PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Graduate cries discrimination during commencement exercises

"Ramdam namin kung sino lang ang pinahalagahan noong araw na iyon.”
by Bernie V. Franco
Published Jul 22, 2025
graduation
“Ang nangyaring malinaw na diskriminasyon sa pagitan ng may honors at wala? Hindi na tama. Hindi makatarungan," laments uploader, who says parents of graduates without Latin honors were not allowed to walk with their kids onstage and did not get the chance to have their photos taken with the graduates in their toga.
PHOTO/S: City of San Jose del Monte Public Information Office on FB

Discrimination sa graduates na walang Latin honors.

Ito ang hinaing ng isang graduate mula sa City College of San Jose Del Monte, sa Bulacan, sa nangyaring commencement exercises noong July 18, 2025.

Sa isang Facebook post, ipinarating ng male graduate ang hinaing niya at iba pang kapwa nagsipagtapos na walang Latin honors.

Himutok ng graduate sa kanyang post, hindi raw pinayagan ang mga walang Latin honors na magmartsa sa entablado kasama ang kanilang mga magulang.

Ayon sa kanya, dapat ay unforgettable ang graduation para sa graduates at kanilang mga magulang.

“Isang araw ng selebrasyon, pasasalamat, at pagkilala sa hirap, hindi lang ng graduates, kundi ng bawat pamilyang nagtaguyod sa amin,” bahagi ng post ng graduate/uploader noong July 19, 2025.

“Pero para sa maraming estudyante ng City College of San Jose Del Monte Batch 2025, lalo na sa mga walang latin honors, hindi ganoon ang nangyari.

“Ramdam na ramdam namin kung sino lang ang pinahalagahan noong araw na iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauunawaan daw niya ang pagkilala sa graduates na may Latin honors, “Pero ang nangyaring malinaw na diskriminasyon sa pagitan ng may honors at wala? Hindi na tama. Hindi makatarungan.”

NON-LATIN HONOR STUDENTS WITHOUT PARENTS

Idinetalye ng uploader na si Angelito kung ano ang ikinasama ng kanyang loob.

Tulad nilang mga graduate, pinaghandaan daw ng kanilang mga magulang ang araw na iyon.

Nag-ayos daw ang mga magulang para samahan ang mga anak nila sa pagmartsa papunta sa entablado.

Subalit laking gulat daw nila nang ipaalam na hindi pala paaakyatin ang kanilang mga magulang.

Pagdedetalye niya (published as is), “Yung may mga latin honors, pinayagang maglakad sa stage kasama ang magulang, umupo malapit sa kanila, nakapagpicture, nayakap, at talagang na-enjoy ang buong graduation experience.

“Pero kami? Walang abiso. Walang malinaw na paalala.

“We came excited, proud, and full of hope. Yung mga magulang namin, nag ayos, nagbihis, dumating sa tamang oras, at naghintay nang matagal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero pagdating sa venue hindi pala pwedeng sumama ang magulang namin sa stage.

“Pinaupo lang sa bleachers sa taas, malayo sa amin. Hindi pinayagang pumasok sa loob kung nasaan ang mga graduates.”

Hinaing pa niya, “Wala manlang pagkakataon para makalapit. Walang pictures. Walang alaala kasama ang magulang.”

Hindi raw dito nagtatapos ang pagkadismaya niya at iba pang mga graduate.

Pagkatapos ng programa, ang akala raw nila ay makakapagpa-picture sila kasama ang mga magulang suot ang kanilang mga toga.

“Pero hindi rin pwede kasi kailangang isauli agad ang toga bago lumabas,” sabi nito.

“So kahit isang maayos na photo with our parents habang naka-toga? WALA.”

Nakakaantig ang sumunod na mensahe ng uploader: “Umuulan pa sa labas. May mga magulang na nakatayo, na basa, nakikiusap kahit konting minuto lang makalapit sa anak nila pero hindi pinakinggan.

“May iba na sinagot pa nang pabalang. Parang hindi sila bahagi ng tagumpay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sakit. Ang graduation ay hindi lang para sa may medal. Ito ay tungkol sa pagkilala sa bawat kwento, bawat hirap, at bawat sakripisyo.”

Nag-iwan ng mensahe ang uploader sa kapwa niya graduates na nadismaya at nasaktan sa araw ng kanilang graduation.

Mensahe niya (published as is): “To the students who walked alone,

“To the students who felt left out,

“To every parent who stood in the rain, hungry and tired,

“You deserved better. You deserved to be there, not behind and not outside but right there, beside us. You should’ve seen. You should’ve been respected.”

Ganito tinapos ni Angelito ang kanyang post, “Mula sa isang graduate na walang medalya pero may boses. At may magulang na dapat nandoon, hindi lang para manood, kundi para makasama.”

Sa comments section, bumaha ng pagbati at pakikisimpatiya para sa uploader.

Nakiisa sila sa bittersweet na pinagdaanan ng newly graduate.

Libu-libo ang reactions at shares at daan-daan ang comment ng kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: YouTuber laments about being ugly; finds love in comment section

CITY COLLEGE OF SAN JUAN DEL MONTE ISSUES A STATEMENT

Nakarating iyon sa pamunuan ng City College of San Jose Del Monte.

Naglabas ng official statement ang kolehiyo nitong July 20, 2025, via Facebook.

Itinanggi nilang hindi inabisuhan ang graduates sa flow ng programa, tulad ng hindi pagpapalakad sa ibang mga magulang.

Hindi malinaw kung kailan ang eksaktong oras na ipinaalam sa mga estudyante ang tungkol sa panuntunan sa graduation ceremony.

Gayunpaman, pinakinggan daw ng kolehiyo ang hinaing ng mga estudyante at tiniyak na ia-address nila ito.

Narito ang kabuuang pahayag ng kolehiyo:

“The College Administration acknowledges the feedback and concerns raised by some of our students regarding the recently concluded graduation ceremony.

“We appreciate your passion and commitment to making our events meaningful and memorable for everyone.

“Prior to the ceremony, students were duly informed and oriented about the guidelines, including the dos and don’ts during the event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“These measures were put in place to ensure the program ran as smoothly as possible while maintaining order, safety, and respect for all attendees.

“That said, we are not deaf to your suggestions. The College values the voices of its students, and we will carefully evaluate your concerns to determine how we can improve future events.

“Rest assured, your feedback will be taken into consideration as we plan for upcoming programs.

“We extend our sincerest congratulations to the Class of 2025 and thank everyone for their cooperation in making the graduation ceremony a success.”

City College of San Jose Del Monte official statement
Photo/s: City College of San Jose Del Monte via Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Ang nangyaring malinaw na diskriminasyon sa pagitan ng may honors at wala? Hindi na tama. Hindi makatarungan," laments uploader, who says parents of graduates without Latin honors were not allowed to walk with their kids onstage and did not get the chance to have their photos taken with the graduates in their toga.
PHOTO/S: City of San Jose del Monte Public Information Office on FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results