PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN reporter unfairly accused of throwing shade at Nico Waje

Katrina: "...reporters should never indulge in being treated as celebrities."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 26, 2025
ABS-CBN reporter Katrina Domingo under fire for allegedly throwing shade at Nico Waje
Some netizens picked up ABS-CBN reporter Katrina Domingo’s (left) post saying “reporters should never indulge in being treated as celebrities.” They began saying it was a subtle shade at GMA Integrated News reporter Nico Waje (right), who recently went viral online for his selfie-style reporting.
PHOTO/S: Screengrab ANC24/7 on YouTube/GMA News on TikTok

Pinuputakti ngayon ng batikos ang ABS-CBN reporter na si Katrina Domingo matapos siyang pag-isipan ng masama ng ilang netizens.

Diumano'y pinasaringan nito ang GMA Integrated News reporter na si Nico Waje.

Huwebes, July 24, 2025, nag-post sa X (dating Twitter) si Katrina ng isang pagpapaalala ng mga kasamahang batikang reporter tungkol sa pagsikat sa social media—na mala-celebrity—ng mga gaya niyang dyornalista.

Bukod sa kasikatan, advice pa ng mga veterans, hindi nakabatay sa panglabas na hitsura ang pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo para maghatid ng balitang totoo.

Mababasa sa post ng ABS-CBN reporter (published as is): "Grateful for veteran & senior journalists who have been reminding us that reporters should never indulge in being treated as celebrities — and that we should focus on our body of work instead of clout.

"Journalist or not, may we be judged on our substance, not our appearance."

ABS-CBN reporter accused of shading GMA's Nico Waje
Photo/s: Screengrab Kat Domingo on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga netizen na agad sang-ayon sa pahayag na ito ni Katrina.

Ayon naman sa isa pang netizen, maraming reporter ang hindi plinano o sinadya ang kanilang pagsikat sa social media.

May mga nakakapansin lang daw talaga sa mga ito dahil sa nakikita ritong gilas na kalauna'y napapatungan na ng clout.

Buong komento ng netizen: "To be fair, the reporter isn't the one putting himself out there. He's just doing his job the best way he can. It's the news outlet trying to milk this trend for clout, syempre di naman sya makakahindi."

Dito na pumasok na maaaring nadaplisan sa usapan ang GMA-7 at ang reporter nitong si Nico Waje dahil kamakailan lang ay uminit ito nang husto sa social media.

Mabilis itong sinagot ni Katrina ng: "Agree that the reporter should not be blamed for it. Just to put it on record, okay kami, wala kaming bad blood or bitterness contrary to how others are making it seem."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ng nasabing netizen: "You're doing great work, Kat! Tuloy lang! Ang mga journo naman sa field sama-sama at magkakaibigan. Wag pansinin ang mga duwag na alt accounts."

Read: Nico Waje has the best reaction to his viral typhoon updates

Netizens Criticize Katrina’s Post

Bagamat may sumang-ayon ay hindi rin naman nawala ang mga kumuwestiyon sa post ni Katrina.

Komento ng isang netizen: "Funny how some people preach humility when what they’re really feeling is bitterness. Being treated like a celebrity isn’t a sin, and let’s be real, it’s not even the journalist’s choice. It’s a reflection of the audience’s respect."

Ito ang tinukoy na ni Katrina nang sinabi niyang ""Agree that the reporter should not be blamed for it." Kaya napukaw ang atensiyon ng ABS-CBN reporter at kanyang ni-reply-an.

Pagpapalawig niya, sinasang-ayunan niya ang pahayag na wala namang kontrol ang isang dyornalista sa kanyang pagsikat, lalo na kung sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hindi raw matanggap ng reporter ay ang palabasin na bitter siya at nasasabi lamang niya ito dahil may isyu siya sa kapwa niya reporters—mapasa-ABS-CBN man o GMA-7.

Ani Katrina: "Totally agree that the journalist should not be blamed kasi wala naman siya control sa comments.

"But disagree sa bitterness part coz wala kaming issue personally. Even Kapuso reporters are liking and sharing the statement coz we all respect our craft."

Solidong punto mula sa isang dyornalista tungkol sa kanyang propesyon.

Ngunit, dahil may netizens na mahilig magmadunong, sa puntong ito'y nagsunud-sunod na ang natanggap na batikos ni Katrina.

Sabi ng isang suspetyosong netizen: "'We all respect our craft' pero amoy na amoy namin pagka inggit niyo sa mga taga GMA hahahaha."

