All's well sa pagitan nina Kira Balinger at Brent Manalo.
Ito ay sa kabila ng tensiyonadong tagpo sa pagitan nila nang maging House Challenger si Kira sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 20 housemates
Kinuwestiyon noon ni Kira kung naipakita na ba talaga ni Brent kung sino ito sa loob ng Bahay Ni Kuya.
"Who are you?" provocative na tanong noon ni Kira.
Balik-sagot ni Brent, "Who are you?"
Nangatuwiran si Brent na hindi raw kilala si Kira kaya nga ito na-evict sa PBB House.
Sa ipinalabas na episode ay hindi nakasagot si Kira dahil nalihis na ang diskusyon ng House Challengers at ng BreKa—ang pinagsamang pangalan ni Brent at ng ka-duo niyang si Mika Salamanca—sa puntong iyon.
Ang House Challengers ay binubuo ng sampung housemates na na-evict bago ang pagpili sa Final Big Four.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kira, tinanong namin kung na-offend ba siya kay Brent noon.
"Well, both of us, we really laughed about it. Ilang beses kaming nagyakapan, nag-sorry sa isa't isa. We're really okay," paniniguro ni Kira.
Mas nagulat daw si Kira kesa na-offend sa naging buwelta ni Brent.
"Siyempre kasi, hindi ko naisip na he will bounce back at me. Pero na-offend? No," diin ni Kira.
Scripted ba ang face-off ng housemates noon?
"That one, no," pagtanggi ni Kira.
Ang task ng House Challengers ay i-test kung mapo-provoke ang housemates.
Paliwanag pa niya, "Pero we're given pointers—yung mga puwede naming itanong bilang mga house challengers."
Ayon pa kay Kira, masaya siya sa pagkapanalo ng duo nina Brent at Mika sa PBB Celebrity Collab Edition.
"There's nobody else I would rather have for big winners, yung Big Four talaga.
"Si Brent and si Mika, deserve naman talaga."
Nakapanayam ng PEP si Kira sa EDDYs Awards Night na ginanap sa Marriott Grand Ballroom noong July 20, 2025.
Read: Red Sternberg's wife recalls heartbreaking day the actor died
KIRA BALINGER ON BEING A GOOD SPORT
Pero aminado rin si Kira na nanghinayang siyang hindi siya nakapasok sa Big Four.
Aniya: "Siyempre, I mean, for somebody na may pangarap talaga to have hopes of going to PBB, siyempre may kaunting hinayang.
"But it doesn't mean na di ako proud sa Big Four."
Ano ang natutunan niya sa PBB?
"A lot," sagot ni Kira. "I learned how to really work with a team, how to communicate, how to help somebody else realize their self-worth..."
Read: Jak Roberto reacts to Barbie-Jameson rumored relationship
CLOSENESS WITH BOOK CLUB MEMBERS
Isang buwan nang tapos ang PBB pero nananatili pa rin daw silang magkakaibigan ng kapwa niya PBB housemates.
"We're very good. We're very close pa rin naman," sabi ni Kira.
Solid pa rin daw ang grupo niyang Book Club, na kinabibilangan nina AC Bonifacio, Josh Ford, AZ Martinez, Charlie Fleming, at ang "pinaka-recent naming ampon" na si Xyriel Manabat.
Sa ngayon ay abala si Kira sa showbiz commitments niya.
Pinaghahandaan din ng ex-housemates ang concert ng PBB na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 10.
