Nananatiling curious ang publiko kung ano ang real score sa pagitan nina Atasha Muhlach at Jacob Ang.
Anak si Atasha ng showbiz royalty na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Namamayagpag na rin ang showbiz career ngayon ng dalaga.

Si Jacob naman ay bunsong anak ng may-ari ng San Miguel Corporation (SMC) na si Ramon Ang.
Kilala rin ang binata sa palayaw na Jake.
Umugong ang posibilidad na may “something” kina Atasha at Jacob matapos i-repost ng binata sa kanyang Instagram Story last June 15, 2025, ang trailer ng Bad Genius, bagong TV5 series na pinagbibidahan ng dalaga.
Ilang eagle-eyed followers ni Atasha ang nakapansin dito.
Na-screenshot ng isang netizen ang IG Story ni Jacob at ini-repost sa TikTok.
Sa caption sa TikTok ay nagtanong ang netizen kung si Jacob ba ang "rumored boyfriend" ni Atasha.
Read: Atasha Muhlach's makeup hack comes with skincare benefits
RAMON ANG on ATASHA MUHLACH
Ang ama ni Jacob na si Ramon ang tila sumagot sa katanungang ito.
Sa isang video courtesy of Bilyonaryo news channel, pinuri nito ang anak nina Aga at Charlene.

Pahayag ng nakatatandang Ang: “Oh, si Atasha is a very nice lady. Napabait at napakaganda. Sobra!”
Sambit pa niya na tila paglilinaw sa namamagitan sa dalawa: “Kaibigan lang ho [si Atasha] ng anak kong si Jacob.”
Read: Atasha Muhlach, lumabas ang pagkamakulit sa taping ng Bad Genius
NETIZENS THINK ATASHA MUHLACH AND JACOB ANG are AN ITEM
Patuloy namang nakasubaybay ang netizens sa mga galawan ng dalawa.
Nalaman pa nilang pinapa-follow nila ang isa't isa sa Instagram.
Naobserbahan din nilang nila-like ni Atasha ang ilang IG posts ni Jacob mula January hanggang May this year.
Maging ang kakambal ni Atasha na si Andres ay nagla-like din sa ilang posts ni Jacob.
May netizen din na nagsabing kasama si Jacob sa isang picture ni Atasha at ng pamilya ng dalaga nang magbakasyon ang mga ito sa Hong Kong.
Si Aga pa raw mismo ang nag-post ng group picture sa social media, pero agad ding binura diumano ng aktor.
Sa mga panayam ay walang nababanggit si Atasha kung may suitor o boyfriend siya.
May isang source ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagsabing since May 2025 ay madalas nitong makitang magkasama sina Jacob at Atasha.
Obserbasyon umano nito, nagkakamabutihan ang dalawa.
Last July 29, tinanong ng PEP ang isang taong very close kay Atasha kung in relationship na ba ang dalaga kay Jacob, pero wala itong kinumpirma.
Read: Atasha Muhlach, nilinaw na walang competition sa kanila ni Andres
WHO IS JACOB ANG?
Si Jacob ang special assistant to the chairman of SMC, ayon sa May 2025 cover story ng Esquire.
Aktibo siya sa ilang subsidiary ng SMC na may kinalaman sa luxury cars.

Director at chief planning officer siya ng Velocita Motors Inc., na official importer, dealer, at distributor ng Ferrari sa Pilipinas.
Batay pa rin sa ulat ng Esquire, involved din si Jacob sa BMW Philippines dahil sa koneksiyon niya sa SMC Asia Car Distributors Corp, na importer, distributor, at service provider ng kilalang German car manufacturer.
Mahilig siya sa racing, at sumasali sa international racing competitions.
Read: Roderick Paulate enjoys working with Andres and Atasha Muhlach
