Dalawang araw makalipas ang GMA Gala 2025, marami pa ring unforgettable moments ang pinag-uusapan online.
Read: PBB Celebrity Collab housemates trending for GMA Gala 2025
Isa na rito ang date night ng "mag-mowm" na sina Klarisse de Guzman at Will Ashley.
Ilang oras bago sila rumampa sa blue carpet, ipinakita ni Klarisse sa social media ang bulaklak na natanggap niya mula kay Will.
Niyaya siya ni Will na sila ang magka-date sa GMA Gala.
"Better late than nothing. GALA?" saad sa card ni Will para kay Klarisse.
Caption ni Klarisse sa kanyang post sa X (dating Twitter) noong August 2, 2025, "Sweet naman ng nakchie na yan."

Sabi rin ni Klarisse patungkol sa penmanship ni Will, "Sulat ng sutil."
Inunahan na rin ni Klarisse ang fans sa pagtukoy sa date night nila ni Will: "So graduation ang peg natin tonight."
Sang-ayon ni Will, "Bring your mom to school ang atake."
Si Will ang Kapuso Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Second Big Placer, habang si Klarisse ay isa sa fan favorite housemates.
Read: GMA Gala 2025 Awards: BreKa wins Couple of the Night
WILL ASHLEY AND KLARISSE DE GUZMAN "GRADUATION MARCH"
Ang kanilang PBB Celebrity Collab Edition housemates ang ilan sa huling rumampa sa blue carpet sa GMA Gala.
Inabangan nga ng fans ang kanilang appearance.
True enough, ikinatuwa ng fans ang sabay na paglalakad nina Will at Klarisse sa blue carpet.
May ibang fans na nag-screengrab ng video ng dalawa, at saka nilapatan ng graduation march song para maging meme.
Sabi pa ng fans, same energy raw sina Will at Klarisse sa nag-viral na fashionista momshie na dumalo sa graduation day ng anak.
Tuwang-tuwa naman ang netizens dito.
Nang makaabot kay Klarisse ang meme, tawang-tawa rin siya rito.
"At talagang graduation nga. Nilaro nyo nanaman ako," komento ni Klarisse.

MORE STORIES ON GMA GALA 2025
- GMA Gala 2025 blue carpet arrivals: Ladies in bright colors
- Heart Evangelista in handpainted Schiaparelli at GMA Gala 2025
- Bea Alonzo seen with Vincent Co after GMA Gala 2025
- Barbie Forteza and Jameson Blake spotted HHWW at GMA Gala 2025
- GMA Gala 2025, people and pairs we missed
- GMA Gala 2025 scene stealers
- Couples spotted at GMA Gala 2025
