Tinawag ni Cathy Sanchez-Babao ang pansin ng isang netizen na walang pahintulot na ipinost ang larawan ng kanyang ina, ang veteran actress Caridad Sanchez, sa social media.
Sa Threads nitong nakaraang August 3, 2025, ibinahagi ng isang netizen ang larawan ni Caridad na nakaupo sa wheelchair habang nasa supermarket.
Caption ng netizen, published as is: "Ito na pala siya ngayon. Siya ay isang veterana, sikat at magaling na artista.Siya ay si Caridad Sanchez.
"Bukod sa pagkakaroon ng katandaan niya. Eh, Mukhang mayroon din siya na sakit na dinadaramdam ngayon. Ang laki ng pinayat niya. #everyoneactive #artistlife #positivemindset #keepsafeevery0ne"

Sa comments section, sinita ni Cathy ang netizen.
Imbes daw magpakalat ng espekulasyon, bakit hindi na lang daw ito mag-research tungkol sa Alzheimer's disease, na kondisyon ngayon ng 91-anyos na beteranang aktres.
Unang sabi ni Cathy: "Ang Alzheimer’s ay isang kondisyon na unti-unting binabago kung paano gumagana ang utak. Apektado ang alaala, pag-iisip, at kahit ang mga simpleng gawain sa araw-araw. Wala pa itong lunas—wala pang gamot na kayang tuluyang pahintuin o ibalik ang dati. Pero maaari itong alagaan at mapagaan."

Dagdag pa niya: "Sa tamang pag-aalaga, mahabang pasensya, at pusong puno ng pag-ibig, puwedeng makaranas pa rin ng tuwa, halakhak, at koneksyon ang mga mahal natin sa buhay na may Alzheimer’s. Malaking tulong ang mga routine. Nakakatulong ang musika. Malaking bagay ang pamilyar na mukha at lugar. May ilang gamot din na nakakatulong pabagalin ito. Pero higit sa lahat, ang pagkalinga at pag-unawa ng mga nagmamahal ang siyang pinakamas epektibo. "

Ayon pa kay Cathy: "Kaya kahit hindi natin ito kayang pagalingin, kaya nating samahan ang mahal natin sa bawat hakbang. Isang araw, isang alaala, isang kuwento sa bawat pagkakataon.#Alzheimer #alzheimersawareness "

Dagdag ng anak ng beteranang aktres: "Rather than speculate, which is highly disrespectful, it’s better to do your research. Everyone will grow old, and as you grow older, your risk for dementia or Alzheimer’s which is a form of dementia, increases with age."

Mensahe pa ni Cathy sa lahat: "Let’s set the record straight about Alzheimer’s. Alzheimer’s is a condition that slowly changes how the brain works. It affects memory, thinking, and even simple daily tasks.
"There’s NO cure for it yet—nothing that can stop it completely or reverse it. But it CAN be managed. With the right care, patience, and a lot of love, people living with Alzheimer’s can still have moments of joy, laughter, and connection. Routines help. Music helps. Familiar faces and places help."

Wala pa raw itong gamot kaya nakakaigi umano ang tamang pag-aalaga.
Aniya: "Some medicines can slow things down a little. But mostly, it’s the steady presence of kind hearts that makes the biggest difference."

Read: Cardinal David slams old gambling law after student's tragic death
NETIZENS SLAM UPLOADER OF Caridad sanchez's PHOTO
Maraming netizens din ang hindi nagustuhan ang pagpu-post ng uploader ng larawan ni Caridad.
Hindi raw kasi nito ginalang ang pribadong buhay ng veteran actress.
Sabi ng isa (published as is), "Please don’t do this for content. Tita Caring is a highly reapected actress and a well-loved neighbor. We grew up under her motherly care on our street and it is disgusting that you should portray her in an unflattering manner."

Pinangaralan din siya ng isang netizen.
Pinapalabas daw kasi nitong tila hindi naalagaan nang mabuti si Caridad.
Puna nito: "The way this was captioned makes it seem like Tita Caring is not cared for. On the contrary her children are seeing to all her needs and she is well loved and wants for nothing. As one ages it is normal to lose muscle mass kaya parang namamayat. Loss of mobility through other illnesses due to aging is normal. While she may have the usual illnesses that seniors in their 80s have I can assure you she gets the best medical care and her children are giving her the best possible life."

May nagpaalala naman tungkol sa batas.
Ayon dito: "Be sure to have the consent of her family before posting. Republic Act No. 10173 (Data Privacy Act of 2012) Protects individuals from the unlawful processing of personal information, including photos, without consent."

Sabi ng isa pa, "Shame on you if you have posted her photo without her permission."

Read: Red Sternberg's wife recalls heartbreaking day the actor died
Hind sumagot ang netizen na nag-post ng larawan ni Caridad.
