Maraming naging achievements si Daniel Padilla bilang isang aktor, pero ngayon ay gusto niyang maranasan ang tagumpay sa pagnenegosyo.
“Sana, by next year or soon, maging successful businessman ako,” pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Read: Daniel Padilla: “Wala na akong hihilingin pa.”
Pagdating sa pagnenegosyo, humuhugot si Daniel ng inspirasyon sa kanyang mga pangarap.
Lahad ng Kapamilya actor: “Marami akong pangarap na gusto kong matupad. Siyempre, unang-una sa pamilya ko. Number one yon, siyempre, kaagapay ko ang pamilya ko.
“Again, my inspiration comes from my dreams. I’m 30 years old and I have to plan my life now, kung saan ako pupunta ngayon.
"Ano nga ba ang mga gusto ko? Nagtatrabaho tayo nang maige ngayon para sa mga pangarap na yon.”
Excited si Daniel na makitang lumago ang kanyang mga negosyo.
“Ako, since nandito na tayo, I think lahat ng mga negosyo na pinapasok natin ay maging successful. Yun lang ang pangarap ko.
"Siyempre, wala naman akong pangarap na maging artista habang-buhay. Siyempre, gusto ko rin na maging negosyante, manage na lang the businesses."
Read: What Cathy Garcia-Sampana says about KathDen, KathNiel
daniel padilla: late-bloomer businessman
Aminado si Daniel na mas hands-on siya sa pagpasok sa pagnenegosyo ngayon kumpara noon na mas tutok talaga siya sa pag-arte.
Paliwanag niya: “Naisip ko, mas maaga, mas mabuti na magsimula sa negosyo.
"E, kaso, noong panahong iyon, umaararo rin ako sa trabaho. Parang ang utak ko noon ay sa sabay-sabay naming taping, shooting, at guesting.
“So noong panahon na iyon, parang hindi ko kinayang magnegosyo. At siyempre, importante na may gumagabay rin sa iyo sa negosyo."
Kailan niya nasabing kailangan na nga niyang simulan ang pagnenegosyo?
Pagbabalik-tanaw ni Daniel: “Siguro nagsimula akong mag-negosyo—iba naman yung sa akin, nagsimula akong magnegosyo kasi nakakonekta to our industry.
"Graphic Designer, mahilig kasi kami. Doon nagsimula yun, e.
"So, ang una-una naming ginawa yung Barbero, yung barber shop. Doon ka naman matututo."
Pinasok daw niya ang pagnenegosyo para matuto kung paano palaguin ang kanyang mga kinikita sa pag-aartista.
"Pero lalo ako, unang-una, e, actor ako. Yan ang trabaho ko, yan ang linya ko.
“Ang pagnenegosyo kasi para sa akin is experience. Pumasok ako dito, siyempre, para kumita. What’s the point of pagnenegosyo?
"Pero nandito rin ako para matuto sa negosyo. Ano nga ba ang mga kailangan?
"So, doon nagsimula at naging interesado na rin ako."
Read: Angel Locsin shows support for stepson Joaquin Arce
daniel padilla: excited to learn about business
Nakapanayam si Daniel ng PEP at ibang entertainment reporters nang ilunsad siya bilang ambassador ng KPC Importation Services. Ginanap ang event noong July 28, 2025, sa Shangri-La The Fort, sa BGC, Taguig City.
Ang mga CEO ng kumpanya ay ang mag-asawang Khelvin at Mary Cruz, na parehong bata pa.
Na-inspire raw si Daniel lalo sa pagnenegosyo nang marinig niya ang "humble beginnings" ng mga may-ari ng brand.
Aniya, “Grabe resume ng mga taong ito. Ang sarap maging parte nito.
"Yes, it’s a partnership, I’m their endorser, but at the same time, I’m also their student. Gusto kong matuto sa kanila at marami pa akong makikilala.
“Again, yun nga, hindi puwedeng hindi ka na tutuloy—na tutumba ka lang at ayaw mo ng tumuloy.”
Hindi kaila na malaking hamon para kay Daniel ang dinanas na kontrobersiya matapos ang hiwalayan nila ng longtime reel-and-real-life sweetheart na si Kathryn Bernardo.
Pero unti-unting bumabangon ang aktor, mula nang siya ay magbalik-trabaho sa Incognito, hanggang sa ngayong nakakakuha siya ng panibagong endorsement.
Kaya naman inspirado siya na i-improve pa ang sarili sa pamamagitan ng pag-expand ng kanyang business know-how.
“Naging exciting lang along the way.
"And heto, marami na rin tayong nakikilalang mga tao na pare-pareho ang ideas ninyo. Ang sarap makipag-collaborate, makipag-partner.”
Sabi pa ni Daniel, “Marami pa akong kailangang matutunan. I’m very young in this industry, ang business. Hindi siya madali, but I think itong phase na ito is very exciting.
“And sabi ko nga, ang business ko, gusto ko yung palaging may epekto sa tao. Until now, natututo pa rin ako, pero I’m very into doing business...
"Salamat sa Panginoon, nilalapit ako sa mga tamang tao.”
