PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Misalucha gives reason why she did not try acting

Regine, Kuh, Zsa Zsa, Pops, and Jaya tried acting. What made Lani skip it?
by Rommel Gonzales
Published Jul 27, 2025
Lani Misalucha
“Kung meron mang mag-offer sa akin, gusto ko kontrabida ako... Sino kaya'ng makakatambal ko na sasampalin ko?" jokes Lani Misalucha, replying to why she did not try acting in front of the camera.
PHOTO/S: @lanimisalucha Instagram

Limang taon na ang nakararaan, dumaan sa matinding pagsubok si Lani Misalucha at ang mister niyang si Noli — tinamaan sila ng bacterial meningitis.

Dahil sa impeksyon na ito, nagkaroon sila ng mga kumplikasyon, kabilang na ang pagka-bingi.

Kaya't nang makapanayam si Lani ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong July 19, 2025, sa mediacon para sa concert niyang Still Lani, tinanong namin siya kung sumagi ba sa isip niya na huminto na sa kanyang career sa pag-awit.

“Oo, totoo yun,” umpisang sagot ni Lani, “nasabi ko talaga sa sarili ko na ayoko nang kumanta dahil siyempre, papaano pa ako kakanta, di ba?

“Hindi ko na nga nadidinig yung boses ko, hindi ako nakakadinig ng music. So, papaano pa ako kakanta?

“I really did tell that to myself, that I don’t wanna sing anymore.

"Yes, I wanted to stop right there. Especially, nung after kong kumanta dun sa ano namin, sa The Clash, yung parang Christmas presentation ng The Clash, I did realize that I was really out of tune.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, iyon talaga yung sinabi ko. I was in the... sa backstage and I was trying not to cry, kasi hindi ako nakakanta nang matino.

"So, sabi ko sa sarili ko, ‘I don’t wanna sing anymore,’” pagtatapat ni Lani sa PEP at iba pang miyembro ng press na dumalo sa kanyang mediacon na ginanap sa 22 Prime, Discovery Suites Manila sa Ortigas, Pasig City.

Dumating din ba si Lani sa punto na tinanong niya ang Diyos ng, "Bakit kami ng mister ko?"

“Oh, no. I didn’t ask that,” bulalas ni Lani, “hindi ko tinanong ang Diyos kung bakit ako.

“Di ba, parang ang pangit? Kasi kung tatanungin mo na, ‘Bakit ako?’

“Parang pag tinanong mo yung, ‘Bakit ako? Sana iba na lang.’

“Di ba? Parang ganun yun, e. Pag tinanong mo, 'Bakit ako?' Parang ang kasunod nun, 'Sana iba na lang.' Kaya hindi ko tinanong yung question na yun.

"Ang inano ko na lang, tulungan na lang kaming mag-asawa na mapagpatuloy pa rin namin yung buhay namin, na functional pa din kami, na productive pa din kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

still lani at 40

Sa ganoong positive thinking ay nalampasan daw lahat nina Lani at Noli ang naturang pagsubok sa kanilang buhay.

At ngayon, patuloy na namamayagpag si Lani bilang nag-iisang "Asia’s Nightingale," ang bansag na ibinigay sa kanya ng fans at media.

Sa katunayan, may major concert siya sa August 21, ang Still Lani na idaraos sa The Theater at Solaire sa Parañaque City.

Guest performers niya rito ang bandang Ben&Ben, ang pop duo na sina Leanne & Naara, singer and theater actress Shaira Opsimar, at ang actor-singer na si Paeng Sudayan.

Ito ay mula sa produksyon ng Backstage Entertainment, with executive producer Atty. Nate Quijano. Sa direksyon ni Calvin Neria at musical direction ni Toma Cayabyab, na anak na lalaki ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

Ang Still Lani rin ay magsisilbing celebration ng 40th anniversary ni Lani sa music industry.

why she did not try acting

Curiously, sa lahat ng mga local diva ay tila si Lani lamang ang hindi sumubok sa pag-arte. Ang mga tulad nina Regine Velasquez, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Jaya, at Pops Fernandez ay naranasang umarte sa pelikula at telebisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero si Lani, bakit hindi niya sinubukan?

“Simple lang ang sagot — walang gustong kumuha sa akin!” at tumawa si Lani.

“Hindi, totoo nga. Di ba, minsan kapag meron kang iniisip, iyon yung mangyayari, di ba?

“Kasi nung time na yun, nung year 2000, 2001, iyon yung nagkaroon ako ng very first major concert ko sa Araneta Coliseum."

Ang tinutukoy ni Lani ay ang 2001 first major concert niyang Lani Misalucha: The Crossover Live Tour na humatak ng mahigit 17,000 concert-goers at nagbigay sa kanya ng Aliw Awards Best Major Concert by a Female Artist at Tinig Award for Best Solo Performer nang taon ding iyon.

Nag-Platinum status (40,000 copies sold) din ang album mula sa concert na ito.

"Iyon talaga, epic yun, na hindi pa ako ganun kakilala, hindi pa ganun kalaki yung pangalan na Lani Misalucha, pero napuno yung Araneta Coliseum, overflowing talaga.

“So, yung time na yun, maliliit pa ang mga anak ko nun. Yung isa, 7, yung isa, magte-10. So, talagang inisip ko na, ito pa lang, sa singing pa lang, meron akong SOP nun. So, dun pa lang alone, e busy na ako," banggit pa ni Lani sa kinabibilangan niyang GMA-7 Sunday afternoon show noon na SOP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, nanay na ako nun, ang liliit pa ng mga anak ko. Kaya, as in, ito ang iniisip ko, ayokong mag-artista.

“E, di walang lumapit sa akin na offer."

"Hindi, totoo, oo," pangungumbinsi pa ni Lani sa mga kausap. “Kaya kung ano yung iniisip mo, iyon yung mangyayari.

"Iniisip ko ang ganda-ganda ko, ganun lang, e. Hindi nila nakuha ang joke,” at muling tumawa ang Asia’s Nightingale.

“Kaya ang nangyari, puro ako movie theme songs, ako ang kumakanta, at saka mga teleserye.”

Kahit mga teleserye na acting, walang nag-offer sa kanya?

“Kung meron mang mag-offer sa akin, gusto ko kontrabida ako.”

Kung aarte siya bilang kontrabida, sino’ng artista ang gusto niyang makaeksena at bakit?

“Na sampalin? Ha-ha-ha! Oh, my gulay, oo nga, 'no?

“Teka, hindi ko pa napag-isipan iyan, sandali lang.

“Iniisip ko na yung itsura ko na maldita, yung ganun, yung makapal ang make-up. 'Tapos mataas ang buhok, 'tapos ang daming malaking alahas, ganun, na parang mahadera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sino kaya'ng makakatambal ko na sasampalin ko? Pag-iisipan natin yan, kasi natanong na ako niyan, e. Kung gusto ko ba daw na bida or kontrabida, sabi ko kontrabida.

“E, itsura ko na ito puwede ba akong tweetums? Di ba, hindi naman?”

Si Regine ba or si Ai-Ai delas Alas na kapwa niya judge sa The Clash ang gusto niyang masampal sa harap ng kamera?

Tumawang muli si Lani bago sinabing, “Si Ai-Ai na lang, at least ano yan, kilalang-kilala ako ni Ai-Ai.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Kung meron mang mag-offer sa akin, gusto ko kontrabida ako... Sino kaya'ng makakatambal ko na sasampalin ko?" jokes Lani Misalucha, replying to why she did not try acting in front of the camera.
PHOTO/S: @lanimisalucha Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results