Sa loob ng ilang taon, agaw-atensiyon ang kumpol ng mga tupa sa College of Science ng University of the Philippines – Diliman sa Quezon City.
Mula sa iilan, umabot na sa tinatayang 20 tupa ang naglilibot sa damuhan at iba’t ibang lugar sa campus.
Para sa mga nagtatanong, sinadya ito ng campus para magkaroon ng “grass cutters” noon pang panahon ng pandemya.
Familiar ang mga UP students dito.
“Parati kaming may problema sa grass cutter, mahal ang gasoline…” ani Dr. Marian Roque, associate dean for Faculties and Resources Management, College of Science ng UPD, ulat ng 24 Oras.
“May nag-mention, yung mga sheep daw ay magaling silang grass cutter. Yun po ang isang amazing about them.”
Dagdag ni Roque, pinapakawalan sila tuwing umaga at animo’y trained na babalik sa kanilang kural pagsapit ng hapon.
Meron din silang mga tagapangalaga.

Read: Pinoy scientist returns home after studying at Harvard University
Bilang mga herbivore, naging alternatibo ito ng College of Science para makontrol ang paghaba ng damo sa vicinity ng campus.
Para sa mga naging estudyante roon at iba pang mga napapadako sa lugar, maganda ang idea na ito.
In the past few years, may mga posts sila tungkol sa mga kinaaaliwang tupa.
“The sheep are being taken care of by the College as part of the grounds maintenance team,” post ng The UP Wild Facebook page noong July 2020.
“Their task of keeping the grass low has never been more important than now, when our two-legged staff can’t come to work.”

Read: SUCCESS STORY: Alyssa Niega fails the UPCAT, tops UPLB Class 2025
CONCERNED ABOUT THE SHEEP
Meron namang iilan na nagtatanong kung ano ang purpose ng mga tupa at kumukuwestiyon sa kalagayan ng mga ito.
Naaalagaan kaya ang mga ito nang maayos?
May nagkomento na tila kawawa kasi ang hitsura nila.
Paniniyak ng isang netizen, “Someone looks after them."
Sundot ng isa pa, “If I’m not mistaken, the CS admin (staff) are the ones taking care of them.”
May mga nakapansin namang madungis sila.
Paliwanag ng isa, “Near yung parang forest/damuhan kaya ganiyan itsura nila.”
Pagtatanggol ng isa pa, “They just don’t store at kasi di naman malamig sa UP.”
“The size is normal my concern is how dirty they look,” pagpuna ng isa.
Reply naman ng isa pa, “They probably dipped sa streams there. Baka rin naputikan kasi umulan sa Diliman recently.”



NETIZENS' HAPPY AND FOND MEMORIES OF THE SHEEP
In general, positibo ang mga komento ng netizens ukol sa mga tupa sa UPD.
Ang ilan sa mga napadaan doon, nagkaroon daw ng close encounter sa mga ito.
Sabi ng isa, nakakita siya ng sheep sa Turkiye kaya natuwa siyang makakita ng tupa sa UP.

Ang mga dating students naman, may fond memories noong nag-aaral pa sila sa UPD.
Post ng isa, “Sila lang talaga highlight ng midyear ko hehe. So cute, especially when they’re in flock.”
Pagsang-ayon ng isa, “Aww!! Same, same. Nakakagana na tuloy pumasok sa Physics class.”
Ang iba pang estudyante, mukhang na-attach dahil pinangalanan pa ang mga ito.





