PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda skips work to play in the rain with Nanay Rosario

Vice Ganda on playing in the rain: "Yan talaga yung ‘living my best life’!"
by Arniel C. Serato
Published Jul 22, 2025
Vice Ganda plays in the rain with Nanay Rosario
It's Showtime host Vice Ganda relives his childhood by playing in the rain with mom Rosario Viceral and other loved ones: "Bukas may trabaho pa ko. Pero di ko alam kung bukas uulan pa. Di din ako sigurado kung makakapaglaro pako sa ulan kasama ang Nanay ko. Kaya ngayon na."
PHOTO/S: Instagram

Ipinahayag ni Vice Ganda ang simpleng kasiyahan na kanyang naramdaman nang maligo siya sa ulan kasama ang inang si Rosario Viceral at ilang kaanak.

Tila bumalik sa pagkabata si Vice dahil madalas daw niyang ginagawa ang paliligo sa ulan noong kanyang kabataan.

Sa Instagram kahapon, July 21, 2025, ikinuwento ni Vice na pagkagising ay nakita niyang malakas ang ulan.

Ang unang pumasok daw sa isipan niya ay maligo sa ulan.

Kaya naman dali-dali siyang bumangon at pinuntahan ang bahay ng ina.

Kasunod nito ang paliligo nila ni Nanay Rosario sa ulan kasama ang ilan pang kamag-anak.

Sabi ni Vice, published as is, "Gumising ng maaga para magtrabaho. Malakas ang ulan. Naisip ko ung mga araw na naglalaro ako sa ulan.

"Ang saya nung mga araw na yun. Napaisip ako kung anung gusto ko sa sandaling yun. Bumangon ako.

"Pero di ako dumiretso sa trabaho. Pumunta ko sa bahay ng Nanay ko at inaya ko syang maligo sa ulan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw matatawaran ang sayang naramdaman ni Vice noong mga oras na iyon.

Ang inisip lang daw niya noon ay ang makasama ang ina.

Alam daw niyang may trabaho pa siya kinabukasan, pero hindi raw sigurado kung may ulan pa o uulan pa kinabukasan.

Pagtatapos ni Vice, "Napakasaya. Di matatawaran. Sa oras na to gusto ko lang makasama ang Nanay ko at bumalik sa pagkabata . Ang sarap.

"Bukas may trabaho pa ko. Pero di ko alam kung bukas uulan pa. Di din ako sigurado kung makakapaglaro pako sa ulan kasama ang Nanay ko.

"Kaya ngayon na. Ngayon na. #EtoAngTotoongPriceless"

Ngayong Martes, July 22, sinagot ni Vice ang tanong ng isang netizen sa X (dating Twitter) tungkol sa video kung saan naliligo siya sa ulan at nagpagulung-gulong pa sa kalsada.

Saad ng netizen, "Meme bakit ka naman gumugulong sa kalsada HAHAHA ems"

Sagot ni Vice, "Yan talaga yung ‘living my best life’!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda, binuweltahan ang bashers ng kanyang mga pelikula

RYAN BANG, OTHER CELEBS REACT TO VICE GANDA'S POST

Isa sa unang nagkomento sa post ni Vice ay ang kanyang anak-anakan na si Ryan Bang.

Ang inilagay ni Ryan ay smiling face with heart eyes emojis.

Sabi ni Vice kay Ryan, "anak ko bago ka magpakasal sana maranasan nating maligo sa ulan. Ang saya nak. Masarap sa puso."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Celebs react to Vice ganda's post

Tugon ni Ryan, "awwwww yes mommy ko!! Gawin natin. love you so much and forever"

Celebs react to Vice ganda's post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba pang nakiayon sa post ni Vice ay sina Jackie Gonzaga, KC Concepcion, Darren Espanto, Alexa Ilacad, Vina Morales, Ogie Alcasid, Eugene Domingo, at Kyline Alcantara.

Celebs react to Vice ganda's post
Celebs react to Vice ganda's post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ina ni Paolo Tantoco, nagsalita na tungkol sa pagkamatay ng anak

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda relives his childhood by playing in the rain with mom Rosario Viceral and other loved ones: "Bukas may trabaho pa ko. Pero di ko alam kung bukas uulan pa. Di din ako sigurado kung makakapaglaro pako sa ulan kasama ang Nanay ko. Kaya ngayon na."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results