Marami ang natuwa sa GMA News reporter na si EJ Gomez dahil sa kanyang post tungkol sa GMA Gala 2025.
Si EJ ay senior news correspondent ng GMA-7.
Sa Facebook post niya kaninang umaga, August 3, 2025, ibinahagi niya ang video kunsaan makikitang nagre-report siya onsite.
Ang news coverage niya ay isang sunog, pero kapansin-pansing plakado ang make-up sa mukha.
Nanggaling kasi si EJ sa GMA Gala, na ginanap lang ilang oras bago ang fire incident sa Caloocan City.
“From GMA Gala to sunog real quick,” ang caption ni EJ sa video.
Dagdag pa niya, “Ang daming nasunugan. Less than a week ago, nagkasunog din po sa lugar na ito. Tinitingnang sanhi ay ang mga ilegal na kuryente sa lugar.”
Read: Barbie Forteza and Jameson Blake spotted HHWW at GMA Gala 2025
EJ GOMEZ TRENDS ON X
Malungkot man ang sinapit ng mga biktima ng sunog, kahit papaano ay nagdala si EJ ng kasiyahan sa mga nakapanood ng kanyang coverage.
Sa comments section, pinansin ng netizens ang make-up ni EJ.
“Reporting live from the smoky zone with matching smoky eyes make up. Hindi nyo kaya,” comment ni Maykel Garbo.
“Sooooo glam naman mag report,” ang sabi ni Carol Lang.
Pinuri naman ni Mateo Luis Ogarte ang dedikasyon ng reporter.
“From GMA Gala to Sunog, salute to all graveyard reporters out there, thank you for your service to the nation Ms. Ej!”
Um-attend si EJ sa GMA Gala kasama ang ilan ding mga reporter mula sa GMA News.
Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night
NOT THE FIRST TIME
Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-trend sa X (dating Twitter) si EJ dahil sa kanyang make-up.
Sa katunayan, ilang araw lang ang nakakaraan nung pinag-usapan ng netizens kung bakit mukhang perfect ang make-up niya habang nagre-report sa gitna ng bagyo.
Nag-post din si EJ sa kanyang Facebook account tungkol dito noong August 1, 2025.
Nagpasalamat siya sa mga pumupuri sa kanyang looks habang nasa ilalim ng ulan.
“I’m fully aware of the viral issue po involving me wearing, as you, netizens say, ‘typhoon proof make up’, ‘plakado make up’, ‘ride or die make up’, ‘slay and fresh make up’, ‘no hulas make up’, and so on.
"Know that I see you po and I appreciate you all po," saad niya.