Hirit ng isa namang nagpaka-judge: "The typical filipino attitude. Inggeterang froglet."

Hirit pa ng isang akala mo'y insider: "OA! Sorry kung natapakan pagka reporter mo!!! Pero congratulations, kilala ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Is this shade thrown at Nico Waje?

Kahit walang binanggit na pangalan ang ABS-CBN reporter, ilang netizens ang naniyak na patama raw ito ni Katrina sa GMA-7 reporter na si Nico Waje, na kamakailan lamang ay nag-viral online dahil sa gawi ng kanyang pagbabalita.

Read: GMA News' Nico Waje brings kilig vibes with his typhoon updates

Sentiyemento ng isa (published as is): "Nico Waje is a man of substance. He does his work professionally and passionately. I watched his TikTok live last night, and all of his topics were about his profession. You can really sense the love he has for his job, so I find it bitter of you to tweet something like this."

Sabi pa ng isa (published as is): "Maem you said no bad blood and issues but you posted this tweet the same day nico waje had his first guesting on reddit? I don’t see pure intentions with this tweet po. Tbh, might sound off but ikaw yung nagmukang nag-seek ng clout with your tweet, Ma’am."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hala si ate nagpapansin kasi di napapansin. di daw bitter pero may pa reminder dahil sa viral ni Nico Waje kaya nagbuhat ng sariling bangko para umingay din yung pangalan HAHAHA," dagdag pa ng isa.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sagot si Katrina tungkol sa mga natatanggap niyang batikos online.

Humingi ng komento ang PEP, ngunit dahil walang nakakarating pa sa amin, hindi malinawan kung ayaw na lang ni Katrina na lumaki pa ang entablado para sa netizens na kulang ang kaalaman sa propesyon ng mga dyornalista.

O kung nais man niyang magbigay ng last word ay pinigilan ba siyang sumagot ng kanyang network.

Kalimitan kasi sa mga networks, hindi lang ang ABS-CBN, pinipili nilang palampasin na lang ang mga komentong wala namang basehan ay wala pang datos.

Read: GMA News reporter Bernadette Reyes, sinagot ang bastos na netizen

A VALID POINT

Bilang kapwa mamamahayag, nauunawaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pinanggagalingan ng post ng ABS-CBN News reporter na si Katrina Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong mali sa sinabi niyang mahalagang batayan ng mahusay na reporter ang mga istoryang inilalabas nito?

At anong mali sa inulit niyang hangga’t maaari ay hindi dapat nakatuon ang pansin ng mga manonood sa tagapaghatid ng balita kundi sa iniinterbyu at iniuulat ng mga ito?

Malinaw ring walang binanggit na pangalan si Katrina sa kanyang post, at tanging netizens ang mabilis na nag-akalang patungkol ito sa tinatamasang atensiyon ngayon ng GMA Integrated News reporter na si Nico Waje.

Sa kabilang banda, kawawa ang walang kamalay-malay na Nico.

Nadawit siya sa isang usaping wala naman siyang kaalam-alam.

Hindi kasalanan ni Nico na napapansin siya dahil sa paraan ng kanyang pag-uulat. Sa kabila ng nararanasang kalamidad ng ating bansa, nakakapaghatid pa siya kahit paano ng kasiyahan sa ilan nating kababayan.

Nakakalungkot na may mga netizens na nagbigay-kulay sa post ni Katrina na walang malay sa konteksto ng pagiging dyornalista at pinalalaki ang isang bagay na kung tutuusin ay wala namang kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana ay maiwasan na sa social media ang ganitong istilo ng pagkokomento na makakasakit ng damdamin at walang basehan.

Sa paglalahad ng PEP ng istoryang ito, wala kaming intensiyong pagsabungin ang dalawa sa pinakamalaking news organizations sa bansa.

Kaisa ng PEP ang ABS-CBN News, GMA Integrated News, at iba pang lehitimong news organizations sa paghahatid ng mga istoryang batay sa katotohanan at dapat malaman ng publiko.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some netizens picked up ABS-CBN reporter Katrina Domingo’s (left) post saying “reporters should never indulge in being treated as celebrities.” They began saying it was a subtle shade at GMA Integrated News reporter Nico Waje (right), who recently went viral online for his selfie-style reporting.
PHOTO/S: Screengrab ANC24/7 on YouTube/GMA News on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results