PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Man saves toddler from broken drainage in Quezon City

His heroic act is noticed by Anne Curtis, who exclaims, "Nakakabilib talaga."
by Bernie V. Franco
Published Jul 23, 2025
viral flood boy
A three-year-old boy fell into a wide hole, part of a drainage system under construction. A man in a white sando tried to catch the falling boy, and, without hesitation, jumped into the drainage system.
PHOTO/S: Facebook

Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang kabayanihan ng isang lalaki matapos iligtas ang isang batang paslit na nahulog sa imburnal.

Makapigil hininga ang eksenang nakuhanan ng video.

Umuulan at umaagos sa kalsada ang tubig baha.

Makikita ang isang bata na tumatakbo nang bigla itong nahulog sa isang malaking hukay na sumasalo sa malakas na agos ng tubig.

Hindi napansin ng bata ang butas dahil sa taas ng baha sa kalsada.

Mabilis na kumilos ang isang lalaking naka-white sando at tumalon sa ginagawang drainage system para sagipin ang bata.

Nagtipon ang mga tao. Maririnig ang sigawan.

Sa ilang saglit, naiangat ng lalaki ang paslit at nailigtas ito.

Ang video ay viral na ngayon.

Tinawag ng netizens na totoong bayani o real-life hero ang sumagip sa bata.

man in sando
Netizens praise man in white sando for rescuing toddler from water-filled hole. Who is he?
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging si Anne Curtis ay napa-comment sa kabayanihan ng lalaki.

Gamit ang verified account niya sa Instagram, ani Anne: "What that man did was incredibly brave. He didn’t think of himself. He just jumped in to save a child he didn’t even know. That kind of selflessness is rare these days.

“Honestly, he’s a real-life hero, and stories like this remind us that courage and compassion still exist in the world. Nakakabilib talaga."

anne curtis comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang social-media influencer din ang pinapahanap ang bayani.

Read: Graduate in Bulacan cries discrimination during commencement exercises

FATHER AND SON

Ang insidente ay nangyari noong July 21, Lunes, sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, ulat ng DZRH News ngayong araw, July 23.

Kinilala ang batang paslit bilang si John Paul, 3.

At ang lalaki ay si Jay Mar Pedral, na tatay pala ni John Paul.

Matapos kanselahin ang mga klase noong Lunes, lumabas ng bahay si Jay Mar, isang construction worker, para sunduin ang kanyang anak sa school.

Nung umalis siya, nakita raw niyang naliligo sa ulan ang bunso.

Nasa loob naman ng bahay ang misis at nagluluto ng pagkain.

“Hindi ko alam na sumunod pala sa akin,” sabi ni Jay Mar.

Habang tumatakbo sa pedestrian para habulin ang ama, nahulog ito sa ginagawang drainage system.

Makikita sa video na walang harang ang butas.

“Paglingon ko po doon nung nakita ko pong pahulog na, hinabol ko po yung bata,” kuwento ni Jay Mar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman daw siya nagdalawang isip na tumalon sa imburnal, at ang tanging nasa isip nung mga panahong iyon ay iligtas ang anak.

Sinabi nitong nagkahiwalay pa sila ng anak sa ilalim ng drainage system.

Ipinakita rin ni Jay Mar sa interview ang mga sugat na tinamo niya sa ulo at tuhod.

interview
As it turns out, the man who jumped into the drainage system was actually the toddler's father.
Photo/s: DZRH
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinansin naman ng radio news anchors na sina Anthony Taberna at Gerry Baja na nagkaroon na ng metal railings ang drainage system na under construction.

Puna nila, dapat ay standard operating procedure na maglagay na agad ng safety measures kapag may ongoing construction.

Sinabi naman ni Jay Mar na ligtas na ang kanyang anak subalit mukhang nakainom ito ng maruming tubig matapos mahulog sa imburnal.

Read: Woman extorts PHP503M from monks; uses sex videos for blackmail

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A three-year-old boy fell into a wide hole, part of a drainage system under construction. A man in a white sando tried to catch the falling boy, and, without hesitation, jumped into the drainage system.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results