa foundation ng family. I think, it’s time na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang anak ni Gary na si Paolo Valenciano ang director ng musical play na iprinodyus ng Trumpets.

Read: Klea Pineda reveals breakup with Katrice Kierulf

GARY VALENCIANO ON GIVING HIS BEST WITH EACH PERFORMANCE

Sa pagpapatuloy ng panayam kay Gary, ibinahagi niya na sumakto ang timing ng staging ng Joseph the Dreamer, The Musical sa kanyang schedule.

Wala raw siyang ka-alternate para sa role niya na Jacob.

Pero sa role na Joseph, alternate sina Sam Concepcion at Jordan Andrews.

"It gives me a fresh take, always. It’s never the same," ani Gary.

"So yung ginawa ko kanina with Jordan, masaya ko. Then, mamayang gabi, with Sam, iba naman.

"Sa totoo lang, yung dress rehearsal namin kanina, nagkamali pa ko. Pero medyo naagapan ko naman yung pagkakamali ko.

"And I’m just thankful na it’s never the same. There’s never the exact same performance.”

Kahit ilang beses na raw siyang gumanap bilang si Jacob, nananatiling hamon daw para kay Gary kung paano bibigyang-buhay ang kanyang karakter.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ginawa ko una, 2022, pero parang every performance parang hindi pa ko sure sa ginagawa ko.

"I would always go to Paolo... Paolo would say, 'Hey Dad, this is okay. This needs to improve. This, puwede mong gawin ‘to. Imbes na ganito, baka puwedeng ganito ang pagka-atake ng linya na yon.'

"So, I was doing that back then. This one, hindi ko alam. Pati sa rehearsals, it just feel so natural, me as a dad.”

Gary Valenciano and Sam Concepcion play Jacob and Joseph in Joseph The Dreamer
Sam Concepcion and Gary Valenciano play Joseph and Jacob, respectivel, in Joseph The Dreamer.
Photo/s: @manilagenesis Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo

JOSEPH THE DREAMER

Hango ang Joseph The Dreamer sa Bible story tungkol kay Joseph, ang ika-11 na anak ni Jacob, na ibinenta ng mga kapatid niya para maging alipin sa Egypt.

Dumanas ng matitinding pagsubok si Joseph, pero dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagiging masigasig sa trabaho, kalaunan ay nakuha niya ang bilib at tiwala ng pharaoh na itinalaga siyang governor sa Egypt.

Naging daan ito para muling magkrus ang landas nina Joseph at kanyang mga kapatid, na pinatawad niya sa kabila ng pagmamalupit ng mga ito sa kanya.

Na-reunite rin si Joseph sa amang si Jacob na lubos ang sayang makitang buhay siya makalipas ang mahabang panahong pagkakawalay sa isa't isa.

Ang kuwento ni Joseph ay isa sa pinakasikat na kuwento mula sa lumang aklat ng Bibliya.

Para kay Gary, relevant pa rin ito dahil maraming kuwento ng mga pamilyang "may mga strange relationships."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasalamin daw ng musical play na posible ang "reunification of the family" gaano man kalalim ang sugat ng pagkakawatak-watak.

Hiling ni Gary na mas marami ang makapanood ng musical at maka-appreciate ng kuwento mula sa Bibliya.

"You’ll understand the book [of Genesis]," saad niya.

"Kaya isa sa paborito kong linya sa mga linya ni Jacob, 'Joseph, God is using you to remind me that there’s this hope, even for the worst of us.'

"So even if you feel guilty na ikaw ang may kasalanan, ikaw ang may kagagawan ng gulo, there’s still this hope na magbago.

"So Joseph I think is the perfect example."

Gary Valenciano and Sam Concepcion play Jacob and Joseph in Joseph The Dreamer
The cast of Joseph The Dreamer
Photo/s: @manilagenesis Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GARY VALENCIANO ON AUTHENTICITY

Sa kabilang banda, pinaalala ng awtor na ito kay Gary na nasabi niya sa huling presscon niya para sa concert na Gary V's Pure Energy: One More Time na iyon na ang huling beses na magko-concert siya sa isang malaking venue.

Pero sinabi rin noon ni Gary na gagawa pa rin siya ng mga proyekto na maaaring mas maliliit na proyekto pero "uplifting and encouraging" para sa mga tao.

Read: What Gary Valenciano tells crowd before ending his concert

"This is one of the many that I’ll be doing," nakangiting pagkumpirma ni Gary.

"In fact, yung concert tour kasi sa States, it’s called Inspired. It’s in a casino, pero pumayag sila, 'Inspired, inspirational, sure, bring him over.'

"You know, it’s those moments at marami na akong nabalitaan talaga, especially among the young ones. Ang hinahanap nila yung performance maganda, yung singer magaling, yung actor, magaling.

"Pero ang hinahanap nila is authenticity. That’s really the name of the game now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapalaki o maliit na performance, handa pa rin daw si Gary gawin basta makitaan niya ito ng authenticity.

Si Gary ay nasa ika-40 taon na niya sa kanyang karera sa entertainment industry.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Valenciano on how Joseph The Dreamer keeps him on his toes: "Sa totoo lang, yung dress rehearsal namin kanina, nagkamali pa ko. Pero medyo naagapan ko naman yung pagkakamali ko. And I’m just thankful na it’s never the same. There’s never the exact same performance.”
PHOTO/S: Rose Garcia / @jdthemusical IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results